Chapter two.

1320 Words
Hindi ko alam kung ilan o gaano na karami ang luhang nailabas ko habang nandito ako sa kwarto ko buong maghapon simula ng makarating ako dito sa bahay. Bakit hindi ko manlang naisip? Bakit hindi ko manlang nabalitaan.. .. ang tanga tanga ko .. Nanatili lang si Issa sa kanyang higaan habang nag iisip kung paano na ang mga nararamdaman nya. Itinatatak nya na lamang sa kanyang isip na dapat ay itigil na ang kahibangan nya dahil ang taong mahal nya ay meron ng sariling buhay at pamilya. "issa, ayusin mo yang sarili mo kailangan mo ng mag move on" Sabi nya sa sarili habang nakatapat sya sa kanyang salamin. .. tok! tok! tok!. "anak gising ka na ba? halika na at maghapunan na tayo ng papa mo". Katok ng kanyang isa sa kanya. "o.. opo mama susunod na po ako". Umalis na ang kanyang ina at sinabing bilisan nya dahil nasa lamesa na ang pagkain. Maya maya pa ay lumabas na sya ng kanyang kwarto at nagtungo na sa kusina. Pag upo nya ay agad napansin ng mag-asawa ang kanyang mga mata kaya nag tinginan sila at sumenyas ang ama na kausapin ang kanilang anak. "nak,! may problema ka ba? ayos ka lang ba.?. Tanong ng kanyang ina. Lumingon sya sa kanyang mga magulang at sinabing.. " opo okay lang po ako". Ngumiti sya at sinabi sa magulang na wag syang alalahanin kaya nagsimula na silang kumain. Araw ng lingo ngayon kaya maagang nagising ang pamilya ni Issa upang magsimba. Medyo magaan na ang pakiramdam nya at pinipilit na nyang tumawa. Ilang araw na rin simula ng nag punta sya sa mansyon ng kababata at hindi na ulit bumalik pa. Nang makarating sila ng simbahan magsisimula na ang misa naka white dress si Issa at nakasuot din ng puti ang kanyang mga magulang. Masaya silang nagkukwentuhan habang naglalakad at maya maya pa ay may tumawag sa kanila. "issa, tito, tita". Sabay kaway ng maganda at makinis ang balat na si Sofia. Sya ang kaisa isang kaibigang ni Issa. Ilang lingo na rin nang huli silang magkita nag bakasyon kasi ito sa kanyang lola na nasa probinsya. Pagkalapit ay nagyakapan silang tatlo at nagmano naman ito sa ama ni issa. "mano po tito". Ngumiti naman ito sa kanya. "sofiah! kelan ka pa nakabalik?". Tanong nya rito. "kahapon lang, pero dahil alam kong mag sisimba kayo kaya di na ako pumunta sa inyo". "ah ganun ba, oh sige mamaya sa bahay ka na magtanghalian". Umakay ito sa kanyang braso na parang bata. "sige ba basta yung luto mo yung ulam hehe..". Ngumiti sya at sinabi oo. Tuwang tuwa naman si sofia at nagtungo na sila sa loob ng simbahan. Nang matapos ang misa ay sabay sabay na silang lumabas ng simbahan. Habang hinihintay nila ang mga magulang ni Issa dahil may kinakausap pa ito loob ay napansin nyang may isang bata na umiiyak at pamilyar ang mukha nito. Nilapitan nya ito at pansin nyang wala itong kasama. "sharyn mae?. Agad na lumingon sa kanya ang bata at nakita nyang namumugto na ang mata sa kaiiyak tila ba nawawala ito sa kanyang mga kasama. Tumakbo ito sa kanya at kumapit. " you are .. my daddy's friend right?. Tumango sya rito. "yes baby, where are your parents?. Balik nyang tanong dito. " i don't know tita, i think im lost please help me.. " Binuhat nya ang bata na sa tingin nya ay nasa edad lima. " ok stop crying". Nilibot nya ang tingit at nagsimula ng hanapin ang mga magulang ng bata. Habang naglalakad ay napansin nya si Harri na balisa at tila may hinahanap. " daddy!! sigaw ng bata dito. Agad itong lumapit sa kanila at tila nawala ang kanina pang balisa nyang mukha. "oh my god baby, saan ka ba nag punta?. Kinuha nya ang anak nya sa bisig ni Issa na hindi manlang napansin kung sino ang may buhat sa bata. "I'm sorry daddy i just follow the ice cream man and i thought you heard me when im saying ice cream". Maiyak iyak nitong salita. " shii.. it's ok baby, importante safe ka .. by the way thanks for.. " natigil sya magsalita nang makilala ang taong nakakita sa anak nya. "hey! ikaw pala thank god Issa, diko akalain na ikaw ang makakakita sa anak ko". Niyakap sya nito at nagpasalamat ito ulit. " ok lang kahit sino naman gagawin yon". Nakaramdam nanaman si Issa ng kabog ng dibdib alam nyang makikita nya dito ang si Harri pero pinipilit nyang umiwas upang hindi ito matuloy ngunit makulit ang tadhana gumawa talaga ng paraan para magkita sila. " teka bakit hindi ka na bumalik sa bahay, okay ka lang ba?. Hinawakan sya nito sa braso ngunit agad nya itong iniwas. "oo naman busy lang talaga ako sa pag hahanap ng trabaho". "Issa, san ka ba nagpu-punta? bumili lang ako ng maiinom natin tapos nawala ka na". Tiningnan naman sya ni Issa at Harri. "sya nga pala ito si Sofia bff ko".Pagpapakilala nya rito. " hi nice to meet you, " Inabot ni Harri ang kamay sa kanya at nagkamay sila. " hi nice to meet you too". Nilingon nya si Issa at pansin niyang may lungkot ito sa kanyang mga mata. " ah sya pala si Harri childhood friend ko". Tumango na lang siya at inaya na si Issa na umalis. Pag-dating sa kanilang bahay ay agad niyaya ni Sofia si Issa sa kanyang kwarto. " umamin ka, sino yung lalaki na yun?. Tanong nya kay Issa. "diba nagpakilala na sya sayo ano ka ba! haha.." Tumingin lamang ito sa kanya na hindi naniniwala. "Issabela Madrigal, tantanan mo ako sige na mag kwento ka na". Pangungulit sa kanya nito. Dahil alam nyang hindi titigil si sofia sa pangungulit nito at ikinuwento na nya ang lahat simula pa nung una. .... "oh my gosh! so paano na ngayon yan? hindi mo manlang ba sya ipaglalaban?. Tanong ni sofia sa kanya . "bakit pa? nakita mo naman siguro na may anak na sya diba?. Tugon nya rito. " kung sa bagay,! ". Nasabi na lamang sa kanya ito. Bumaba na sila sa sala dahil kanina pa sila tinatawag ng kanyang ina upang mananghalian. Pagkatapos kumain at maghugas ng plato ay agad din silang bumalik sa kwarto upang maligo at mgpalit ng damit. " ay alam ko na girl!. Patiling sabi ni sofia kay Issa. "maghahanap nalang tayo ng fafa!. Namilog ang mga mata nito habang nagsasalita. " ano ka ba naman sofia, kung gusto ko ng lalaki edi sana nuon pa". Walang gana nyang sagot dito. Lumapit ito sa kanya at sinabing tantanan sya dahil yung lang daw alng paraan para maka move on sya. " pero ngayon ang gagawin muna natin ay mag shopping!!. Yaya nito sa kanya. Pagkatapos nilang magbihis ay agad silang nagpaalam sa mga magulang ni Issa para mamasyal. Nilibot nila ang mall na malapit sa kanila at sinayang ang oras sa pamimili ng mga gamit na kailangan nila. Habang naglalakad ay napahinto si Issa nang makita ang isang maliit na tarpaulin na nasa daraanan nila. Napatitig sya rito at agad namukhaan ang magandang babae na naka printed dito. "oh, my god Issa kilala ko toh! si Scarlet napakaganda nya talaga at ang gaganda din ng mga products nya". Napatili pa sya dito habang nagsasalita. " ah ganun ba kilala mo ba kung sino ang asawa nya?. Tanong nya dito. Umiling ito sa kanya. "sya ang asawa at ina ng mga anak ni Harrison". Tumango ito at tila hindi na gets ang ibig nyang sabihin ngunit maya maya pa ay.. "ayyy.. yung childhood friend mo na mahal na mahal mo?. Napalakas ata ang kanyang sinabi kaya napatingin ang mga tao sa kanila. " ano ka ba Sofia wag ka ngang maingay nakakahiya". Aga namang nag sorry si Sofia at nag aya nalang na kumain. pagkatapos nilang kumain ay umuwi na sila sa kani kanilang mga bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD