Chaper One

1282 Words
Dear Diary,   De joke lang.   "Likaaaaa! Asan ka?" Nakarinig ako ng malakas na sigaw galing sa baba. Si Hazey 'yun, panigurado.   Hazey Fernandez. The Artist. She pours her heart out through arts. She never talked to us about any problems. I don't know if it’s because she only express it through drawings or wala lang talaga siyang problema dahil palagi lang siyang nakangiti at nakatawa. O di naman kaya ay nakasigaw.   Lumabas ako nga kwarto at sumigaw sa may hagdan. Di kasi uso saamin yung hindi nagsisigawan. Well actually saamin lang ni Zey. "ANO?!"   "BABA KA NA! KAKAIN NA! IKAW NA LANG HINIHINTAY! ANG KUPAD-KUPAD MO TALAGA!" Kita mo 'to. Kung makapagsalita, parang hindi makupad.   "ANDYAN NA!" sigaw ko at mabilis na bumaba. Naabutan ko sila sa dining area. Nakahanda na ang mga pinggan at kubyertos. May pitsel ng juice na din. Nakaupo na silang lahat. Ako na lang pala ang hinihintay.   "Ano pa bang ginagawa mo sa taas?" Nakataas ng kilay na tanong ni Yssa.   Siya si Kylie Yssa Guerrero. The poker face. Tahimik at palaging seryoso. Minsan nga hindi mo na ma joke eh. Kakatakot kaya yan. Lalo na pag tinitingnan ka niya ng masama. Oh well, sanay naman na kami sa mga killer looks niya. Although, natural look na pala niya ‘yan.   "Nanonood kasi ako ng TVD alam mo na, di pinapalampas." Sabi ko at naupo na. Kumuha na ako ng kanin at nagsimulang kumain. Nagsandok na din sila at nagsipagkain. Talaga naman, ako lang pala talaga ang hinihintay.   "Kita mo 'yan! Mas okay pa sa kanya na magutom kesa ipagpaliban ang panonood." Sabat naman ni Zey. Eto talagang babaeng 'to! Hindi titigil kakasabat.   "Kinakausap ka?" Pambabara ko sakanya. Napatawa naman si Angela at napangiti si Yssa. Hirap patawanin niyan eh.   "Hmp!" Pagmamaktol ni Zey.   Napailing na lang ako sa sagot niya. Hindi siya makalaban eh. Barado. Ewan ko sakanila. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng biglang may tumunog na phone.       "Excuse me." Sabi ni Angela sabay tayo.   'Yun si Angela Bordones. The sensitive one. Emotera kase 'yan, akala mo naman kagandahan. Well syempre, may ganda naman talagang hindi mo inaakala. Maliit lang na bagay iniiyakan niyan. Parang akala mo bukas may mamamatay sa klase ng iyak niya.   Natapos na kaming kumain ng bumalik si Angela na umiiyak. Sabi sa inyo eh! Iyakin 'yan.   "What's wrong?" Mabilis na lumapit si Yssa sa kanya.   "Wala. Tumawag kasi si mama. Tinatanong kung kamusta tayo sa bahay natin ngayon. Sabi ko okay lang naman." Sabi niya habang nagpupunas ng luha.   Lumapit naman si Zey at ako. "Then why are you crying?" Tanong ko.   "Eh kasi..." nagsimula na naman siyang humikbi ng malakas. Niyakap na lang siya ni Zey. Hinagod naman ni Yssa ang likod niya.   "Kasi... mami-miss ko yung dati nating school. Para kasing nakakalungkot lang na iiwan na nating ang High University." Sabi niya nung tumahan na.   Bigla naman akong na guilty. Ako kasi yung rason kung bakit kami lilipat sa Stardom Academy, na apparently eh pag-aari nina Yssa.   "Sorry, Gel." Sabi ko at yumuko. Napatingin naman silang tatlo saakin. Nilapitan ako ni Yssa at hinagod ang likod ko. Tumutulo na kasi yung mga luha ko.   Mabilis ko 'yung pinunasan at humarap sakanila ng nakangiti. "Okay lang yun, Lika. Para naman sa'yo 'to eh. Para san pa at naging magbi-bestfriends tayo!" Sabi ni Zey at niyakap ako. Yumakap din si Angela at Yssa.   It's so good to have friends like them. Sila lang, kuntento na ako sa buhay ko. I won't need a boyfriend. Natuto na 'ko. Walang magandang maidudulot 'yan. You don't need a boyfriend to be happy. Basta nandyan ang mga kaibigan ko, kuntento na ako.   "Thank you guys." Sabi ko at niyakap sila pabalik.   I'm Angelika Salazar. Your worst nightmare.     -   Papunta kami ngayon sa Fernandez Condominium Tower. Maglilinis kami ng unit namin dahil sunday naman ngayon.   Habang papaakyat ay nagku-kuwentuhan kami ng may nakasabay kaming apat na lalaki. We don't know them. Tiningnan lang nila kaming apat nung lumabas na sila ng elevator. Weird.   Nung nasa floor na namin kami, lumabas na kami at nagsipasok sa kani-kaniyang unit. Ang unit ko ay kulay purple. As in halos lahat. Pati carpet ko, lavender 'yung color. Shades of purple lahat. Except sa tv at mga cabinets na kulay black.   Nagsimula na akong maglinis. From ceiling to floor. Nahirapan pa ako dun sa carpet. Ang alikabok kasi. Natapos din ako sa paglilinis ng higit kumulang dalawang oras.   Nanghihilamos ako sa banyo ng biglang may pumasok. Kinuha ko ang samurai na nakatago sa likod ng salamin sa banyo. Baka kasi kung sino. Mabuti na 'yung safe.   Lumabas ako na may hawak na samurai. Pumunta akong sala at...   "SINO KA?!"   "Ay tangina!" Sabay na sigaw nilang tatlo. Naibaba ko naman agad ang samurai ko.   "Tanginga niyo rin. Akala ko kung sino." Sabi ko sabay punas ng pawis sa noo.   "Ano ka ba naman Lika! Ba't hawak mo 'yang samurai mo?!" Nakasigaw na tanong ni Zey habang kumakain sila.   "Akala ko kasi kung sino na." Pagdedepensa ko. "Sa susunod kasi, matuto kayong mag-door bell."   "Eh sa susunod kasi, matuto kang mag-lock!" Sabay na sigaw nila. At ako pa talaga ang may kasalanan. Well, whatever.   Umupo ako sa sofa at tumabi kay Hazey. Kumuha ako sa Cheetos na hawak niya.   "Tarang Mudshake!" Aya ko sakanila.   "Tutugtog tayo?" Tanong ni Angela.   "Hindi, matutulog." Pambabara ko. "Common sense naman Angela!"   "Eh sorry naman!" sagot niya naman na inirapan ko na lang.   "Ewan ko sa'yo. Tara na!" Sabi ko sa kanila at nauna nang lumabas.     Nagsipagsakayan na kami sa kani-kaniyang sasakyan. We only have our student licenses because we are still minors.   Habang nagd-drive, napaisip ako. Paano kaya kung sa High University pa din kami ngayon? Siguro... well, andito na 'to eh. Might as well panindigan ko na lang 'to. This is my decision after all.   10pm na nang makarating kami sa Mudshake. Pumunta kami sa bar counter at kumuha ng drinks. We are only allowed to drink here because my parents own this place. At mamaya ay tutugtog na kami.   Nag-eenjoy lang kami sa tugtog ng nasa stage ng biglang tinawag ang pangalan namin. Kami na daw pala ang tutugtog.   We made our way to the stage and greeted everyone.   “Hi! We will be singing the song ‘Guardian Angel’. Hope you’ll like it.”   While singing, I'm thinking what if guardian angels can take away your pain. I will give all I have just to have that guardian angel. I will give everything just to take this pain away.   I can't live every day like this. Iniisip ko palagi, ano ba ang maling nagawa ko? Naging mabuti naman akong girlfriend, kaibigan, kaklase, naging mabuti naman akong tao. Pero bakit ganito? Bakit sa dinami-dami ng taong masasaktan, ako pa?   Natapos ang kanta at nanatili akong tulala. I just want to feel numb. I just want to not be able to feel any pain. I just want to disappear. But I can't.   Bumaba kami sa stage at inakbayan ako ni Zey. "Hey, you okay?"   Ngumiti ako sa kanya. "I'm fine, Zey."   Naupo kami sa couch malapit sa entrance. We are seated silently ng biglang bumukas ang glass door. Napako ako sa kinauupuan ko ng makita ko siya... kasama ang pinagpalit niya.   "Everything's gonna be alright." Yssa said.   "Let the battle begin." Sabi ni Zey sabay tayo. Lumapit siya kina Nate at napatingin naman ang mga ito sa kanya.   "You a--hole!" Sabay suntok kay Nate.   "We trusted you, you prick!" Sabay suntok ni Angela.   Lumapit naman sakanya si Yssa. "Sana di ka na nagpakita. Baka mamatay ka." Sabay sikmura sa kanya.   Napahawak si Nate sa tiyan niya. Tumingin siya sakin na parang nanghihingi ng tulong. I looked at him with a blank face.   Lumabas na silang tatlo at naiwan ako. Bago ako lumabas, sinampal ko muna ang babaeng tabingi ang pisngi.   "What the hell?!" sigaw niya sabay hawak sa pisngi niya.  “Nate! Kita mo yung ginawa ng ex-girlfriend mong baliw?”   Hindi siya pinansin ni Nate. Nakatingin lang siya sa akin.   Tinignan ko ng masama ang babae. "Pagawa mo na lang ulit 'yan! Ciao!" Sabay walk out.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD