Chapter 9 Klaire’s POV A-anong ginagawa ng lalaking iyan dito? At paano niya nalaman na isinugod ako sa hospital? “Mr. Dixon!” tawag ni tatay sa kaniya. Nandon pa rin sa mga mata niya ang kuryosidad sa kanyang narinig. Paano ko ba lulusutan ito? “What brought you here?”tanong ko. He just smirked at umupo sa tabi ni tatay. Ang kapal, feeling close ang gabi sa tatay ko. “Napadaan lang tapos nakita ko sa patients book ang name mo.” Ay hala! Stalker ko na pala ang isang ‘to. “Ganun?Then you should go. Wala ka namang maitulong eh.” Ayokong malaman niyang ipinagbubuntis ko ang anak niya. No way! I can’t afford to tell him about my pregnancy. Hell no! “You’re pregnant? Narinig kasi,”napalagok naman ako ng laway. Paktay! Saglit kaming nagkatinginan tatlo nina tatay at Tita Clarissa.

