"Hintayin mo ako mamaya. Susunduin kita. Tawagan mo ako agad pag malapit ka nang lumabas," bilin ni Liam sa kanya. Inikot niya ang mga mata. Kapag pinagbilinan siya nito, para siyang bata. Alam naman niya ang gagawin. "Bianca!" inis na tawag nito. Hindi kasi siya sumasagot. "I know what to do, okay!" inis na sabi niya sabay ayos ng mga gamit para makababa na. "Call me if you need anything." "Liam, I am twenty years old. And this is not my first day of school!" inis na sagot niya. Mabilis na siyang bumaba ng mamahaling kotse ng asawa na naka-park mismo sa harap ng gate ng school. Pagbaba niya, maraming mata ang nakatingin sa kanya. Mayayaman ang halos nag-aaral sa unibersidad kaya agaw-atensyon ang kotse ni Liam. Panigurado niyang iilan lang ang may ganoong model dahil sa ka

