One month later…
MATAMLAY na gumising si Jude kinaumagahan. Unang araw ng klase ngayon at kolehiyo na siya. Parang wala siyang ganang pumasok. Parang hindi pa niya kaya. Ito ang unang araw ng pasukan na hindi na niya kasama si Andrew. Noon kasi ay bibong-bibo siya sa unang araw ng klase. Yun ay dahil buhay pa noon si Andrew. Ngayong wala na ito ay para na rin siyang namatay. Hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ng pinakamamahal na kaibigan. Tumulo na naman ang luha sa kanyang mga mata. Isang buwan na mula noong pumanaw si Andrew. Sana siya na lang daw ang namatay kaysa sa kaibigan.
Pero hindi na muna siya nagpadala sa kanyang emosyon. Papasok pa rin siya sa unang araw ng klase.
DUMATING na siya sa unang subject niya. TFN o Theoretical Foundations in Nursing ang unang subject niya dahil Nursing ang kinuha niyang kurso. Mababakas pa rin ang kalungkutan sa mukha ni Jude na para bang habangbuhay na siyang magiging ganoon. Tahimik na siya palagi hindi katulad noon. Hindi na siya ngumingiti kagaya noon. Hindi na siya ang dating Jude noon. Sobrang nakaapekta sa kanya ang pagkamatay ni Andrew. Meron siyang mga hinanakit na hindi niya masabi kaninuman. Sina Rafael at Lenlen lang ang maaaring pagsabihan niya ngunit umalis na ang mga ito at nag-aral sa Maynila. Wala na siyang mapagsasabihan sapagkat lahat ng mga kaibigan niya ay sa Maynila na nag-aaral. Nag-iisa na lang siya. Sobrang lungkot ang nararanasan ngayon ni Jude.
Dumating na ang Clinical Instructor nila si Gng. Rivera.
“Good morning everybody”, bati ng kanilang C.I sa kanila.
“Good morning din ma’am.”, sagot ng kanyang mga estudiyante.
Kanya-kanya na sila ng pagpasa ng kanilang mga white forms sa kanilang C.I upang ma-officially enrolled na sila sa subject na kanilang pinapasukan. Pagkatapos noon ay Introduce yourself naman sila.
“I am Judelo Miranda, 17 years old.”, pagpapakilala ni Jude sa sarili sa mga kaklase. Mababakas pa rin kahit doon ang kalungkutan niya. Inabot ng tatlong oras ang kanilang subject bago natapos.
“MEDYO nakakapagod din ang subject natin ngayon ah. Imagine, three hours. 3 units kasi eh”, sabi ni Stephen King Roa, isa ring freshmen nursing student at kaklase ni Jude.
Ang mga barkada niya ay halos nasa Engineering at siya lamang ang nasa Nursing. Pinagtatawanan minsan siya ng mga barkada niya. Napilitan lang daw siya ika niya. Wala na daw siyang magagawa kundi ang sundin ang utos ng mga magulang niya; ang ipag-nursing siya.
Kasa-kasama niya ngayon ang mga kabarkada niya sa may canteen ng University upang kumain.
“Alam niyo guys, may napansin akong weird na classmate ko kanina. He’s so weird talaga. Judelo Miranda ang pangalan at sa tingin ko, bading yata.”, at sinabayan pa ng tawa ng Stephen.
“So, ano ang gagawin mo? Pagtitripan mo?”, tanong ni Alex, isa sa mga barkada ni Stephen.
Nagkibit lamang ng balikat si Stephen. Hindi naman siya interesado kay Jude.
May pagkapilyo rin kasi itong si Stephen. Lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya, tingin niya’y madali lang paikutin. Wala siyang pakialam kung nasasaktan ang tao o hindi. Basta ang sa kanya lang, lahat napapaikot niya sa kanyang pera.
“Wala ka pa ring ipinagbago hanggang ngayon, Stephen King. Matinik ka pa rin”, sabi naman ni Ken, isa rin sa mga barkada niya.
NASA bahay na niya si Jude at para bang pagod. Nahiga siya sa kama. Mamaya pang alas kwatro ang susunod na subject samantalang alas onse pa lamang ng umaga sa kanyang orasan. Maya-maya pa’y tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ito dahil ang ina niya ang tumatawag mula sa London.
“Jude, anak, kumusta? Pasukan na ninyo ngayon?”, si Rinalyn Tuazon, ina ni Jude, Nurse sa London.
Hiwalay na kasi ang mga magulang ni Jude noong bata pa lamang siya kaya nang mawalan ng bias ang kasal nila ay bumalik sa orihinal na apelyido ang mama niya.
“Opo, mommy. Ngayon po ang first day of school dito.”, sagot ni Jude sa matamlay na tono.
“Anak, okay ka lang? Matamlay yata ang tono ng pananalita mo ngayon. Bakit? May nangyari ba?”, isang inang tonong tanong ni Mrs. Miranda.
“Wala ho ito, mommy. Sige po. Tatawag lang po ako sa inyo sa susunod. Bye, I love you Mom.”, pagpapaalam ni Jude.
At nawala na sila sa linya.
Bumuntong-hininga si Jude. Pagkatapos ay napalingon siya sa may maliit na cabinet kung saan nakapatong doon ang isang picture frame na ang larawan ay silang dalawa ni Andrew. Tumayo siya at kinuha ito. Bumalik siya sa kama at umupo roon sabay na pinagmasdan ang larawan sa picture frame.
“Miss na kita, Andrew. Miss na miss na kita.”, sabay ang luhang wika ni Jude.
Napaiyak siya. Bumabalik na naman ang mga masasaklap na pangyayari isang buwan na ang lumipas. Para sa kanya, hindi sana namatay si Andrew kung hindi umalis si Hannah. Sana buhay pa ito hanggang ngayon. Sana kasama niya ngayon ito sa pag-aaral ng nursing dahil pinangako nila noong bata pa sila na magiging nurse sila balang araw. Ngunit siya na lamang ang nagpatuloy ng kanilang pangarap. Mag-isa na lang siyang nagpatuloy nito. Masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ni Andrew. Halos buong buhay niya ay nakaukol na dito. Sa haba ng panahon ng pagkakaibigan nila ay natutunan na ring mahalin ni Jude si Andrew. Kahit alam niyang hindi pwede pero hindi niya mapigilan ang nararamdaman. Ngunit para hindi siya iwasan ng kaibigan ay inilihim na lamang niya ang nararamdaman na nakayanan naman niya. At least may inspirasyon siya at yun na lamang ang kanyang tanging konsolasyon para sa pusong nasasaktan. Ngunit ngayong wala na ito ay para na rin siyang namatay.
Niyakap niya ang picture frame sabay ng pag-agos ng malaya ng kanyang mga luha. Ibinuhos na muna niya ang sama ng loob.
ALAS kwatro na at nasa University na si Jude at ang kanyang mga kaklase. Hinihintay na lamang nila ang kanilang instructor. Siya namang pagdating ni Stephen at nasulyapan niya si Jude. Tumaas ang kilay ng lalake at humagik-ik sa kakatawa.
“Ang weird niya talaga”, bulong ni Stephen.
Naupo na rin ang pilyong lalake.
Dumating na rin ang kanilang instructor at nagsimula ang kanilang klase. Natapos din ang dalawa nilang subject sa hapong yun. Papauwi na si Jude nang may tumapik sa kanyang balikat. Si Stephen yun.
“Hi, Mister Miranda!”, tila may pangungutya na pagbati ni Stephen kay Jude.
Isang malalim na titig ang pinukol ni Jude sa kanya. Sino siya?
“Hey, magkaklase tayo.”, sabi ni Stephen.
Naramdaman ni Jude na pinagtitripan lang siya ng lalakeng ito kaya without a word ay nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad at hindi na lamang pinansin si Stephen. Kahit hinaharangan siya nito ay nagawa naman niyang makalampas mula rito. Gulat na gulat si Stephen sa ginawa ni Jude.
“Nice talking. I love myself”, wika ni Stephen.
KINABUKASAN, inis na inis si Stephen na nakikipag-usap sa mga kaibigan dahil sa ginawa ni Jude kagabi.
“Hindi man lang ako kinibo, mga bro!”, inis na inis na wika ni Stephen.
“Baka naman hindi ka type. Well, ngayon pa ako nakarinig ng baklang ayaw sa’yo. Halos lahat ng mga bakla diyan ay patay na patay sa kaguwapuhan mo.”, ani Ken.
“Pero iba itong si Judelo Miranda. Parang hindi ako type. Siya lang ang bading na hindi type ang kaguwapuhan ko. Imposible. Baka nagpapakipot lang yun.”, ani Stephen.
Hindi mawala sa isip ni Stephen si Jude. Well, hindi naman siya bisexual pero type lang talaga niya ang pagtripan ang mga bakla. Pero iba si Jude. Talagang hindi niya basta-basta itong makukuha sa kanyang kaguwapuhan. Gwapo si Stephen, sobra sa kagwapuhan, maporma at matipuno ang pangangatawan kumbaga ay macho, expressive at maganda ang mga mata nito na halos mabaliw ang lahat ng kung sinuman ang kindatan nito, mataas ang ilong, ang ngiti niyang ulam na ay nagpapabaliw sa lahat. Mataas din si Stephen. Ang buhok nito na kahit hindi na lagyan ng gel ay lumalabas pa rin ang kanyang kaguwapuhan. Katamtaman rin ang kulay ng balat niya, hindi maputi at hindi rin maitim, hindi rin naman siya moreno. Maporma rin sa pananamit si Stephen. Halos lahat ng mga babae, kahit na mga bakla ay naghahabol sa kanya kahit saan man siya magpunta. Noong high school pa lamang siya ay binansagan siyang “Crush ng Campus”. Doon na siya naniniwalang malakas talaga ang kanyang s*x appeal. Ngayong kolehiyo na siya, ay ganun pa rin. Marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya ngunit wala pa sa kanyang isipan ang magkaroon ng seryosong relasyon. Ini-enjoy na muna niya ang pagiging mapusok sa mga babae at lalo na sa mga bakla. Pero parang matsa-challenge siya ngayon kay Jude. Siya lamang ang bading na walang pakialam sa kanyang kagwapuhan. Gagawa siya ng paraan upang mabaliw sa kanya si Jude. Talagang hindi siya makakapayag na si Jude lamang ang hindi mapapasubo sa kanya.
SABADO na ng umaga, apat na araw na rin mula noong unang araw ng pasukan at naka-engkwentro ni Jude ang guwapong lalakeng nagpakilala sa kanya bilang kaklase niya pero iniwasan niya ito dahil parang pinagtitripan lang siya. Walang klase si Jude sa Sabado kaya free siya. Ngunit mag-aaral lang siya ngayon. Matapos siyang mag-aral ay lumabas na muna siya ng bahay niya para magpahangin. Naupo siya at kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Pinindot-pindot niya ito hanggang sa mga videos ng kanyang files. Pinleybak niya ang isang video na kung saan ay magkasama sila ni Andrew. Makikita sa video kung gaano sila kasaya ni Andrew noong buhay pa ito. Naghahabulan sila sa tabi ng dagat, nagtatawanan at kung anu-ano pang mga bagay na masaya sila. Si Rafael noon ang kumuha sa kanila ng video. Sobrang saya ni Jude noon. Napangiti si Jude na may halong kalungkutan. Lalo niyang na-miss si Andrew at parang kailangan niya ito ngayon.
“Kailangan kita ngayon, Andrew.”, at nagsimula na namang umagos ang mga luha niya mula sa kanyang mga mata at dumadaloy sa kanyang mga pisngi.
Niyakap niya ang kanyang cellphone at malaya siyang umiiyak.
“Mahal na mahal kita Andrew. Mahal na mahal kita”, bulong ni Jude sa sarili.
LINGGO at nagsimba si Jude. Tahimik at taintim siyang nagdarasal. Nagpamisa siya para kay Andrew. Kada Linggo niya itong ginagawa na nagpapamisa siya para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng kaibigan. Matapos ang misa ay bumili siya ng tatlong piraso ng puting kandila upang magsindi sa candle station. Pagkatapos no’n ay aalis na siya para umuwi at mag-aral. Kakarating lang niya sa bahay nang mamataan niya ang isang maliit na box na nakapwesto sa drawer. Napatitig muna siya dito saka dinampot. Binuksan niya ang box na yun at lumabas ang dalawang maliliit na manika na sumasayaw at may mini-recording pang “I love you bestfriend”. Muli na naman siyang naging emosyonal. Ang box na yun ay regalo sa kanya ni Andrew noong 17th birthday niya. May maganda din itong midi tone na humahaplos sa pakiramdam ni Jude. Naaalala niya ang mga magagandang alaala na naiwan sa kanya ni Andrew. Binuhos niya lahat ng mga kalungkutang nararamdaman niya sa araw na iyon. Ang kanyang pangungulila kay Andrew ang nagtulak sa kanya upang maging malungkot siya sa bawat araw na nagdaraan. Minsan, tinatanong niya sa itaas kung bakit kinuha nito si Andrew. Sana siya na lang at hindi ang pinakamamahal na kaibigan. Labis na pinagsisisihan niya ang hindi pag-amin kay Andrew sa kanyang tunay na nararamdaman. Sana kahit nalaman na lang niya bago ito nawala na mahal niya ito sa ibang paraan. Bumuntong-hininga siya.
SA kanilang klase, abala ang kanilang C.I sa pag-aayos ng mga lecture materials. Busy naman sa paggawa ng ingay ang mga kaklase ni Jude ngunit siya ay tahimik lamang. Wala rin namang gustong kumausap sa kanya at ayaw rin naman niya. Wala siyang pakialam. Habang tahimik lamang si Jude ay titig na titig naman sa kanya si Stephen. Nagtataka siya kung bakit ganoon si Jude. Bakit kaya siya laging tahimik? Para siyang may sariling mundo. Tila yata malalim palagi ang iniisip nito. Hindi kaya marami itong problema? Hindi naman siguro problema sa love life dahil for sure wala namang naging nobyo si Jude. Sino ba naman ang papatol sa bakla na ay weird pa. Kung ano man yun ay wala siyang pakialam. Ba’t naman niya pahihirapan ang sarili niya upang halungkatin ang talambuhay ng isang taong kailan lang niya nakilala.
Magsisimula na ang klase nila. Sobrang tahimik lang talaga si Jude. Pero nakikinig naman siya sa kanyang klase.
Pauwi na noon si Jude nang makasalubong ulit niya si Stephen. Talagang hindi siya tatantanan ng lalakeng ito. Ano kaya ang kailangan niya?
“Hey! Ba’t ang tahimik mo ha? You’re so weird.”, pangungutya sa kanya ni Stephen.
Tinitigan ni Jude si Stephen. Itinaas niya ang kanang kilay.
“Yan lang ba ang kailangan mong sabihin sa akin? Maaari na ba akong umalis kasi nagmamadali ako. Pupuntahan ko pa ang libingan ng kaibigan ko!”, pormal ngunit mariin na pagkakasabi ni Jude.
Hindi nakapagsalita si Stephen at hinayaan niyang umalis si Jude. Sinundan niya ito ng tingin at bumulong.
“Napahiya ako do’n ah!”
NASA pribadong sementeryo si Jude at may dalang isang bouquet ng mga bulaklak. Huminto siya roon sa isang simpleng puntod. Yun ang puntod ni Andrew. Inilapag niya ang bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng lapida. Gusto niyang maging pribado ang libingan ni Andrew sa murang halaga at tinulungan naman siya ng pamilya ng lalake at ng mommy niya. Napamahal na rin ang pamilya ni Andrew kay Jude dahil sa angking kabaitan nito.
“Andrew. Sorry ngayon lang ako nakadalaw. Hindi ko pa kasi kayang tanggapin na wala ka na.”, wika ni Jude.
Tumulo na naman ang luha sa mga mata niya. Lumuhod siya at hinimas-himas ang lapida ng kaibigan. Naalala niya minsan ay sinabi ni Andrew sa kanya.
“Ayokong nakikita kang umiiyak Jude. Nasasaktan din ako kapag nasasaktan ka dahil kaibigan kita. Mahal kaya kita”.
Bumuhos muli ang emosyon ni Jude. Tila walang kapaguran siya sa kakaiyak.
Samantalang sa isang bahagi ng sementeryo ay may isang puting sasakyan. Pinagmamasdan siya mula roon ni Stephen. Kumunot ang noo ng lalake. Parang natauhan naman si Stephen. Bakit niya sinundan si Jude? Nawawala na ba siya sa kanyang matinong kaisipan? Pinaandar niya muli ang kanyang kotse at umalis.
Habang nagmamaneho ay hindi naman mawala sa isipan ni Stephen si Jude. Umaandar na naman ang curiousity niya dito. Bakit kaya ganoon si Jude?
“May namatay siguro siyang kamag-anak. Ewan ko ba!”, sa isip niya.
Parang may bahagi niya ang gustong malaman ang buhay ni Jude. Pero hindi. Ayaw niya. Wala siyang pakialam. Hindi siya maaaring maawa sa taong hindi niya lubos na kilala. Wala siyang pakialam kay Jude. Hindi siya dapat na maawa kay Jude. Ayaw niya sa mga third s*x. Baka magiging pahamak lamang si Jude sa buhay niya dahil minsan na siyang napahamak dahil isang bading dalawang taon na ang nakalilipas.
PALAKAD-LAKAD lamang ang noo’y kinse anyos na si Stephen sa may Divisoria dahil night café noon. Bandang alas onse na iyon ng gabi nang mapadaan siya sa isang makipot na eskinita. Hindi niya alam noon na doon nagtatambay ang mga p****k o GRO’s sa eskinitang iyon at lalong-lalo na ang mga baklang uhaw sa pangangatawan ng mga lalake. Dahil talagang noon pa lamang ay habulin na ng mga babae’t bakla si Stephen ay napansin kaagad siya ng isang bakla doon na nagtatambay rin.
“Hi, handsome!”, paakit na tawag ng malanding bakla.
Napalingon siya at nanlaki ang mga mata. Kumunot ang noo ni Stephen.
“Kakadiri naman!”, bulong niya sa kanyang isipan.
Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad noon hanggang sa hindi na makatiis ang malanding bakla ay nilapitan na siya nito.
“Saan ka pupunta handsome! Halika muna dito. Tikman mo muna ang ganda ko!”, pahablot siyang kinaladkad ng bakla.
“Bitiwan mo ako! Saan mo ako dadalhin bakla ka! Ayoko! Ayoko! Pakawalan mo ako!”, sigaw ni Stephen.
“Wag ka nang maging O.A diyan, handsome. I like you kaya akin ka this night!”, sabi ng bakla.
Patuloy pa rin siyang kinaladkad ng malanding bading. Nagpumilit siyang makawala. Nagpumiglas siya. Akmang huhubaran na siya ng bading nang makaisip ng tiyempo si Stephen. Ginamit niya ang kanyang ubod-lakas at itinulak ng malakas ang uhaw at malanding bading saka siya tumakbo. Nagsisigaw sa galit ang bakla na tinawag siya pabalik ngunit malayo na ang itinakbo ni Stephen.
HANGGANG ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo ni Stephen kapag naaalala niya ang masalimuot na pangyayaring ‘yun sa tanang buhay niya. Kaya siguro may hatred siya sa mga bakla o homosexuals. Pero trip lang talaga niya ang bolahin at paakitin ang mga ito ngunit hindi na sa paraang s****l. He doesn’t want to be sexually involve with those homosexuals. But the challenging moment na walang pakialam si Judelo Miranda sa kanyang mapang-akit na s*x appeal ay nagtulak sa kanya upang maging mapusok. ‘Yung pangyayari sa kanya noong dalawang taon ay hindi naman rin naulit pa kailanman. Hindi naman siya gaanong na-trauma sa pangyayaring ‘yun kundi isa ‘yun sa mga basehan niya na talagang pambihira at ibang klase ang karisma niya. Stephen King Roa wants all the girls and homosexuals to be madly in love with him. He doesn’t care of them. He doesn’t care about their feelings. Ayon pa nga sa mga kaibigan niya ay makakakita rin siya ng katapat. Kung katapat naman lang ay hindi niya gusto na bakla ang magiging katapat niya. Nakakadiri nga ika niya.
Hindi na muling nag-isip pa si Stephen at nagpatuloy lamang siya sa pagmamaneho.