The day she was born NAGPAKALAYO-LAYO ako nitong nakaraan, tanging ang abogado ko lamang ang aking kinakausap. Ngayong araw namin gagawin ang ayon sa aming plano. “Mirela!” shouted by a man whom I despised the most. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, nang makita ko ang aking mga magulang kasama ang aking nakatatandang kapatid ay napangiti ako ng tagumpay. Kalalabas lang nila ng kotse malapit sa aking kinatatayuan kaya naman mabilis nila akong nalapitan. Castañanezes were in full force, pagkatapos kasing lumapit ng mga magulang ko sa akin ay nakita ko ang sunod-sunod na pagtigil ng magagarang sasakyan na pawang mga Castañanez ang nakasakay. Hinawakan agad ni mommy ang kamay ni daddy upang pakalmahin ngunit tinabig lang nito ang kaniyang kamay. Gumuhit sa mga aking labi ang isang

