Chapter 63 Nilamon ng matinding takot ang buong sistema ko nang makita ko ang kislap ng baril sa kamay ni Adam. Parang biglang bumagal ang lahat. Tumigil sa paghinga ang oras. The cold steel of the weapon seemed to exude death into the air, and Adam’s gaze, dark, emotionless, was like a sharp dagger slowly slicing through my thoughts. Ang malapit na kalayaan na ramdam ko kanina habang tumatakas kami sa ospital nina Salome at Azure, 'yong adrenaline, 'yong panandaliang paniniwalang matatapos din ang lahat…ngayon ay unti-unting nalulusaw. Parang usok na hinipan ng malamig na hangin ng katotohanan. “Adam,” sambit ko sa pangalan nito, mahina, halos pabulong, pero puno ng takot at pagkalito. Sa simpleng pagbigkas ng kanyang pangalan, parang umaasa akong maibalik ang kaunting pagkatao sa kan

