Marupok! WALA pa ring masyadong pinagbago ang loob ng bahay. Kung ano ang disenyo noong umalis ako ay ganoon pa rin ang naabutan ko ngayon. Nakadikit pa rin sa pader ng bahay nila ang malaking litrato ng kanilang pamilya. Katulad ng mga portraits sa mansyon ng mga Castañanez, may mga litrato rin sila ng mga Spanish ancestors nila. Kung tutuusin ay mayaman naman talaga ang mga Vallejo noon, iyon ang sabi ng mga matatanda. Iyon nga lang, nang malaman ng mga Espanyol noon na masyadong nangngingialam si Senior Vallejo at tinutulungan ang mga Flipinong Indio ay tinanggalan sila ng yaman at ari-arian bilang parusa. “Halika kay nanay. Sigurado akong matutuwa iyon kapag nakita ka niya,” Kuya Deimos stated as he pulled me towards the stairs. Nginitian ko naman siya at nagpatianod. Mukhang tuwang

