Malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang nagtatakbo palabas ng malaking bahay ni Liam. May kasambahay siyang nakasalubong. Halatang nagulat ito sa kanya. "Miss, ayos ka lang?" tanong ng may edad nang babae, marahil kasambahay. Sinulyapan niya lang ito saka nagtuloy palabas ng malaking bahay. Malawak din ang bakuran, kaya mahaba-haba rin ang tinakbo niya patungo sa gate. Pagdating sa gate, hinarang siya ng guard. "Please, paraanin mo ako," hiningal na pakiusap niya. "Eh, Miss—" Nang biglang tumunog ang telepono sa may guard house. "Ah, sige po, Sir. Ako na po ang bahala," narinig niyang sabi ng guard. Marahil tinawagan ito ni Liam. "Pasensya na po, Ma’am. Bisita po pala kayo ni Sir Liam," hinging paumanhin nito sa kanya saka siya pinagbuksan ng gate. Mabilis siyang lu

