Chapter 39 Isang eleganteng silid ang pinaghatiran sa amin ni Poy ng isang kasambahay matapos naming mag-dinner. I know this is just one of the few guest rooms in this mansion. Hindi ko masabi kung magaling na interior designer o salamangkero ang nag-ayos ng silid na ito dahil tila isinilang mula sa guniguni ng isang pintor. Ang mga pader ay may banayad na kulay ng puti, alabaster white na pinapatingkad pa lalo ng liwanag na sumasayaw mula sa kristal na chandeliér sa kisame. Sa tabi ng bintana, naroon ang isang maliit na mesa kung saan nakapatong ang isang plorera ng mga sariwang bulaklak—rosas, liryo, at ilang di-kilalang uri na amoy probinsya at alaala. Ang mga kurtina ay kulay-langit—malambot ang bagsak, bahagyang sumasayaw sa ihip ng hangin. Windows slightly open. Ang queen bed ay na

