Episode 2

2167 Words
Chapter 2 Shiena Nasa mesa kami nang tumila naman ang ulan. “Pa, nasaan na pala si Clara?” tanong ko. “Nako! Madaling araw umalis na ‘yon. Eh, tinawagan ng amo niya may emergency yata,” sabi naman ni Papa. “Pa, ako na lang ang maghahatid ng mga gulay sa bayan,” saad ni Fabio kay Papa. “Ipagpabukas na lang siguro natin, iho. Madulas ang kalsada ngayon,” sabi naman ni Papa sa asawa ko. “Baka masayang ang mga gulay Pa, kaya maganda e-deliver na agad sa distributor natin para mamayang hapon eh maibenta na rin nila,” sabi naman ni Fabio. “Eh, kung gano’n sige. Samahan na lang kita para may katuwang ka sa pagbuhat,” tugon naman ni Papa kay Fabio. Habang ako ay nakikinig lang sa usapan nila habang kumakain. “Huwag na Pa. Dito na lang kayo, napansin ko kasi na lagi na masakit ang likod ninyo kaya hayaan mo na ako na ang magbubuhat at mag-deliver sa bayan ng mga gulay. Samahan niyo na lang dito ang asawa ko,” sabi naman ni Fabio kay Papa. “Eh, kung gano’n. Oh, Sige salamat pero mag-iingat ka sa pag-drive ng tricycle, ha? Madulas pa ang daan,” paalala naman ni Papa sa asawa ko. “Mahal, sigurado ka ba na ikaw lang pupunta ng bayan? Gusto mo sasama ako?” Malambing na tanong ko sa asawa ko. “Naku Asawa ko. Rito ka na at baka mamaya bumuhos ulit ang malakas na ulan parang ‘di ka naman sanay. Eh, lagi naman ako nagde-deliver sa bayan na ako lang,” ngiti naman niyang saad sa akin. “Oh, sige basta ingat ka sa pag-drive mamaya, ha?” sabi ko. “Opo, asawa ko. Hintayin mo ako, ha? Uuwi rin agad ako. Ano ang gusto mong pasalubong ko sa 'yo?” tanong niyang nakangiti sa akinn. “Bili ka ng tinapay tapos ‘yong palaman, ha? H’wag mo kalimutan saka wala na pala tayong kape at asukal, bilhan mo na rin ako ng gatas, ha?” lambing ko sa asawa ko. “Oh, sige Asawa ko. Aalis na ako para makauwi ako ng maaga,” paalam nito sa akin. Saktong tapos na rin kami ni Papa kumain kaya inihatid namin siya sa labas. Naka-short lang siya ng 6-pocket at naka-tshirt na may punit-punit pa. Kahit ganoon ang suot niya ay ‘di pa rin nababawasan ang kaguwapuhan niya. “Hintayin mo ako Asawa ko, muaaaaah!” sabay halik niya sa akin at nagpwesto na sa trycicle na puno ng gulay. “Mag-ingat ka, Mahal!” sabi ko pa at nag-wave sa kaniya. “Ingat sa pagmamaniho, Iho!” paalala naman ni Papa. “Opo, Pa! Alis na ako, bye!” saka nagkaway pa sa amin ni Papa. Pag-alis ni Fabio ay pumasok na si Papa sa loob. Ako naman ay naiwan. Tanaw ko ang asawa ko na papalayo. Nang ‘di na siya naabot ng mga mata ko saka ako pumasok sa bahay at nagwalis. Nagligpit ako ng mga damit ko sa aparador para bigyan ng space ang mga damit ni Fabio. Kinuha ko iyon sa kuwarto niya at inilagay sa kuwarto ko. Gusto ko maayos na ang mga gamit niya para pagbalik niya ay okay na ang lahat para makapagpahinga na lang siya kapag dumating siya galing sa bayan. Sa subrang pagod ko ay nakatulog ako. Tanghalian na ng magising ako. Paggising ko ay may nakahanda ng pagkain sa mesa. Naabutan ko pa si Papa na nagsasandok ng ulam. “Gising ka na pala, Iha. Kumain na tayo lampas alauna na ng tanghali,” sabi pa ni Papa sa akin. “Si Fabio, Pa? Wala pa ba?” tanong ko. “Wala pa Iha, eh! Baka may binili pa,” sabi naman ni Papa. “Pero kanina pa ‘yon Pa. Dapat alas-onse narito na siya,” sabi ko kay Papa. “Eh, baka mabagal lang ang pagpatakbo niya kasi madulas ang daan,” ani Papa. Napabuntong hininga na lang ako. Maya-maya ay bumuhos ulit ang malakas na ulan. “Nako, malamang Iha. Baka maulan pa sa bayan at baka nagsilong muna ang asawa mo,” sabi pa ni Papa nang makita na malungkot ako. “Siguro nga Pa, baka nagsilong muna siya,” wika ko at pinakalma ang sarili ko at kumain na. Maya-maya pa ay tumila na ang ulan pagkatapos namin kumain ay nag-aabang ako sa labas. Inaabangan ko ang asawa ko na dumating, ngunit mag-alasingko na ng hapon ay wala pa rin si Fabio. Lumapit naman sa akin si Papahabang nasa tabi ako ng kalsada . “Iha, roon ka na sa loob at magdidilim na,” sabi nito sa akin. “Pa, bakit wala pa rin si Fabio?” kinakabahan kong tanong kay Papa. “Baka maya-maya darating na ‘yon, Iha. Rumito ka lang muna sa bahay at pupunta ako sa kabilang baryo para makahiram ng pantawag kay Pareng Romil at maghingi na rin ako ng tulong kapag hindi pa makauwi si Fabio. Pupuntahan ko na siya sa bayan,” sabi pa ni Papa. Nanlabo naman ang mga mata ko saka tumulo ang mga luha ko. “Papa, kinakabahan ako. Baka may masamang nangyari kay Fabio,” iyak ko ng sabi kay Papa. “Shhh, Iha h’wag ka na umiyak. Sige na at hintayin mo ako rito babalik din agad ako,” pang-aalo naman ni Papa sa akin. “Pa, sama ako. Gusto ko malaman kaagad kung saan na si Fabio,” sabi ko kay Papa. “Iha, rito ka na lang at baka mamaya dumating si Fabio at walang tao ang bahay,” sabi naman ni Papa sa akin. Hindi na ako nagpumilit pa na sasama baka nga naman at dumating si Fabio at wala ako rito sa bahay, kaya pag-alis ni Papa ay nagsaing na lang ako at nagluto ng panghapunan namin para mamaya. Para pagdating ni Fabio ay makakain na siya kaagad at sigurado gutom na iyon. Makalipas pa ang ilang oras ay wala pa rin si Fabio, madilim na ang paligid. Nag-abang ako sa pintuan pero si Papa ang nakita ko. Sinalubong ko siya agad sa labas. “Pa, kamusta? Nakatawag ka ba sa distributor natin ng mga gulay?” agad kong tanong sa kaniya. “Bakit lumabas ka pa? Pumasok ka na at mahamog dito sa labas mamaya magkasakit ka pa.” utos naman ni Papa sa akin. Pumasok kaming dalawa sa loob ng bahay at naupo ako sa upuan na yari sa kawayan. “Wala pa rin ba si Fabio?” tanong naman ni Papa. “Wala pa siya. Pa, sagutin mo ‘yong tanong ko. Natawagan mo ba si Mrs. Reyes?” tanong ko ulit kay Papa. Si Mrs. Reyes kasi ang sinu-suplayan namin ng mga gulay. “Natawagan ko si Mrs. Reyes, pero kanina pa raw umuwi si Fabio bago mag alas-dos,” sagot ni Papa. Lalo akong kinabahan sa sinabi niya sa akin. “Eh, nasaan na siya, Pa? Bakit wala pa siya? Gabi na, oh!” kabado kong saad kay Papa habang naiiyak na ako. “Teka lang at puntahan namin siya ni Pareng Romil. Magpapasama ako baka ano na nangyari roon sa batang iyon?” pag-alala naman ni Papa. Mas lalo ako napaiyak sa sinabi ni Papa. “Papa, baka ano na ang nangyari kay, Fabio? Dapat kanina pa siya narito.” sabay yakap ko kay Papa habang umaagos ang luha. “Shhh, walang mangyayaring masama kay Fabio, Iha. Pangako pagbalik ko kasama ko na si Fabio na ligtas,” sabi naman ni Papa na pinapalakas ang loob ko. Maya-maya pa ay umalis ulit ito para hanapin si Fabio. Magpapasama siya kay Mang Romil at sa iba pa nitong kakilala. *** Lumipas pa ang ilang oras ay maghahating gabi na. Hindi pa rin nakabalik si Papa. Nakaidlip na ako at nagising na lang ako na may kumakatok sa pintuan, dalidali nama akong bumangon. Baka si Papa na iyon at si Fabio, alas-tres na ng madaling araw. Dalidali ako nagtungo sa pintuan para buksan ito pero sa halip na si Fabio at Papa ang makita ko ay dalawang mga pulis ang nasa pintuan at ang kumpare ni Papa na si Mang Romel. “Kayo po ba si Shiena Marie Del Monte?” tanong ng isang pulis sa akin. “Opo Sir, ako po, Bakit ho?” kabado kong tanong sa mga kaharap ko ngayon. Si Mang Romil naman nakayuko lang ito. “Ikaw ba ang anak ni Luciano Del Monte?” tanong pa ng isang pulis. doon ay lalo akong kinabahan. “Ako nga po, nasaan si Papa, Mang Romil? Nasaan si Papa? Bakit hindi niyo siya kasama? 'Di ba magkasama kayo na naghanap kay Fabio? Nasaan na silang dalawa?” hestirical ko tanong sa kanila. “Iha, paumanhin pero nasa purenarya ngayon ang Papa mo, patay na siya.” Sabi ng isang pulis. Napanganga ako at natulala sa sinabi ng pulis.. “Anong… Anong pinagsasabi mo? Hindi magandang biro 'yan1” Utal-utal kong sabi sa pulis na umaagos ang luha. “Shiena, patay na ang Papa mo, patay na si Pareng Luciano.” mahinang sabi ni Mang Romil. Para akong binagsakan ng langit sa narinig ko mula sa mga kaharap ko. “Hindi totoo 'yan! Pinagloloko n’yo akong lahat!” Sigaw ko at parang akong kandila na unti-unting nauupos. Napaupo ako at napahagulhol ng malakas. “Hindi totoo 'yan! Sabi ni Papa uuwi sila ni Fabio magkasama, kaya hindi totoo ‘yan,” hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. “Iha, puntahan mo na lang ang Papa mo sa purinarya sa bayan, kung gusto mo sumabay ka na sa amin,” sabi pa ng isang pulis. Kahit na hindi ako makapaniwala ay kusang naglakad ang mga paa ko sa sasakyan ng mga pulis. Sinamahan na rin ako ni Mang Romil, kaya habang nasa patrol kami ay sinabi sa akin ni Mang Romil ang nangyari. “Iha, habang naghahanap kami kay Fabio, nakita namin ang tricycle ninyo sa gilid ng bangin. Hinanap namin si Fabio, pero nakita na lang namin sa isang kahoy ang isang tsinelas ni Fabio na nakasabit doon. Ang trycicle naman sumabit sa isang puno sa bangin at nakita namin itong bracelet ni Fabio,” ani Mang Romil saka inabot naman ang bracelet ni Fabio sa akin at lalo akong nanghina at patuloy na umagos ang mga luha ko. “Anong ibig sabihin nito? Nakita n’yo ba si Fabio?” mahina kong tanong. “Hindi Iha, pinaimbistigahan na rin namin sa mga pulis ang nangyari pero sabi ng mga pulis malamang daw ay nahulog na si Fabio sa bangin at marahil ay wala na rin ito dahil wala ng mabubuhay pa sa masukal na kagubatan sa bangin na iyon. Marahil ay pinapak na ng mababangis na hayop ang katawan niya.” Salaysay pa ni Mang Romil sa akin. “Imposible pang mabuhay ang tao na nahulog sa malalim na bangin na iyon.” “Hindi totoo 'yan! Buhay pa si Fabio. Nararamdaman ko buhay pa ang asawa ko, Mang Romil. Buhay pa si Fabio,” saka humagolhol ulit ako. “Si Papa, anong nangyari kay Papa?” tanong ko ulit. “Nang malaman niya na patay na si Fabio ay bigla na lang sumikip ang dibdib niya. Tapos bigla na lang siya natumba. Dinala pa namin s’ya sa hospital pero dead on arival na siya sabi ng doktor.” sagot naman ulit sa akin ni Mang Romil. Lalo namam ako napahagulhol sa narinig. Yakap-yakap ko ang bracelet ni Fabio. Ito na lang ang isang bagay na naiwan sa akin. Nang makarating kami sa purenarya ay doon lalo akong humagulhol. Wala na si Papa pati si Fabio wala na rin. Paano ko haharapin ang lahat na mag-isa? Isang-araw lang parehong nawala ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Parang dinurog ang puso ko. Sana panaginip na lang ang lahat at sa paggising ko ay nand’yan na ulit sila sa tabi ko. Inasikaso ko ang libing ni Papa. Kasama ko si Tita Luciana at Clara. Hindi ko na pinatagal ang burol kaya ang kunting naipon namin ‘yon ang pinanggastos ko sa burol at libing ni Papa. Pati na rin si Fabio ay pinagburol na rin namin kahit na hindi namin nakita ang katawan niya dahil malabo na rin na makita pa namin iyon dahil sa lalim ng bangin na pinaghulugan niya. Tanging isang pares na lang ng tsinelas niya ang inilibing namin sa tabi ni Papa at nilagyan ng lapida ang parehong libingan nila. Luciano Del Monte. Fabio Henderson. Ang nakasulat sa puntod nila. Sa Isla Del Monte ko sila inilibing malapit sa bahay namin at sa Rest House na ginawa ni Fabio. Hindi naman ako pinabayaan ni Tita Luciana habang si Clara naman ay lagi akong dinadalaw sa bahay. Sa bahay na rin tumira si Tita Luciana para may kasama ako at may kasama rin siya kapag wala si Clara. “Pinsan, magpakatatag ka. Narito lang kami ni Mama,” sabi pa sa akin ni Clara na yakap-yakap ko ang larawan ni Papa at bracelet ni Fabio. Wala man lang kaming larawan ni Fabio kahit noong ikinasal kami. “Paano ko ‘to haharapin lahat, Clar? Paano na lang ako? Pareho silang nawala sa akin sa isang araw lang. Bakit ang lupit ng langit sa akin? Kahit isa wala man lang siyang itinira sa akin? Bakit pareho niyang kinuha sa akin ang dalawang lalaking mahalaga sa akin? Bakit Clar?” pighati kong tanong sa pinsan ko. “Shhhh... Nandito lang kami ni Mama, tutulungan ka namin makalimot,” pagpapahinahon naman ni Clara sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD