Doc I was irritated minute by minute, making me unable to sleep that night. Nagmamaktol ako dahil sa pagtanggi niya na naman. Palagi na lang siyang urong-sulong na hindi niya naman gawain noon. Kaya naman pagsabog pa lamang ng liwanag ay nagpaalam na kaagad ako kay nanay at tatay. Hindi ko na siya hinintay dahil ayaw ko na siyang makausap pa. Hindi na naman umuulan kaya pinayagan na rin nila ako, hinatid pa ako ni Kuya Deimos hanggang sa bungad ng lupain ng mga Castañanez. “Thank you, Kuya,” pagpapalamat ko, nginitian niya lamang naman ako at tila nagmamadali siyang makaalis. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung may lakad siya ngunit nagpaalam kaagad siya sa akin. “Aalis na si Kuya, baby. Tingnan mo ang dinaraanan mo, baka madapa ka,” he stated before he quickly bumped our foreheads t

