"Hello good morning ma'am How can I help you" nakangiting sabi ng babaeng nasa harap niya, saglit nitong itinigil ang ginagawa ng mapansin siya. "pwede ko po bang makakuha ng appointment Kay CEO James Del Castillo," Kay madam sec po kayo makakakuha ng schedule, nasa 20th floor po makikita nyo ang office nila," sabay turo sa daan papuntang elevator "thanks po" tugon niya dito. kinakabahan siyang pinindot ang number 20, at habang tumataas ang elevator ay bumibilis ang pintig ng kanyang puso, "kalma lang we can do this anak"Sabi niya sa sarili, hawak hawak niya ang mag-pipitong buwan na tiyan, pinapanormal niya ang lahat at dahan dahan sa paglalakad, medyo kumalma siya sa paghanga sa ganda ng view ng design at proper ventilation ng building, napakahusay ng architect sa pagkakagawa ng layout,

