Inismidan ko si ate dahil sa kanyang sinabi. "Ate para kang sira! Aanakan lang talaga? Ano ako magkakalat lang ng panganay? Saka hindi naman ako nagmamadali, dadating din 'yon, mentras hinahanap mo kasi ang love lalong nagtatago at 'di nagpapakita! Malay mo hindi pa pinapanganak 'yung nakatadhana sa akin. Oh pano 'yon kaya chill ka lang d'yan ate relax. Mag-aasawa din ako soon," paliwanag ko kay ate. Lalong nainis si ate sa aking mga sinabi. Ganoon talaga, wala tinamaan ni kupido. Ang atat naman kasi nila na mag-asawa ako, kaya ayaw kong nagpapakita sa mga 'to. Kaylangan ko lang talagang puntahan si JD hay nako. Wala na silang ginawa kung 'di pilitin akong mag-asawa. Tinaasan na ako ng kilay ni ate at tumayo na nakapamewang. "Pwes ako, hindi na ko makapaghintay at nagmamadali na akong ma

