Chapter 61 Nagising ako sa amoy ng alkohol at malamig na hangin ng aircon na tila gumagapang sa ilalim ng aking balat. Mabigat ang mga talukap ng mata ko, at bawat paghinga ay may kasamang banayad na sakit sa hindi ko matukoy kung saang parte ng katawan ko. When I finally opened my eyes, an unfamiliar room greeted me. White walls, blue curtains, it was a place I never expected to wake up in. Sa halip na intindihin kung bakit ako naroon, kung anong nangyari sa akin, isang pangalan lamang ang tumatakbo sa isipan ko—si Poy, ang anak ko. My son was sick… and I couldn’t see him. “Si Poy…” muling usal ng aking bibig, ngayon ay may luha na sa gilid ng aking mga mata. Hindi ko alam kung paano ang kumalma ngayong wala rito si Poy at alam kong wala ako sa mansion. Baka kung ano nang nangyari sa

