Hi I'm Nathalie Riane Delivaux and I'm Esp Teacher. Actually Chef dapat ang kukunin ko nung college ako balak ko kasing patayuan sila Nanay Esting ng restaurant, kaso hindi namin kaya yung tuition at iba pang gastos kaya ang ending nag Teacher ako.
Second choice ko talaga ang Teacher, kasi nung bata ako nakikita ko yung mga adviser ko noon na ang daming pagkain pag birthday nila, valentines day o kaya teacher's day. Alam niyo na pang suhol Hahaha.
Lumaki ako sa probinsya, pinalaki ako ng mga adopted parents ko. Ang sabi nila may kambal daw ako siya naman daw si Nathalia naiwan daw sa tunay kong mama yung ka-kambal ko at ako napunta sakanila.
Pero never akong nagsisisi na napunta ako sakanila, saka tunayan nga nagpapasalamat pa ako kasi lumaki akong mabuting tao, hindi maluho at higit sa lahat alam ang value ng pera.
Hindi ako maluhong tao, kung ano yung nanjan okay na yan tinuruan nila akong makuntento sa kung anong meron ako. Never expect. Never demand.
Ang sabi ni Nanay sakin dati "Makuntento ka anak sa kung anong meron ka, dahil balang araw makaka ahon tayo sa hirap at ikaw mismo ang magdadala sa atin sa rurok ng tagumpay. Wag kang maiinggit sa kung anong meron ang iba dahil tandaan mo ‘Wala ka man ng meron sakanila, wala naman sila ng mga bagay na meron ka at kami yon ng Tatay mo’ dahil sa mundong ito kami lang ang tanging kayamanan mo."
Nagising ako ng ma-alala ko na naman yung sinabi ni Nanay Esting sakin. Hayy namimiss ko na sila!!
Good morning Monday!
d^_^b
Pagtingin ko sa alarm clock sa gilid ng kama ko 5 AM na! Hay mala-late ako neto ee.Mabilis akong kumilos Ala-sais yung pasok ko kaya hindi ako pwedeng ma-late.
WVH SCHOOL
Nakarating ako sa school ng quarter to 6. Buti nalang umabot pa ako mabilisang kain nalang yung ginawa ko, wala pa ata sa 20 mins. yung ginawa kong ligo sa sobrang pagmamadali ko.
Naglakad na ako papasok sa loob, kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng ma-alala ko ang bawat isang memorya sa mga lugar na madadaanan ko.
Yes! dito ako nag-aral ng High School dati. Parang kailan lang masaya pa kaming gumagawa ng mga kalokohan ng mga kaibigan ko, tapos ngayon may kanya kanya na kaming buhay.
Sa kompanya na dapat namin ako magta-trabaho ang sabi ko naman sakanila at the age of 30 nalang ako papasok dun, gusto ko kasi munang itry yung kursong natapos ko. And besides hindi pa ako handang makita siya.
Gusto niyong makilala kung sino yung tinutukoy ko? Well, just keep on reading Hahahaha.
"Good morning ma'am"
"Good morning ma'am ganda"
"Good morning Ms. Gomez
"Ms. Pwede manligaw? Hahaha joke lang ms."
Araw araw ganyan ang bati sakin ng mga estudyare at mga co-teacher's ko. Sabi kasi nila bagay na bagay daw ako sa Miss Universe. Di ko naman talaga maitatanggi na lumalabas talaga yung lahi naming Korean sa katawan ko.
Pagtapos ng mahaba-habang lakaran nakarating na ako sa room na naka assign na akin.
"Good Morning Class" nakangiting bati ko sakanila
"Good Morning Ms. Nathalie" sabay sabay na bati nila
"Okay before we start, Sioson please lead a prayer"
Gulat na gulat si Sioson ng tawagin ko siya, isa siyang nerd and loner girl dito sa school.
Pumunta siya sa harapan at napansin kong pinagtatawanan siya ng mga kaklase niya kaya agad akong lumapit sakanya at bumulong
"Wag mong hahayaan yung ibang tao na hilihin ka pababa. Trust yourself, Be yourself kasi balang yung araw may isang taong darating sa buhay mo at
tatanggapin lahat ng mali at pangit sayo. May isang taong magiging proud na meron siyang ikaw sa buhay niya"
Nagulat siya nung marinig akong nagsalita sa tenga niya, ngunit agad naman itong napalitan ng matatamis na ngiti ang kanyang labi.
Pagkatapos nilang magdasal inayos nila ang kanilang mga upuan at nilinis ang kalat sa ilalim ng upuan.
"Okay Class, So today wala na tayong ibang gagawin dahil nagadvance lesson na tayo 'magku-kwento nalang ako sainyo" panimula ko.
"Miss naman hindi na kami bata para jan"
"Miss, Grade 10 na kami wag ka namang ganyan"
"Ihele mo nalang ako miss hehe."
Nagsimula na silang magingay at tumutol sa sinasabi ko.
"Alam kong hindi na kayo bata para makinig ng mga story, but this time ipapasok ko kayo sa mundo ng imahinasyon. Imagine niyo nalang na nandun kayo sa lugar na iyon" dagdag ko pa sakanila. Nakikinig lang sila sa sinasabi ko at halata sa mga mukha nilang excited sila.
"I think it's time para malaman niyo yung ganitong kwento, dahil gaya rin ng edad niyo ngayon nung nagsimula akong matutong magmahal" nakita ko sa mga mata nila na parang na curious sila, mga nasa 15-16 years old ang mga estudyante ko dito "Sino sa inyo ang naniniwala sa 'Greatest Love'?" tanong ko sakanila.
"Ms. meron po ba non?"
"Parang wala namang ganon Miss Hahahaha"
"Miss sa fairytale lang meron non"
Nagtawanan sila, hinayaan ko muna silang tumawa at ng humupa na nagsalita na naman ako.
"Sabi sakin ni Nanay may isa daw tayong tao na mamahalin natin ng sobra, at mamahalin din tayo pabalik. Yung tipong tatanggapin ka niya ng buong buo at higit sa lahat ipagmamalaki ka niya sa kahit na sino. Pero hindi natin sila makakatuluyan hanggang dulo, at kahit may mahalin pa tayong iba may part pa din na mahal mo siya at iyon ang tinatawag nating "Greatest Love" panimula ko. Agad naman silang nanahimik at mukhang interesado sa sinasabi ko.
"Gusto niyo bang malaman kung paanong nangyari iyon?" tanong ko sakanila at agad naman silang tumungo
"Sa kwentong ito ako ang kontrabida sa sarili kong istorya"
Nakangiti ako sakanila habang nagbabalik tanaw sa sarili kong istorya.
——————————————————————
WSA by: Inkfluent
Don't Forget to follow. Thankyou!