Hindi interesado UNTI-unti kong iminulat ang talukab ng aking mga mata nang sandali akong maalimpungatan dahil sa pamumulikat ng aking katawan. Sumasakit ang aking ulo at gusto kong sapuin ang aking noo ngunit parang may pwersang pumipigil sa aking dalawang kamay. Marahan kong iginala ang aking mga mata upang tingnan kung ano ang nangyayari. Laking gulat ko na lang nang makita kong nakatali pala ang aking dalawang kamay sa headboard ng kama habang kumot lang ang tanging tumatakip sa aking katawan. “What the hell?” I asked myself while I was trying to recount the events that happened. Pinagpawisan ng matindi ang aking noo at hindi ako makahinga ng maayos nang bigla kong maalala ang mga bagay na pinagsasabi ko kay Zadkiel. “Oh no! No! No!” I screamed while I was shaking my head. May ba

