Issabella's Pov.
"hey good morning! come in". Nandito ako ngayon sa building kung saan ako mag ta-trabaho as a secretary of Harrison.
"good morning!". Umupo ako sa harapan nya at ngumiti para hindi nya mapansin na naiilang ako sa kanya. Tinangap ko yung trabaho na inalok nya nakakahiya naman kasi kung hindi ko pa tatangapin dahil sya ang nag alok tsaka matagal na rin akong wlang trabaho.
"so, as i said to your parents kukunin kita bilang secretary ko, are you familiar with this kind of job?.
" ah hindi pa masyado pero may idea naman ako".
" relax Issay hindi naman kita pahihirapan dito hahaha". Grabe ang gwapo nya lalo sa paningin ko, hindi ko malilimutan ganito ako palagi sa kanya sa tuwing tatawa sya nung mga panahong high school pa lang kami .. nung mga panahong malaya ko pa syang minamahal.
" ah, hehe sige da.. dapat lang noh! magkaibigan kaya tayo haha". Sinakyan ko nalamang ang biro nya dahil alam kong pansin nya na hindi na ako nagiging komportable sa paghaharap naming dalawa.
Pagkatapos ipaliwanag ni Harrison ang mga dapat gawin ni Issabela ay inaya sya nito patungo sa magiging desk nya.
" dito ka sa desk na to". Talaga bang ganon magkasama ang boss at secretary sa iisang room? sa isip isip ni Issabella.
" is there any problem? " Kunot noong tanong ni Harrison.
" no sir, it's fine thankyou". Tanging nasagot na lang nya.
" okay if you need anything or kung naguguluhan ka you can ask me anytime". Nakangiti ito sa kanya.
" ayan ka nanaman ngi-ngiti ngiti ka dyan Harri sarap mo halikan eh!. Bulong nya.
"what?. Tanong ni Harri.
" no .. nothing sir i mean maganda naman ang desk na to and when can i start?.
"tomorrow 7am". Tumango nalang sya at ngumiti.
"okay sir, so can i go now?.
" yes you can go now, and by the way .. pwde bang Harri nalang para namang wala tayong pinagsamahan nyan haha". Nagulat man sya ay tumango nalang dito.
....
Nandito kami ngayon sa coffee shop sa tapat ng building nila Harri kasama ko si Sofia.
" grabe Issa ang laki naman pala ng building nila gaga ka talaga bakit dito ka pa pumasok, ano may balak kang landiin yang prince charming mo?. Binatukan ko sa Fofia dahil sa mga pinagsasabi nya. Ang ingay nya mamaya may makarinig pa sa amin.
"gaga anong landiin ka dyan alam mong may asawa yung tao". Ilang araw na rin simula nang pumasok ako sa kompanya nila Harri kaya medyo kabisado ko narin yung mga dapat gagawin ko.
"Issay?. May tumawag bigla sa pangalan ko kaya napalingon ako si Ben pala. Nakangiti sya habang papalapit sa amin. pagharap ko ulit kay sofia ay pansin kong nakatulala sya kay Ben.
" hi ben, kamusta ka?. Bati ko sa kanya ngunit imbis na sagutin nya ako ay nakatulala lang din sya kay Sofia. Love at first sight yarn... "ben sya nga pala si Sofia best friend ko".
Inabot ni ben yung kamay nya kay sofia saka siya nagpakilala dito.
"hi im bebnedict just call me ben". So di ko na pala sila kailangan ipakilala sa isa't isa.
"hi im so.. sofia just call me sof". Nagningning ang mga mata ni sofia habang nagsasalita. What the heck?.
Nagkamay silang dalawa at nagtitigan ng tila ba walang hangan.
"ahh.. aheemm.. gusto nyo pa mmk ko na kayo?. Pagputol ko sa maliligayang sandali nila. Tumingin naman sila sa akin at medyo nahiya.
" nandyan ka pala issay hahaha" Tumawa sya na parang t*nga.
"ay wala ako dito sige ituloy nyo na yung naudlog nyong titigan". Pagtataray ko sa kanya.
"ito naman hindi mabiro". Tumingin sya kay sofia at kinindatan ito. Namula naman ang gaga.
"oo nga naman best, wag ka magalala hahanapan nalang kita ng fafa". Ngumiti naman ako sa kanya at sinabing oo sige gawin nya.
"oh bakit ka pala nandito? . Tanong ko kay ben.
" wala naisip ko lang na dalawin kayo ni Harri masama ba yun?. Sabay tingin nanaman kay sofia. "kamusta naman ang pagiging secretary mo?.
" okay naman". Tipid ko sagot.
" ah okay, pupunta ka ba sa birthday celebration ng mga anak nila?. Tumango ako. "isama mo si sofia ah". Tumingin nanaman ito kay sofia at ngiting ngiti naman ang gaga.
"hays, hangang kelan nyo ba gagawin yan". Irita kong sabi sa kanila. "isasama ko talaga sya kahit di mo sabihin noh sya kaya ang date ko". Ngumisi ako na parang kontrabida.
"ha paano naman ako issay sino ka date ko?. Pag mamaktol nya.
" aba problema mo na yon". Pagtataray ko sa kanya. " time na ako babalik na ako sa company dahil oras na ng trabaho". Tumayo ako at iniwan silang dalawa. " sya nga pala ben tutal nandito ka na rin ikaw na magbayad ng bill". Ngumiti ako saka umalis.
" ingat ka best kaya mo yan basta wag ka magpapadala ah". Sigaw pa ni sofia. Papasok na ako ng building nang lingunin ko sila pero wala na sila dun pag tingin ko. Aba ang bilis nila ah.
Sumakay na ako ng elevator dahil nasa 10th floor pa ang office ni Harri. Pag pasok ko sa office namin hindi ko makita si Harri kaya nagtungo nalang ako sa desk ko at chineck k uh ng may schedule ba sya ngayong araw.
Ngayong oras pala ang lunch nila ni Scarlett kaya siguro wala sya dito. Maya-maya pa ay narinig kong nagbukas ang pinto ng ofice. Tatayo na sana ako pero rinig kong dalawang tao ang pumasok dito. Nakita ko si harri at si scarlett nasa harapan ko sila ngayon at naghahalikan tila ba uhaw sa isa't isa. Natigil naman sila nang mapansin na nandito ako sa harap nila.
"oh! sh*t". Rinig kong sabi ni harri. "nandito ka na pala,". Nagulat sya bigla pati si scarlett.
"okay lang sir pwde naman akong lumabas". Tatayo na sana ako nang oinigilan nya ako.
Magpaalam nalang si scarlett sa kanya at humabol pa ng halik. "bye beby, let's continue later". Inayos nito ang suot niyang dress saka umalis.
Sa totoo lang masakit .. sobrang sakit ng mga nakita ko. Ayoko ng ganito. Ilang beses ko na silang nakikitang naghahalikan kaya dapat nasanay na ako.
Pag dating ng hapon ay oras na ng out sa trabaho nag paalam na ako kay harri para umuwi pero sabi nya ay antayin ko nalang daw sya at ihahatid nya ako.
Sumakay na kami ng elevator at tahimik lang ako habang hawak ang bag ko.
"issay, may meeting ba tayo bukas?. Pagbabasag nya ng katahimikan. Timignan ko naman ang book na hawak ko.
" yes sir .. i mean harri may meeting tayo sa isang client na si Mr. rancho". Sagot ko sa kanya. Tinignan nya naman ako mula ulo hangang paa kaya napaatras ako at niyakap ang sarli. Kinuha ni harri ang bit-bit na gamit ni isabella at tumayo sa harapan niya.
" ikot". Utos nito sa kanya. Nagtataka man ay sumunod sya rito. " everytime na i me-meet natin yang si mr. ranco, balutin mo yang katawan mo maraming nagsasabi na may pagka manyak ang matandang yun.
Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin nya ang mga bagay na yon akala ko kasi may kung ano na syang binabalak ab kahit gusto ko sya hindi naman ako papayag na basta-basta nalang nya kukunin ang iniingatan kong perlas ng silangan.
"yes harri". Sagot ko sa kanya. Nasa 4th floor na kami ng elevator ng bigla itong hulinto at namatay ang ilaw. Napatili naman ako sa gulat at napahawag kay harri.
"what happened?. Tanong nya. aba malay ko naman kung ako ang tinatanong nya alam naman nyang magkasama kaming dalawa dito. Tinawagan nya ang security at sinabing may nasira lang na wire at ipinapaayos na daw ito.
Bigla na namang gumalaw ang elevator kaya natakot na ako at napayakap kay harri dahill akala ko malalaglag na ito sa lapag. Bigla namang bumukas ang ilaw kaya agad din akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.
" are you okay?. Tanong nya. Tumango nalang ako ang nang magbukas ang elevator ay nasa parking lot na kami. Lumabas na sya at sumunod naman ako.
Binuksan nya ang pinto ng kotse saka ako inayang pumasok dito. Pag pasok ko ay amoy ko agad ang bango ng kotse ni harri. Sumakay na sya at pinaandar na ang kotse.
Habang nasa byahe kami ay puno nanaman ng katahimikan. Kaya naisipan kong basagin ito kasi di na talaga ako komportable dahil naaalala ko yung kanina, hiyang hiya ako sa kanya.
"ahaeemm.. harri sorry nga pala kanina yung .. pag .. yakap ko sayo natakot lang talaga ako.. ". Tahimik parin sya at si sumasagot. Maya-maya ay narinig ko syang nagsalita.
"issay, ..
" okay lang ... wala namang problema magkaibigan naman tayo". Pahinto-hinto nyang salita. Anong nangyayari sa kanya bakit parang sya pa yung nahihiya.
Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin at nagpaalam na ako sa kanya na bababa na ako at papasok na sa bahay.
" salamat harri sa libreng sakay sana sa suaunod ulit hehehe". Biro ko dahil kanina pa sya seryoso at tahimik. Lalabas na sana ako ng pinto nang bigla nya ako hawakan sa braso, nakatingin parin sya sa harapan ng upuan nya. "ba .. bakit?. Tanong ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako ngunit nagulat ako sa ginawa nya na nagpatahimik talaga sa akin.
Bigla na lamang nya ako tinitigan at sabay hinalikan. Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko sya dahilan para mapaatras yung mukha nya sa mukha ko. Lumabas na ako ng kotse at diretsong pumasok sa bahay.