Kagaya kahapon ganon at ganon lang ang naging araw ko ngayon. Mabilis lumilipas ang oras, parang isang kisap mata. Hay! 2nd day na namin ngayon pero parang sobrang tagal ko ng nag-aaral. Nakaka pagod sobrang daming assignment.
Lunch Break na namin ngayon, pero nandito lang ako nakatayo sa gilid ng room namin at nagche-check ng f*******:. Tamang scroll lang Hahaha.
Nagpicture ako tapos pinost ko sa f*******: ko.Wala pang one minute nagkaroon na ako ng 2,450 hearts and 140 comments.
Binasa ko lahat ng comments dun, nagcomment din yung iba kong classmate sa past school ko.
"Owemji Is that you Loser-girl?"
"Wow ang ganda na niya"
"s**t i think i'm falling"
"Damn! Is that the girl we bully?"
"Nerdy girl?"
"Omg."
"I can't believe"
Ganyan lang ang mga comments halos paulit-ulit sila ng sinasabi.Hindi pa din sila makapaniwala na hindi na ako yung Nath na kaya nilang saktan ano mang-oras.Hays! Nagugutom na ako, pero kailangan ko talagang magtipid matumal ang bente ngayon ni Nanay sa isda.Pero di bale may trabaho naman na ako mamaya kaya keri narin. Tiis tiis nalang malapit ko na maabot yung pangarap ko.
Nakatambay lang ako dito sa gilid ng pinto sa labas ng room namin, inaantay ko padin hanggang ngayon si Delia.Ba't ba kasi ang tagal niyang kumain? Naiinip na ako dito.
Habang antok na antok na ako dito, wala paring delia na nagpapakita.Papikit na sana yung mata ko ng biglang mabuhayan lahat ng dugo ko dahil sa sunod sunod na tili at sigaw ng mga malalandot na estudyante. Hay! Salamat may silbe pa din naman pala sila kahit na ang lalandot nila. Dadaan sila dito kaya ako naman tinitignan kung sino yung tinitilian nila, pero hindi ko makita nakakabanas!
Tatabi na sana ako ng bigla akong itulak ng isang babae at naging dahilan ng pagtumba ko, tumalsik yung cellphone ko kaya pilit kong inaabot yun sa kabila ng pag-apak nila sakin. Kailangan ko yon! Wala akong pambili ng bago! Naiiyak ako huhuhu. Makukuha ko na sana yon ng biglang inapakan ng lalaking naka nike shoes yung cellphone ko.Pero parang wala silang paki-alam dahil tuloy tuloy parin sila sa paglakad.
Kinuha ko agad yung cellphone ko, pag tingin ko basag basag na siya at ayaw gumana. Ha! Naiiyak ako, parang mas malala pa yung nararanasan kong hirap dito! Hindi 'to pwedeng masira! Buong ipon ni Nanay at Tatay yung pinang bili dito, para daw hindi ako mainggit sa mga classmate ko kaya nila binili 'to. Ito yung birthday gift nila sakin last year. Ayokong magalit sila pag nalaman nila 'to.
Nung una nagpapasalamat pa ako sa mga babaeng yon, ngayon hindi na 'nabwi-bwisit na ako!!! Mga malalandot tong mga 'to, pati ako nadamay!
Sa sobrang inis ko, tumayo ako at hinabol sila.
"Hoy saan ka pupunta?" tawag sakin ni Delia.Pero di ko siya pinansin at patuloy sa paghabol dun sa lalaking naka Nike shoes. Humanda ka sakin, napaka sama ng ugali mo! Tatanggalin ko talaga yung kinabukasan mo pag nakita kita!
Ang bilis naman nilang maglakad? Nasan na iyon? Nakakabwisit naman! Hayy!!!! "Hoy saan ka ba kasi pupunta? Nakakapagod kang sundan!" sigaw sakin ni Delia. Lakas lakas ng bunganga neto magkaharap lang naman kami.!
"Nasaan na ba kasi sila?" iritado kong tanong.
"Sino ba kasi yon?"
"Hi miss, alam mo ba kung saan pumunta yung mga nagtitiliang babae?" tanong ko dun sa isang estudyanteng nakatambay sa may locker niya.
"Ah, ayun ba? Nandun sila sa may gard-" hindi ko na hinintay na tapusin yung sinabi niya dahil dali dali akong bumaba para mahabol ko sila.
Nakasunod lang sakin si Delia, habang ako abala sa pag linga-linga dahil dun sa pesteng lalaking naka Nike Shoes. Sungalngalin ko siya e.
Nakarating ako banda sa may garden at nakita ko sila.Tumakbo agad ako ng makita ko yung lalaking naka suot ng nike shoes. Iniharap ko agad siya sakin at sinampal.
Nagulat ako sa ginawa ko kase..
KASI PISTE IBA YUNG NASAMPAL KO! ISA SA MGA NAGBIBIGAY NG SCHOLARSHIP SA MGA ESTUDYANTE DITO YUNG NASAMPAL KO! HUHUHUHU PATAY AKO NETO!.
Pag tingin ko, si burnok dapat pala yung sasampalin ko, parehas kasi silang naka nike. Damn! Paano na 'to? Para gusto ko nalang magpakain ngayon sa lupa.
"I-Im sorry" nakayuko ako ngayon, sobra akong kinakain ng kahihiyan ko. Ano ba kasi 'tong pinasok? Sana talaga di ko nalang pinansin
"Name?" inangat ko ang ulo ko, nakita ko sa gilid ng suot niya formal attire ang name niya.
Mr. Rallew E. Valensiza
Ibig sabihin tatay siya ni burnok? Hay! Ayoko naa, lord ipakain mo na ako sa lupa.
"N-Nathalie Riane po sir" nauutal ako, habang binabanggit ang pangalan ko.
"Don't do this again, I'll forgive you but next time you'll mess up i will kick you out." yun lang sinabi niya at umalis.
Nakita ko pa si Burnok na ngumisi sakin, halatang tuwang tuwa. Mas malala talaga yung nangyayare sakin dito kesa dun sa past school ko.
———————————
Mabilis na lumipas ang oras, kaya eto kami ngayon ni Delia naglalakad pauwi. It's already 7:00 at naka-kalahati palang kami sa paglalakad.Ang hirap kasi sumakay ng jeep pauwi kaya natagalan kami.
After a long long long long long walk Hahahaha.Nakarating na din kami sa bayan, pero si Delia dumeretso ng uwi habang ako dumeretso sa convenience store. May trabaho pa kaya ako huhu.
Pero pwede na din kasi mataas offer sakin dito. 5k-6k a month sahod ko, libre pa yung dinner and wifi o diba? Saan pa ako edi kay Betty the Piggy na-este kay Ma'am Betty
12AM na ako umuwi, pero sinusundo ako ni Tatay gamit yung tricycle na hinihiram niya para daw safe akong uuwi.
Ganon lang lumilipas ang buong araw ko.Kasing bilis ng kisap mata, kasing bagal ng habang buhay.
——————————————————————
WSA by: Inkfluent
Don't Forget to Follow. Thankyou!