Chapter 35 ISANG MADALING araw ay ginising ako ng isang hindi inaasahang tawag. Kahit hindi nakarehistro sa contact list ko ang numero ng caller ko ay taranta at nagmamadali kong sinagot ang tawag, sap ag-aasam na si Salome ang tumatawag. God! Hindi na nagkakaroon ng kapayapaan ang aking isip simula nang hindi ko na ma-contact si Salome sa Pilipinas. Bukas na ang nakatakda ang flight naming mag-ina patungong Amerika kasama si Adam. And I have been hardly praying that I would be able to talk to Salome over the phone bago man lamang kami umalis ng Guam para maayos na ipaalam sa kaniya ang dahilan ng pagtungo namin sa Amerika. Ayaw kong bumalik dito sa Guam ni Salome na wala siyang kaide-ideya na umalis kami ni Poy. Ayaw kong mag-alala siya. Ayaw kong isipin niya na wala akong respeto at p

