Chapter 14 SUKAT doon sa nabasa ko mula sa cellphone ni Sir Azure, agaran akong nagkaroon ng matalas na reyalisasiyon na may kinalaman sa malinaw niyang motibo sa akin. Am I really that blinded with my love for him that I did not had any suspicion that he has an ulterior motive? An evil one! Binalikan ko iyong gabing kinatagpo ko siya sa penthouse niya. ‘Yong gabing ipagtatapat ko na sana sa kaniya na buntis ako. ‘Yon ang gabing nabigo ako. Dinurog niya ako ng walang pag-aalinlangan sa pamamagitan ng pagputol niya sa aming contracted na ugnayan. Hindi ko man lang tinandaan iyong mga pahiwatig na malinaw na hindi niya isinaalang-alang ang mahigit isang taon na pagsasama namin kahit na sabihing agreement ang nagtutulay sa amin. Still, I had surrendered my all to him. My body, my heart,

