"Liam, please. Don't do this," pakiusap ng asawa sa kanya habang halos kaladkarin na niya ito paakyat ng hagdan. Nahuli niya ang asawa na lumabas sa library kung nasaan si Bernard. Ang makati niyang asawa. Hindi magawang pigilan ang sarili na hindi makita si Bernard. Anong malay niya kung ano ang ginawa ng dalawa sa loob ng library? Ang lakas ng loob ni Bianca na sundan si Bernard sa library. Samantalang kasama siya nito. At nasa bahay sila ng kapatid niya. Gano'n na ba kakapal ang mukha ng mga ito para balahurain ang pamamahay ni Ate Asena? "Ano ba ang pinakain sa iyo ng lalaking 'yon at hindi mo siya magawang iwasan, ha! Bakit ba kating-kati kang makita ang lalaking 'yon!" hiyaw niya sa asawa. Malakas niyang tinulak ang pinto ng silid at itinulak papasok ang asawa. Napaupo it

