Chapter 2

1937 Words
CHAPTER 2 Small world E?! It felt like I was paralyzed for a moment. Kung hindi pa lumakas ang hiyawan ng mga nanonood, hindi pa ako matatauhan sa ginawa ng aroganteng lalaki sa akin. He even smirked right after our quick kiss. Nang bumalik naman ako sa wisyo, mabilis ko siyang tinulak palayo sa akin. Buti na lang, hindi na iyon nakita pa sa screen dahil kaagad nang tumapat sa iba ang camera ng kiss cam. “Stay away from me, you moron!” asik ko. Like what the hell? Who gave him permission to kiss me, huh?! Kaso’y taliwas sa reaksyon ko, nagkibit-balikat lang ang lalaki, tila hindi ganoon ka-big deal sa kanya ang ginawa. Nagpatuloy na siya sa paglalakad tungo siguro sa upuan niya. Moron! My glaring eyes followed him until he seated somewhere. Kahit ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa rin humuhupa ang init ng pisngi ko dahil sa nangyari. What the hell?! Just… hell no! Parang gusto kong magdabog sa iritasyon. Buti na lang at kinawayan ulit ako ni Rhea. Roon ko na lang muna tuloy itinuon ang atensyon ko. I was trying not to ruin my whole day just because of one worst minute of my life. Kaso ang kaibigan ko, aasarin din pala ako. “That was hot! You’re lucky, Eve!” ani ba naman ni Rhea pagkaupo ko sa bakanteng upuan sa gilid niya. “Lucky?! Did you really call it luck?” It was super irritating! And upsetting! Sa inis ko, marahas kong pinunas-punasan ang aking labi, hindi na bale kung mabura ang lipstick na inilagay ko kanina. “He’s handsome naman ah!” dipensa pa ng kaibigan ko. “No, he’s not!” “Palibhasa, si Theo lang g’wapo sa paningin mo e!” That’s not the case. Talagang nawawalan ng appeal ang isang tao sa paningin ko kapag mayabang. Muli kong nilingon ang lalaking mayabang sa likuran. Malapit kasi sa may bench ng players ang upuan namin ni Rhea dahil isa sa players ang boyfriend niya. Then I saw how the arrogant man sat with his legs wide parted while both of his arms are resting on his thighs. Pinukulan ko lang siya ng matalim na tingin kahit na hindi niya naman ako makikita. I was not able to enjoy watching the game because of what happened. Sadyang tila nakaukit sa isip ko ang kanina. Ang nakaiinis pa, sa tuwing lumilingon ako sa puwesto ng aroganteng lalaki, parang tuluyan niyang nalimutan ang ginawa niya. "Have you seen the last three-point shot of my bae? God! I fell for him harder!" pagkukuwento ni Rhea habang palabas na kami ng arena. Tumili-tili pa siya, hindi alintana ang ilang napapatingin sa direksyon namin. "Yes. Yes," kunwaring pagsang-ayon ko kahit ang totoo, wala takagang nagproseso sa isip ko sa laro kanina. Ang mahalaga ay nanalo ang team ng boyfriend niya. “Theo…” My eyes widened when I saw Theo passed by from the arena we were in. Talagang natigilan ako sa paglalakad at napatitig sa kanilang dalawa ng ka-akbay niyang babae. He was here?! My heart started hammering faster. Screw it. Dahil sa pangalang ibinulalas ko, natigilan din sa paglalakad si Rhea. Maski siya ay nawindang. Awtomatikong dumako ang tingin niya sa tinitingnan ko. “Nandito rin siya?” tanong ni Rhea. “Kapal din ng mukha niyang may kasama agad siyang iba samantalang ang kuwento mo, ka-be-break niyo lang kagabi.” Instead of processing her comment, I asked her. “Tingin mo… nakita niya ‘yong kanina?” medyo kabadong tanong ko. Her eyes twitched as she looked at me as if asking if I am being serious with my question. I am though. Ayaw kong maisip niyang kung kanino na ako nakikipagharutan agad gayong kaka-break lang namin kagabi. Alright. That doesn’t make sense, I know. Siyan ga itong may ka-akbay na agad na ibang babae. But still… it just feels illegal. Pakiramdam ko kasi, kami pa rin. Sigurado rin akong magbabalikan ulit kami. We’ve been here several times. And we always come back… whenever the lightning strikes. “God, Eve. Don’t mind him na lang. Maganda nga ‘yon para mainggit siya. Nang maisip niya namang hindi ka laging available kapag gusto niyang makipagbalikan,” ani Rhea. Her words make so much sense. But… hell. It’s so hard for me to let him go especially since I have attachment issues. “Rhea’s right, Eve. Stop chasing that asshole,” commented Rhea’s boyfriend Tim. If only it was easy to do so. In the end, I sighed. The rest of the day, I spent my time on sewing the clothes I designed and sketched last week. Sobrang matrabaho talaga kapag nananahi kaya naman hindi ko na namalayang naggabi na pala. Kung hindi pa bumuhos ang ulan at kumidlat, hindi pa ako matitigil kakatrabaho. As an instinct, I tried to glance outside through our window. There, I saw the night sky was ominous and gloomy. The wind was bone-chillingly cold. Then, for a second, the sky lightened up because of a flash of lightning. It didn’t make any noise until it struck. Sa lakas ng dagungdong nito, napahawak ako sa dibdib ko at napaatras palayo sa bintana. Hell! Ang ganda lang talaga tingnan ng kidlat pero nakatatakot! Isinara ko na lang tuloy ang bintana at lumayo. But as soon as I looked around our empty condo, I felt a surge of loneliness again. My heart ached for an unknown reason. Once again, I experienced a sense of body detachment. Ganito palagi kapag napapagtanto kong wala akong kasama lalo na kapag may kidlat. My hands started trembling so badly. As an initial reaction, I tried to call Theo. Screw this fear! This started when I was young and my parents were still alive. Before, I was only fascinated with lightning. I never had fear of it way back then. Palagi kasi akong binabantayan ni Dad sa tuwing nag-aabang ako ng kidlat. Watching lightning has once become my way to get some attention from my dad. Natutuwa ako sa tuwing nandiyan siya lagi para antabayanan ako. But then… at a very young age, he died. No. He was killed by a navy. God knows how devastated our family was that time. Kung baga sabi nga ng iba, ang tatay ay haligi ng tahanan. Kaya nang namatay si Dad, talagang gumuho ang tahanan namin. A few weeks after Dad passed away, my mom committed suicide because of she couldn’t afford to continue living without my father. Naulila kami nang maaga ni Kuya Drake. At a very young age, my brother needed to handle my father’s news agency the Unveil Ako naman, pinadala rito sa States. Since then, whenever the lightning strikes and I am alone, I feel anxious. I feel suffocated by loneliness, knowing I don’t have Dad to watch over me again. Napaupo na lang ako sa sahig. I hopelessly dialed Rhea’s phone. “Hey, girl!” masayang bati niya sa akin. I could hear the loud background noise on the line. Mukhang nasa party siya. Minsan, nahihiya na ako sa kanya kapag tinatawagan ko siya tuwing kumikidlat. I kinda feel like I am a burden to her especially when I call her help and I have nothing to offer back to her after. Unlike Theo. “R-Rhea…” My voice stuttered because of nervousness. Pangalan niya palang ang nasasabi ko pero alam niya na agad ang ibig kong sabihin. “Oh god! I forgot! Kumikidlat nga pala ngayon,” aniya sa mas tuwid na boses. “Wait. I’ll come back to our unit—” You’re embarrassing, Eve. Really. What a burden. “N-No. You don’t have to. Mukhang nasa party ka,” pigil ko na lang tuloy sa kaibigan ko dahil sa hiya. “Why don’t you go here na lang? Right! Para naman hindi ka laging nasa condo!” Sandali akong napakurap at napaisip sa ideya niya. Here in US, house party is common. Minsan nga, kahit hindi mo direktang kakilala ang may-ari ng party, p’wede kang pumunta basta’t may nag-imbita sa ‘yo. They don’t mind. Usually, everyone has their own world. Dahil malapit lang din naman pala ang house party na pinuntahan ni Rhea, pumunta na lang din ako. Balita ko, kaklase ng kapatid ni Rhea ang nagpa-party. Sumama lang din siya kahit hindi niya kilala kung sino ang may-ari ng party. As soon as I entered the house party, loud music enveloped my ears. So much things were happening. Napakarami ring tao. Ni hindi ko mahanap ang kaibigan ko. Every corner, something is happening. Some people were making out, dancing, playing bottoms up, and the like. It was chaotic like usual. Ang iba pa’y humihithit ng kung ano sa kabilang sulok. Hell. Hindi ko tuloy alam kung tamang desisyon bang pumunta ako rito. Chaotic place is not my thing. Kung hindi lang umuulan at kumikidlat ngayon, mas gugustuhin kong mag-isa sa condo. “Drink, Miss Beautiful?” offered by an American guy. Para siyang umaaktong waiter dahil may dala-dala siyang tray na may mga pulang plastic cups at nagbibigay ng inumin sa iba. “Thanks.” Instead of being socially awkward here, I accepted the cup. Naglibot-libot pa ako bago ko tuluyang nakita si Rhea na mukhang tuwang-tuwa sa poolside. Kasama niya rin pala si Tim at mukhang may sariling mundo ang dalawa habang nag-me-makeout sa gilid. Lumayo na lang ako kaysa naman distorbohin pa ang kaibigan sa pagsasaya. Since the drink was kinda good, I drank more while watching everyone do their thing. I even saw Jhea, Rhea’s younger sister, joining a group of girls in chasing a guy. Napailing na lang ako. Sometimes, I hate my contradicting self. I hate being alone yet being in crowded places exhausts me too. Hindi ko na rin talaga alam sa sarili ko. Kaya naman dahil parang mas nahihilo ako sa kung anu-anong ginagawa ng iba, kumuha na lang ako ng isang bote ng tequila na nakita ko. Then I proceeded to find empty room upstairs. Halos lahat ng silid, may tao. Ang iba pa nga’y may kahindik-hindik na maririnig kapag inilapit mo ang tainga mo sa pinto. People here in California are just more liberated than people in the Philippines. No. People in the whole US are way more liberated. Fortunately, I was able to find an empty guest room. Sinara ko ang pinto nang mapag-isa ako. Humina na rin ang ulan. Wala nang kidlat at paminsan-minsan na lang ang pagkulog. The peace calmed me little by little. Finally, I was ready to have my solitude for the night while drinking a bottle of whiskey when someone barged into the room I was in. My eyes instantly widened. Sa gulat ko’y napahawak ako sa dibdib ko. Kung makatakbo naman kasi ang lalaki, parang may murderer na nanghahabol dito. What the hell? But the guy immediately shut and locked the door. Pagkasarang-pagkasara niya, may mga malakas na kumalampag agad ng pinto. “Motherfuckers!” dinig kong asik ng lalaki habang hindi pa rin nagpakampanteng nai-lock niya na ang pinto. Talagang dinaganan niya pa iyon sandali. “What the hell is happening?!” hindi ko na naiwasang mapatanong sa rami ng nangyayari. Napalingon tuloy ang lalaki sa direksyon ko. Mukhang hindi pa yata nito napansin agad ang presensiya ko. Pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ang lalaking kapapasok lang ng silid kung nasaan ako. Nakilala niya rin naman ako pabalik. “Oh hey, Miss Kiss Cam girl,” kalmadong bati sa akin ng lalaking nakaeksena ko kaninang umaga sa arena. “Small world.” Talagang nahulog ang panga ko sa pagkawindang. “Huh?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD