It's been a week pero mukhang wala namang balak si Kel na pagbayarin ako kaya eto chill nalang ulit hahaha. Wala naman din kasi siyang magagawa kung pag babayarin niya ako ng cash kasi first of all wala ako non. 50 pesos lang ang baon ko sa isang araw tapos yung sweldo ko naman sapat lang para sa araw araw na gastusin sa bahay.
Lunch Break na at yes may baon ako ngayon.Bumili muna ako sa store na pinagta-trabahu'an ko, baka kasi magkasakit na ako pag tinuloy tuloy ko ang hindi pagkain tuwing lunch mas malaki pa gastos pag nagkasakit. Pumunta ako ng locker ko para kuhain yung baon ko, andaming tao sa area na to kaya medyo nahihiya ako, kukunin ko na sana yung baon ko pero pag bukas ko ng locker ko...
Madapaking s**t.
Andaming nahulog na chocolates!!! As in punong puno yung locker ko kaya nahulog na yung iba sa baba.Anak ng tokwa sino ba kasing buang ang maglalagay ng chocolate sa locker? Tapos punong puno pa balak ata akong mag ka diabeties.
Iba iba yung reaction na narinig ko kaya medyo nahiya ako.
"Owemji girls look at that!"
"Omayghad, sino kaya yung boyfie niya?"
"Ang swerte naman ni ate girl!"
"Sana ako din"
"Oh girls look si Kel"
"Kel anakan mo ko mga sampo!!"
"Ang gwapo talaga niya!"
"He's always be my favorite boy!"
Napatingin ako sa direksyon ni Kel at kung sinu-swerte ka nga naman papunta siya sa direksyon ko! Eto na ba yon? Paparusahan na ba niya ako? Ano kayang kabayaran gagawin ko?
Personal Slave? Yaya? Taga linis ng sapatos? Taga hugas ng pwe- Ay joke lang
Di ko namalayan na nasa harapan ko na siya. Nakasandal siya sa locker at parang nagmo-model. Nagpapa cute pa sa harap ko. Kairita
"Ano na namang ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sakanya habang naghahanap ng paper bag na pwedeng pag lagyan ng mga chocolates
"Baka ho may utang ka pa sakin?" Sarcastic na tanong niya
"Oo na, ano ba kasi yon?" lumuhod ako para makuha yung mga chocolates na nahulog. Nagulat ako ng bigla din siyang lumuhod at tinulungan ako.
"Date me" bulong niya habang naka smirk. Nanlaki yung mata ko kase literal na kumag siya.
"Anak ka naman ng halaman oh! Nababaliw kana ba? Anong date?" inis na sigaw ko sakanya. Nagulat ako kasi lahat ng atensyon ng mga estudyante napunta samin.
"Omayghad! Why is he dating that girl?"
"Maganda naman siya ah, I heared may lahi siyang koreana"
"I mean like, bago palang siya dito and me!? Sobrang tagal ko ng nagpapa pansin kay Kel but still! Wala parin! That's Unfair!"
"Hey Cindy shut up, listen to them"
Bulungan ng mga tao dito kahit rinig ko naman talaga.
"Yes, take me on a date." sabi niya at kita ang pag ka gulat sa mga mata nilang lahat.
"Paano pag ayaw ko?" i raised my eye brow on him.
"Then pay me 15,000 for the suit" nakangising sabi niya
"Meet me tomorrow at Mall of Asia 6:00 pm" yun nalang ang sinabi niya at umalis na pero bago pa siya makalayo ay sumigaw siya "Drink a lot of water after you eat that, See you!" pagkasabi niya non ay tumakbo na siya palayo. At ako naman naiwang nakatulala, iniisip parin yung mga sinabi niya.
Pupunta ba ako o hindi?
Pag pupunta ako wala na akong dapat na aalalahanin kung paano siya babayaran sa ginawa ko. Pero hindi ako makakapasok ng trabaho
Pero..
Kung hindi ako pupunta, babayaran ko siyang 15k para lang sa suit na yon? Aish. Hindi ba pwedeng hulugan? Yung gaya sa bumbay sampu araw araw.
Pero bahala na, hindi nalang ako pupunta. Bahala siya sa buhay niya di ako tanga para pumunta. Hays. Tinapos ko na yung pag pulot ng mga letcheng chocolates na 'to, pero infairness mga imported yung chocolates Hahahahaha.
Mabilis na lumipas ang buong araw ko ngayon, at sobrang pagod na pagod ako. Legit. Walang halong joke. Paano ba naman kasi may grupo ng kalalakihan yung pumasok sa store tapos pinaggugulo lahat ng naka display at ang ending isang tag 10 pesos na chichirya lang yung binili.
---
It's another day and another sakit sa ulo. Mabilis na lumipas ang oras at heto ako nakatulala dahil hindi ko pa rin alam kung tutuloy ba ako o hindi. Ang dami kasing tanong na pumapasok sa utak ko.
Paano pag hindi ako pumunta?
Anong ipapambayad ko?
Pwede kayang hulugan?
Pag hindi ako pumunta mag aantay ba siya?
Paano naman pag pumunta ako?
Anong mangyayari?
Anong klaseng date gagawin ko?
Wala akong pera pang date namin!
Nakakainis!
Pumunta ka, Nath.
Hindi hindi, wag kang pupunta Nath.
Pumunta ka nga kasi Nathalie sinasabi ko sa'yo. Anong ipapambayad mo dun ha? May pera ka bang pambayad ng 15k?
Pag pumunta ka Ulan, lalo kalang maiinis dun. Bu-bwisitin ka nun buong gabi at mas lalong wala kang kikitain sa araw na yon. Sayang din yon!
Okay nababaliw na ako. Kinakausap ko na yung sarili ko, this isn't normal anymore.
Maya-maya lang nag ring na yung bell. Sign na uwian na, dali dali akong lumabas at hinintay nalang si Delia sa labas ng gate. Final na hindi ako pupunta, bahala siya jan.
Nagsisimula na kaming maglakad ni Delia pauwi, it's almost 6pm saktong sakto.Na bo-bother ako baka nagaantay siya don or what. Napaka layo naman kasi ng Moa dito 2hrs. yung byahe wala pa akong pera dahil hindi pa ako nasahod.
"Hoy babae, anong iniisip mo jan? Bakit hindi ka mapakali?" takang tanong sakin ni Delia. Napansin siguro niya na medyo hindi ako mapanatag sa desisyon ko.
"Kasi..kasi naalala mo nung birthday mo? Yung sinabi ni Kel na kailangan kong magbayad?" tanong ko sakanya.
"Oo, bakit? Magkano daw? Mahal ba? Pinapahirapan ka ba niya?" kunot noong tanong niya.
"Hindi actually madali lang naman talaga ee, but there's inside me na sinasabing wag kong gagawin"
"Ano ba kasi yon?" inis na tanong niya
"Kailangan ko siya i-date, ta-tapos ngayon yon 6pm sa Moa. Pero hindi ako pumunta may side ko na sinasabing pumunta ako pe-pero may side din ako na sinasabing wag!" naiiyak na ako, hindi ko maintindihan, hindi ko alam yung gagawin.
"Then go, pumunta ka! Anong gusto mo mag bayad ng 15k? o pumunta lang dun at mababayaran lang ng isang 'Date' lahat ng nangyari? You need to choose wisely Nath. Kung hindi ka pupunta pusang gala! Saan ka kukuha ng ganon kalaking pera!? Kulang pa nga yung sahod mo bayaran lang lahat ng tuition mo!" sigaw niya sakin habang tinutulak ako pabalik ng siyudad.
"Sure ka? Magagalit sila Nanay sakin" nag-aalalang tanong ko.
"I can handle this Nath, ang gawin mo lang ngayon pumunta ka dun at mag enjoy." sabi niya at sumilay ang malaki niyang ngiti.
"Wala akong pera pamasahe ano ba, ayoko nalang pumunta sayang yung araw sa trabaho!" sabi ko at naglakad ulit pauwi ng bukid.
"Here, i think that's enough. Now go and enjoy your date with Kel" inabot niya sakin yung 10k pusang gala. 10k talaga? Para sa date? Tsk.
"Ok, thanks bye! Ibabalik ko sa'yo to pag may pera na ako! Love you! Take care!" sigaw ko at tumakbo na pabalik ng siyudad, buti nalang kamo wala pa sa kalahati yung nilalakad namin kung hindi nalintikan na jusko.
Mabilis akong nakarating sa siyudad at agad na sumakay sa taxi.
"Kuya sa Moa po, paki bilisan lang po kung pwede" sabi ko habang hindi mapakali, baka kasi pag punta ko dun wala na siya odiba sayang effort.
Ang malas ko ngayon, bukod sa 2hours yung byahe papunta dun traffic pa. Nakakainis talaga. Wala naman akong contact kay Kel aish. Sobrang lakas pa ng ulan, buti nalang Girlscout ako dati. Lumipas ang oras na nakarating na din kami sa Moa. Binuksan ko muna yung cellphone ko at sa kamalas-malasan nga naman talaga tuluyan ng nasira!
Bumaba na ako sa taxi at nagbayad, lakad-takbo yung ginawa ko kasi 8:30 na, ilang oras na siyang naghihintay don tapos umuulan pa. Pero sa pagkaka alam ko sa taong yon hindi yon maghihintay e, pero bahala na nakakainis.
Pumunta ako sa mga restaurant pero wala siya, inikot ko na halos ang buong Moa pero wala siya. Tinignan ko yung relo ko at 9:15 pm na s**t, asan na ba kasi siya? Saan ko pa ba siya hahanapi- Tama sa Sea Side! Lakad-takbo ulit yung ginawa ko para mabilis makapunta don, pero halos mawalan ako ng pag-asa ng hindi ko siya makita. Uuwi na sana ako ng may nakita akong lalaking nakatayo sa mga bato habang nakatingin sa dagat at basang basa ng ulan.
Kawawang nilalang, broken hearted ata Hahahaha naisipan pang magdrama sa ilalim ng ulan pero infairness parang sa movie lan- Anak ng tokwa! Si Kel yon e.
Tumakbo ako papalapit sakanya, nagulat ako nung humarap siya sakin dahil bigla niya akong niyakap.
——————————————————————
WSA by: Inkfluent
Don't Forget to Follow. Thankyou!