***Chandler's POV***
"Sir, the flight to the Philippines is cleared for departure."
Nag-angat ako ng tingin. Nakasandal si Marcus, ang assistant ko, sa hamba ng pinto ng opisina ko rito sa New York.
"Your bags are already at the terminal," dagdag niya pa.
Tumayo ako at inayos ang suot kong suit. "And the estate? Is the house ready?"
"Everything is prepared, Mr. Sterling. Per your instructions, Miss Perez’s belongings were moved in this morning. But... the workers said she wasn't pleased."
Umigting ang panga ko. Of course she is.
Siguradong naglululasay na iyon sa galit ngayon, o kaya naman ay tinatawagan na ang walang kwenta niyang boyfriend para humingi ng tulong.
"She’ll learn," mahina kong saad.
Tatlong araw pa lang ang nakalilipas mula nang magulo ang mundo ko. Dinukot ko ang isang papel sa bulsa ko, ang papel na bumago sa lahat.
Narinig ko na ang pagbasa ng testamento ng lawyer ni James, pero ang sulat na mismong kamay niya bago siya mamatay ang talagang nagpabago ng ihip ng hangin.
'Chandler, keep her as she is. Don’t let the world break her. Break her yourself if you must, but keep her safe.'
Binigyan niya ako ng karapatang kontrolin ang babaeng anak niya, disiplinahin siya hanggang sa maging ganap na siyang babae.
Limang taon ko na siyang hindi nakita. Simula noong lumipad ako papunta dito sa Amerika noong fourteen years old pa lang siya.
Habang nasa flight, tinititigan ko ang mga report.
Mga litrato ni Olivia sa mga club. Nakapulupot ang mga braso sa leeg ng boyfriend niya. Tumatawa. Walang pakialam sa mundo. Sinasayang ang legasiya ng tatay niya na ipapamana sa kaniya.
Utang ko kay James ang buhay ko, siya ang tumulong sa akin sa business ko at kilala ko siya buong buhay ko.
At kung ang ibig sabihin niyon ay kailangang kaladkarin ang pasaway niyang anak sa buhok para ituwid ito sa tamang landas, gagawin ko.
—————
Pagdating sa Pilipinas ay umuulan.
Bumukas ang gate ng property ko, nagmaneho si Marcus papasok dito hanggang sa huminto kami sa tapat ng mansyon.
"Nasaan siya?" tanong ko kay Marcus.
"The housekeeper said she's in her room and refused dinner."
Hindi na ako dumaan sa kwarto ko para magpahinga. Hindi na rin ako kumuha ng maiinom para man lang maalis ang jetlag ko. Dire-diretso ang akyat ko sa grand staircase, mabigat ang bawat hakbang sa carpet.
Inasahan ko nang makakarinig ako ng iyak sa loob ng kwarto niya, o kaya tunog ng mga gamit na nababasag habang nagta-tantrums siya.
Hindi ako kumatok. Pagkatulak ko ng pinto, walang tao sa kwarto, pero bukas ang pinto ng balcony. Umaalingawngaw ang hampas ng ulan sa tiles ng sahig.
"Olivia?" tawag ko.
Lumapit ako sa balkonahe at doon ko nakita ang pigura ng isang babaeng nakatayo malapit sa rehas, nakasandal ang likod dito habang nakaharap sa akin.
No.
Not a girl.
Definitely not a girl.
Wala na ang mga braces, makukulay na headband, at nakatirisintas na buhok nito. Ang kaharap ko ngayon ay isang babaeng may matatalas na face features at mga matang nag-aapoy na tila nakakapaso.
Naka-slip dress siya na masyadong manipis para sa ganitong panahon. Ang itim niyang buhok ay gulo-gulo at basang-basa, nakadikit sa kanyang mukha at sa maputi’t makinis niyang balat.
"Great, you're here, f*****g finally," inis niyang sabi.
Ang boses niya ay hindi na iyong matinis na parang bata, kundi mapang-akit na tono.
"Akala ko hindi mo na ko sisiputin, Ninong."
Dahil basang-basa ang damit na suot niya, naging transparent ito. Bakat na bakat ang mabibigat at malalambot na kurba ng kanyang dibdib, ang kulay rosas na bakat niyang mga n*pples, at ang makurbang hubog ng kanyang balakang.
She was all curves and invitation, a siren standing in the storm. The heat that flared in my c*ck was so sudden and wrong.
Napatigil ako nang ilang sandali. Ang imahe ng batang dapat kong protektahan ay naglaho. Hindi na ito basta pasaway na bata na kilala ko dati.
This was a disaster waiting to happen. Seeing her in person? The pictures I've seen of her didn't do her justice.
'Break her yourself if you must,' ang bilin ni James sa akin.
Isang permiso para disiplinahin siya. Pero tang*na, ang disiplinang tumatakbo sa utak ko ngayon ay walang kinalaman sa kahit anong pangangaral o leksyon.
"Olivia," sabi ko, naging matigas ang boses. "Pumasok ka sa loob at magsuot ka ng disenteng damit."
I had to get her out of that dress before the filthy thoughts screaming in my head became an action I couldn't take back.
—————
***Olivia's POV***
Tinitigan ko nang masama ang pinto kung saan lumabas si Ninong Chandler.
Ang kapal ng mukha niya!
Limang taon siyang nawala at lumipat sa ibang bansa nang malayo sa amin ni Papa. Tapos ngayon, babalik siya para umastang magulang ko? Ano siya, ang bago kong Daddy?
Nasulyapan ko ang repleksyon ko sa salamin at napangiwi. Mukha akong basang sisiw. Hindi na kataka-takang pinabihis ako ni Ninong Chandler.
Malamang ang nakikita niya lang ay ang dugyot na batang laging nakabuntot sa kanya tuwing bumibisita siya kay Papa noon.
Siguro iniisip niya na kaawa-awa ako ngayon.
Nagmartsa ako papasok ng banyo, tinggal ang heels ko at hinubad ang basang damit na suot. Mabilis akong nag-ayos, pinatuyo ang buhok ko hanggang sa medyo okay na ito.
Bwisit, mukhang hindi yata magandang ideya ang magpaulan ako dahil gusto kong maging pasaway sa kaniya.
Bumalik ako sa bedroom na nakatuwalya lang, ine-expect na wala na siya roon, pero nagkakamali ako.
Nakasandal si Ninong Chandler sa closet ko, habang ang tuxedo niya ay nakahagis lang sa kama. Nakatupi ang manggas ng polo niya, at hindi ko mapigilang mapatitig.
Bakat na bakat ang mga ugat sa braso niyang malalaki ang muscles.
Traydor na kumalabog ang dibdib ko.
Has he always been this... big and tall?
Thirty-eight years old na si Ninong Chandler, he's at his prime, pero mukha siyang model. Ang talas ng features ng mukha, maganda ang buhok, malapad ang balikat, at may mga muscles.
Lahat yata ng makikita mo sa kanya ay malaki at nakakatakot.
Nakakairita!
Paano ako makikipagtalo sa isang lalaking mukhang DILF?
Inirapan ko siya. "Wala na ba akong privacy? K*ngina naman, Tito, hayaan mo muna akong magbihis!"
"Two minutes. Sa banyo."
Tiningnan ko siya nang hindi makapaniwala. Padabog akong pumunta sa maleta ko para maghanap ng maisusuot. Ramdam ko ang titig niya sa bawat galaw ko kaya parang napapaso ang balat ko.
Kumuha ako ng hoodie at shorts, bumalik sa banyo para magbihis, at lumabas ulit. Nandoon pa rin siya sa pwesto niya, nakatitig habang nakatagilid ang ulo, tila hinihintay akong magsalita.
"Ano?" inis kong tanong.
Mabigat ang tingin niya. "What were you doing outside under the rain?"
"Nagpapakasama ng loob," sagot ko sabay kibit-balikat. Inirapan ko siya ulit at bumuntong-hininga nang malalim. "Ilang oras kitang hinintay na magpakita kaya tapusin na natin 'to."
Nanatili ang tingin niya sa akin, mula sa medyo basa ko pang buhok hanggang sa damit ko. Hindi siya mukhang masaya na makita ako, para akong isang problemang pilit niyang nilulutas.
"This is far from over," sabi niya sabay lakad palapit sa akin. Dahil sa laki niya, pakiramdam ko ay sumikip ang kwarto.
Maliit lang ako kumpara sa kanya—hanggang baba lang niya yata ako.
"Come one, you're almost forty, dearest Ninong Chandler. Hindi ka pa ba nag mi-mid-life crisis?" hirit ko, umatras ako hanggang sa sumandal ang likod ko sa pinto ng banyo.
Sinubukan kong makipagtitigan, pero laging bumabagsak ang tingin ko sa kaniyang labi.
"Alam kong alam mo kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon," sagot niya, malalim ang boses na naramdaman ko hanggang sa paanan ko.
Inisang hakbang niya ang espasyo sa pagitan namin.
"And let's start with your social life. Marami akong nakitang litrato mo kasama ang boyfriend mo para malaman kung saan papunta ang future mo. This Drake is a distraction you're done with."
Sabi ko na nga ba!
"Hindi mo pa nga siya kilala! Wala kang karapatang sabihin 'yan! Siya lang hung nandoon para sa akin pagkatapos ng libing... pagkatapos mamatay ni..." Napalunok ako, nag-iinit ang nga mata pero wala man lang sitang pakialam.
"I know enough. He's a dead end." He leaned in. His scent hit me like a drug. "From now on, you will have your curfew. No clubs, no late-night disappearances."
"Nababaliw ka na ba?" bulong ko habang nakatingala sa kanya. "Alam mo? Feeling ko ganito ka lang kasi matanda ka na nga, miserable pa ng buhay mo!"
"If I'm an old man, then you're a brat who needs a leash."
Mas lumapit pa siya hanggang sa maramdaman ko na ang init ng katawan niya. Dahil sa laki niya, parang wala na akong kawalan
Pakiramdam ko ay ang liit-liit ko sa harap niya, walang kalaban-laban, at unti-unti nang pumapasok sa isip ko ang bagong buhay na naghihintay sa akin.
"Subukan mo ko, Olivia," bulong niya. Nanliit ang madilim niyang mga mata habang ipinapatong ang kamay sa pinto, katabi ng ulo ko. "Hamunin mo ko..."
Tumingala ako sa kanya, ang puso ko ay kumakabog nang napakalas.
Gusto kong sumagot, isigaw na wala siyang karapatang kausapin ako nang ganito, pero parang natuyo ang lalamunan ko. Ang mismong presensya niya ay sapat na para patahimikin ako.
"See exactly how far my mid-life crisis patience goes," he mocked, "before I decide you need to be taught how to sit and stay."
Nanatili siya roon nang matagal-tagal, ang tingin niya ay bumaba sa labi ko bago bumalik sa mga mata ko. Something dark flashed across his face.
Then he turned and walked out.
Ang tunog ng pagsara ng pinto ay tila huling hatol ng bagong buhay ko. Napaupo ako sa sahig, nanginginig ang mga binti ko na hindi na ako kayang itayo.
This is my life now... under the same roof with my Ninong.