PROLOGUE

366 Words
“WHAT BRINGS you here, hija?” tanong ni Ramon Riva matapos puntahan ng twenty year-old na si Stacey ang may-ari ng Riva Agency kung saan siya nakapirma ng kontrata bilang talent nito. Mahigit isang taon na siyang nasa pangangalaga ng Riva Agency. Napalunok siya. “I came here to talk about the offer, Mr. Riva.” “You mean `yung offer ko sa `yo last year?” She silently nodded. “But I thought you don’t like—“ “I have decided, Sir,” putol niya sa kung ano pa mang sasabihin nito. Napagsalikop ng matanda ang mga kamay at nangalumbaba sa harap niya. Naroon siya ngayon sa opisina nito, nakatayo at diretsong nakatingin sa may-ari ng agency. Tumangu-tango ito. “Alright. Welcome to my dark angels, Stacey. I think I must give you a client immediately.” Seryoso lang siyang nakatingin sa kausap. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. She must be disgusted and mad at herself. Pero hindi. Wala siyang pakialam. O mas tamang sabihin na wala na siyang pakialam. She would follow what her mom told her when the latter was still alive. Never ever trust any man. Kahit sino pa ang makilala niya, at kahit sino pa ang dumating sa buhay niya. She had enough. She really had enough. Maisip niya lang na magagaya siya sa kinahinatnan ng pag-ibig ng ina sa ama niyang babaero ay nandidiri na siya. She was no longer a teenager. Iyon ang patutunayan niya. Hindi na siya madaling mauto. Eh ano kung mag-isa siya sa buhay? She could handle herself. She have learned a lot from her mom who suffered from the hands of her filthy dad. Nasa ganoon silang pag-uusap nang pumasok ang isang lalaking naka-formal suit din. Sa tantiya niya ay nasa early forties na ang lalaki. “Just on time!” Mr. Riva happily exclaimed. He stood up and shook his hands with the stranger. “Stacey, this is Mr.Corpuz. And he’ll be your first client. Be good... No. Be great, alright? We’ll discuss your contract after.” Isang mahalay na tingin at nakakatakot na ngiti ang ibinigay sa kanya ng lalaking magiging unang kliyenta niya raw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD