ANO BINGI KA BA?

1703 Words
Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Hindi ako papayag na hindi na mag-aral si Carmela. Tumingin ako sa aking kapatid at nakikita ko ang lungkot nito dahil sa sinabi ni Tiyang Nenang na hindi na mag-aaral ito. “Tiyang Nenang, hindi po ako papayag na hindi mag-aral si Carmela. Hindi ko naman po hinihingi sa ‘yo ang perang ipapaaral ko sa kanya!” mariing sabi ko sa matanda. “Ahh! Bahala ka nga sa buhay mo Trish! Hindi naman ako ang mahihirapan, eh. Diyan na nga kayo! Ang dami ninyong arte sa buhay!” Sabay tago ng isang libo sa bulsa ng duster nito. Nanghihina akong napaupo sa papag. Labis akong nanghihinayang sa isang libo na alam kong ipangsusugal lang ng pinsan ng Itay ko. Lumapit sa akin si Carmela. Naramdaman kong umiiyak ito. “Akala ko’y hindi na ako makakapag-aral, ate Trish,” anas nito habang panay ang singhot dahil umiiyak. “Hindi ako papayag na hindi ka mag-aral Carmela. Isang linggo lang tayong magtitigil dito sa bahay ni Tiyang. At babalik na tayo sa ating bahay. Saka, kung dito tayo titira, baka hindi ako makaipon dahil kukuhanin nang kukuhanin ni Tiyang Nenang. Huwag ka nang mag-alala dahil kahit ano’ng mangyari ay mag-aaral ka pa rin---” “Salamat po ate Trish---” marahan akong tumango sa aking aking kapatid. Mayamaya pa’y nagpaalam muna ako rito para magluto. Ito naman ay kailangan mag-review dahil may exam ito bukas. Dali-dali akong pumunta sa loob ng kusina at agad na nagluto. Hindi naman nagtagal ay nakaluto na rin ako. Sakto namang dating ni Tiyang Nenang. Napansin kong may dala-dala itong lechon manok at inabot sa akin. “Oh! Nanalo ako sa sugal. Binilhan ko kayo ng ulam. Baka sabihin ng Itay mo ginugutom ko kaya. At heto ang 1500 na kinuha ko sa ‘yo. Akala mo siguro hindi ko ibabalik, ano? At ito ang balato mo. Tipirin mo iyan upang may baon ang kapatid mo sa school! Sige na maghain ka na at sabay-sabay na tayong kakain. May binili na rin akong isang sakong bigas para pang matagalan natin,” anas ni Tiyang Nenang. Umalis muna ito sa aking harapan para magpalit ng damit. Napatingin din ako sa perang ibinalik ni Tiyang Nenang na 1500 pesos at ang balato raw namin ni Carmela na tig 500 kami. Hindi ko tuloy alam kung ano ang aking sasabihin. May puso rin pala ang matandang ‘yun? Itinago ko na lang ang perang ibinigay nito. Mamaya ko na lang ibibigay kay Carmela ang pera nito na galing kay Tiyang Nenang. Mayamaya pa’y dumating na rin sina Carmela at Tiyang Nenang. Sabay-sabay na rin kaming kumain. Tumingin ako sa aking kapatid. Alam kong sarap na sarap ito sa ulam na letchong manok. Sa totoo lang ay hindi kami halos nakakakain ng masasarap ng ulam. Ang kalimitan na ulam namin ay tubig asin o ‘di kaya at gata ng niyog. Kahit ganoon ang ulam namin ay wala kaming maisusumbat kina Inay at Itay noon. Dahil nakikita ko naman kung gaano nila kami kamahal. Ngunit bigla kaming sinubok ng tadhana. Ang magkaroon ng sakit si Inay, dahil din sa kakulangan sa pera kaya hindi namin halos napapagamot ang Inay ko. Huli na nang malaman namin na may sakit na cancer ang mahal kong Ina. At iyon ang hindi matanggap ng Itay. Ang maagang pagkawala ng Inay ko. Malungkot tuloy akong napahinga. Pinilit ko na hindi naiyak. Baka kasi pagalitan ako ng aking Tiyang Nenang dahil sa kadramahan ko. Pagkatapos kumain ay inako ko na ang paghuhugas ng plato. Lalo at may gagawin pa ang aking kapatid. Pagkatapos maghugas ng plato ay naligo na rin ako. May maliit na banyo naman dito sa loob ng bahay ni Tiyang Nenang. Inayos ko rin ang papag na hihigaan namin ni Carmela. Napansin kong may apat na unan at isang kumot. May banig na rin dito, na kanina naman ay wala. Tumingin ako kay Carmela at nakita kong nakaharap ito sa maliit na table. “Carmela, si Tiyang Nenang ba ang nagbigay sa atin ng unan at kumot pati ang table at inuupuan mo ngayon?” tanong ko sa aking kapatid. Kahit alam ko na ang sagot ay nagtanong pa rin ako. Gusto ko lang kasing narinig. “Opo, ate Trish. Sa kanya galing ang lahat ng iyan. Nagulat nga ako. May bait din pa lang tinatago ang pinsan ni Itay.” Hindi ako nagsalita. Ngunit agad akong lumapit sa aking kapatid at inabot ko rito ang 500 pesos na galing kay Tiyang Nenang na balato raw namin. Kitang-kita ko sa mukha ng aking kapatid ang tuwa. Makita ko lang na masaya ang aking kapatid ay labis na talaga akong natutuwa. Sana lang ay nandito rin si Itay o sana ay maging maayos na ang lagay niya. Muli akong bumalik sa papag. Hindi ko na inabala ang aking kapatid lalo at busy ito sa pag-aaral niya. Nang alam kong tuyo na ang aking buhok ay agad akong nahiga. Mayamaya lang ay agad akong nilamon ng antok. KINABUKASAN maaga akong nagising dahil may pasok ang aking kapatid. Ngunit mas nauna pang nagising sa akin si Carmela. Dali-dali tuloy akong pumunta sa kusina. At nakita kong kumakain ang aking kapatid ng pansit. “Saan galing ang pansit?” tanong ko sa aking katapid. “Nagluto si Tiyang Nenang. Mas maaga siyang nagising kaysa sa akin. Kumain na raw ako dahil may pasok pa raw ako,” pagbibigay alam sa akin ng kapatid ko. Hindi muna ako nagsalita. Ngunit naupo ako sa bakanteng upuan para kumain na rin. Naisip ko rin siguro nga ay mabait talaga ang pinsan ni Itay. Kaya lang siguro ito masungit dahil matandang dalaga na o kapag natatalo sa sugal. Kaya uunawain na lamang namin. Nang matapos si Carmela na kumain ay magalang itong nagpaalam sa akin para maligo dahil may pasok ito. Mabilis ko namang iniligpit ang mga pinagkainan namin. Naghugas na ako mg mga plato at naglinis na rin ako ng buong bahay. At nang alam kong malinis na ang bahay ni Tiyang Nenang ay nagmamadali kong inayos ang aking sarili para pumunta sa address na binigay sa akin ni Tiyang Nenang para maglaba. Mukhang maagang umalis ang matanda baka nasa pasugalan na naman ito. Iiling-iling na lamang ako nang i-lock ko ang pinto ng bahay ni Tiyang Nenang. Tuloy-tuloy akong lumabas ng squatter area. Sumakay ako ng jeep. Pagbaba ko ng jeep ay muli akong sumakay ng tricycle papunta sa isang Village. Doon kasi nakatira ang tao na magpapalaba. Pagdating sa harap ng gate ay agad akong nagdoor bell. Mayamaya pa’y bumukas ang gate at tumambad sa aking harapan sa isang may edad na babae. Kasambahay siguro ito ‘to. “Ikaw ba ang pamangkin ni Nenang? Ang sabi niya ay ikaw raw ang maglalaba ngayong araw?” tanong sa akin ng Ginang. “Opo, ako po si Trish.” “Naku! Pumasok ka na. Tambak na ang lalabhan mo. Ilang araw kasing hindi nagpunta rito ang tiyahin mo,” pagbibigay alam sa akin ng Ginang. Ngumiti na lamang ako rito. Hanggang sa simulan ko na ang ga-bundok na labahin. Mabuti na lang at may washing machine kaya hindi ako mahihirap. May iba kasi akong pinaglalabhan na ayaw akong paggamitin ng washing machine dahil tataas daw ang kuryente nila. Kaya minsan talaga ay natatagalan akong maglaba kapag mano-manong labahan. Mga bandang alas-dos ng hapon na ako nakatapos maglaban. May dryer naman kaya mabilis lang matuyo ang mga hilabhan ko. NGUNIT Kailangan ko pang maghintay na matuyo ang mga hilabhan ko bago ako umuwi. Dahil kailangan ko pa rin na itupi ang mga damit. Mabuti na lang at libre sa pagkain dito hindi ko na kailangan umuwi pa ng bahay para kumain. Ngunit napansin kong parang walang ibang tao taya sa bahay na ‘to? Baka nasa tranbaho. May isa pa akong napansin. Ang mga nilabhan kong mga damit ay puro mga panglalaki. . . Lalaki lang yata ang nakatira sa bahay na ‘yan? Isang buntonghininga na lamang ang aking ginawa. Ang dami ko kasing napapansin. Nahilot ko na lamang ang aking noo. “Trish. Ito pala ang bayad sa paglaba mo. Isang libo iyan,” anas ng mayordoma sa akin. Labis naman akong natuwa dahil ang laki ng ibinayad sa akin. Kumpara sa ibang pinaglalabhan ko na 300 o 400 pesos lang ang bayad sa akin. Sobra akong natutuwa dahil unang beses na may nagbayad sa akin sa paglalaba ng isang libong peso. Panay tuloy ang pasasalamat ko sa matandang babae. Pagsapit naman ng hapon ay agad kong itinupi ang mga damit. Itinuro naman sa aking ng matanda kung na saan ko ilalagay ang mga damit. Maingat akong pumasok sa kwarto at napansin ko agad ang kulay ng silid at kung tama ang aking sapantahan ay lalaki ang nagmamay-ari ng silid na ito. Sobrang laki naman ng kwartong ito. Parang kasing laki na ito ng bahay namin. Umikot din ang mga mata ko sa buong paligid ng kwarto at nakita ko agad ang kama. Parang hari yata ang natutulog dito. Ang yaman siguro ng may-ari ng bahay na ito? Napaisip din ako. Kailangan kaya kami makakahaon sa hirap o matatapos ang problema namin? Hindi ko naman kailangan ng sobrang yaman. Ang tanging gusto ko lang ay maayos ang problema ni Itay. At bumalik na kami sa dati iyon lang ay masaya na ako hindi na ako maghahangad ng maraming salapi. Hindi ko rin naman kayang magalit kay Itay. Alam kong kaya nagkaganoon si Itay ay hindi pa rin nito matanggap ang pagkawala ng Inay ko. Malungkot tuloy akong napahinga ng malalim. Hanggang sa lumapit na ako sa malaking cabenit para ilagay ang mga damit ng lalaking may-ari sa bahay na ito. Inayos ko rin ang pagkakalagay baka magalit sa akin at hindi na ako paglabahin dito. Ang laki pa naman kung magbayad. Sayang din. ”Who are you? What the hell are you doing in my room, Woman? Are you here to murder me or something?!” Awang ang aking labi nang marinig ko ang akusa sa akin ng tao na nasa likuran ko. Magkakasunod tuloy akong napalunok. Saka parang pamilyar ang boses nito. “Why don’t you speak, huh? Are you deaf, Woman?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD