CHAPTER FIVE

1041 Words
First Date/ First Kiss "Akala ko hindi kana darating" sabi niya at sinubsob yung mukha niya sa leeg ko "I'm sorry traffic kasi, tara na sumilong muna tayo" umalis na siya sa pagkakayakap sakin at siya na din ang naghawak ng payong. Naglakad na kami at nagsimulang maghanap ng kakainan. Sumakay kami ng elevator at sa sobrang malas ko naman talaga sira pala yung elevator na sinakyan namin. "Tulong, may nakakarinig ba?" sigaw ko "Tulungan niyo kami!" sigaw ko habang kinakalampag yung pinto ng elevator. Siya naman kumakaway sa cctv at pilit pinipindot ang mga button. "Na stock na tayo dito" naiiyak na sabi ko "Lobat ba cellphone mo?" tanong niya sakin "Tuluyan ng nasira kanina" "Walang signal dito" sabi niya Nakatayo siya sa gilid ko at pareho kaming nagiisip kung paano makalabas dito. Maya-maya lang bigla siyang pumunta sa harap ko. Ramdam na ramdam ko na yung hininga niya at yung puso ko sobrang lakas ng heartbeat natatakot akong baka marinig niya yon. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon pero aaminin ko, gusto ko ito. Gusto ko itong nararamdaman ko. Papalapit na ng palapit yung mukha niya sakin ng bigla siyang natumba. Ang taas ng lagnat niya, sino ba kasing tanga yung magaantay na nga lang magpapaulan pa. "Bakit ka ba kasi hindi sumilong muna?" tanong ko sakanya habang hinihiga siya sa hita ko. Tinanggal ko na din yung jacket ko at pinatong sakanya. "Baka kasi pag umalis ako hindi mo ako makita." sabi niya at unti unting pumikit. Ang bilis siyang nakatulog siguro dahil na din sa pagod at sama ng pakiramdam niya. Tinitigan ko lang siya habang natutulog. His narrowed eye, pointed nose, small, soft and pinkish lips and last his jaw's that perfectly suits in his face. Sa katunayan hindi siya mahirap mahalin o magustuhan, siguro kung maganda lang yung simula namin isa na ako sa mga babaeng naghahabol at nagkakandarapa sakanya para lang mapansin. Eto na ba yung sinasabi nilang pakiramdam pag nagkakagusto? Tsh. Corny. Nilalaro ko yung buhok niya habang nakatitig ako sakanya. Nagulat ako ng bigla siyang magising. Our eyes met and my heart beats fast. Nakatitig lang siya sakin at pinagaaralan bawat parte ng mukha ko. "Pag uwi mo, uminom ka ng gamot ha? At kung pwede wag ka ng pumasok magpahinga kana lang." paalala ko sakanya. "Gusto kong pumasok, wala namang mag-aalaga sakin dun" malungkot na sabi niya "Huh? Asan ba parents mo?" takang tanong ko sakanya. "Nasa Korea nagaasikaso ng business" tumigil na ako sa pagtatanong dahil halata namang ayaw niyang pagusapan tungkol sa Family niya. Umupo siya at humarap sakin, tumingin siya sa mga mata ko at sunod sa mga labi ko. Dahan dahan siyang lumapit at namalayan ko nalang na magkadikit na ang mga labi naming dalawa, wala munang gumalaw samin at maya-maya lang nagsimula na siyang kumilos sumabay lang ako kasi hindi ko alam ang gagawin. Kinagat niya yung ibabang labi ko na naging dahilan para maipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. And that kiss last for *10 *9 *8 *7 *6 *5 *4 *3 *2 *1 Parehas kaming naghabol ng hininga at saktong pag hiwalay ng mga labi namin ang pagbukas ng elevator. Madilim pa sa labas, i check my watch and it's 4am. Lagot ako neto kilala Nanay aish. "Let's go I'll take you home" sabi niya at nagpa unang maglakad. Sumunod nalang ako sakanya at hindi na tumutol baka kasi maligaw pa ako dito kung hindi ako sasama. Pag pasok ko sa kotse niya, siya ma ang nagkabit ng seatbelt ko. Hindi na kami nagsalita buong byahe, pagod din ako kaya nakatulog ako. "Nath wake up, we're here. May pasok pa tayo mamaya" sabi niya habang niyuyugyog ako. Piste pati ata utak ko naalog e. "Hmmm" ungol ko at pilit dinidilat ang mata "Wake up or else" "What?" nagtatakang tanong ko "I'm going to kiss you again" pagka sabi niya non gumising agad ako. "S-salamat, ingat ka" sabi ko at bumaba na ng kotse niya. Mahinang pagtawa nalang niya yung narinig ko aish. "Nay nandito na po ako" sigaw ko kahit malayo pa ako sa bahay. Pag pasok ko nakahanda na yung breakfast. "Good morning Nay, Tay" masayang bati ko sakanila "Good Morning anak, kamusta ang date niyo?" nanunuksong tumingin sakin si Nanay. "Nay naman, ano bang tanong yan?" pero imbes na makakuha ako ng sagot tanging pagtawa nalang nila yung narinig ko. "Lili ihahatid ka nga pala ng Tatay mo sa siyudad para hindi kana mahirapan maglakad" "Talaga po?" tanong ko at masaya naman silang tumango "Mahal na mahal ko kayo Nay, Tay at kahit anong mangyari kayo at kayo parin ang pipiliin kong makasama habang buhay!" lumapit ako sakanila at parehas silang niyakap. "Kahit sa next life ko Nay hahanapin ko kayo at gusto ko kayo parin ni Tatay ang mga magulang ko kahit mahirap lang tayo okay na sakin yon" "Mahal na mahal ka din namin Lili, ikaw ang prinsesa namin ng Tatay mo" sabi ni Nanay at hinalikan ako. Mabilis na lumipas ang oras, nag dismiss na yung teacher namin. Kaya nagayos na ako ng gamit ko ng biglang sumigaw yung isa naming kaklaseng lalake. "NATHALIE HINAHANAP KA NI KEL!!!" ang bilis ng pangyayari nakita ko nalang yung mga classmate ko na nasa labas din at inaabangan akong lumabas. Pagka labas ko nakita ko siyang naka ngiti. Sobrang laki ng ngiti niya kaya lalo siyang guma-gwapo nawawala din yung mata niya Hahahaha. "Uminom kana ng gamot mo?" tanong ko habang nakatingin sakanya "Yes boss, and btw you forgot your jacket kanina nagmadali ka kasing umalis" tinanggal niya sa paper bag yung jacket ko, akmang kukunin ko na ng bigla niya buklatin yon at isuot sakin. Agad na nagreact ang mga tao sa paligid ko. "Sila na ata" "Nakaka inggit" "Sana ako din" "Unfair" "Huhuhu girls, taken na si Kel" "Kumain kana ng lunch?" tanong niya at diretsong nakatingin sa mga mata ko Umiling lang ako. "Go to your locker now, and eat" sabi niya at umalis na. "Stay Hydrated babe" sigaw pa niya habang tumaktakbo palayo —————————————————————— WSA by: Inkfluent Don't Forget to Follow. Thankyou!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD