CHAPTER 32 “Sige! Iputok mo. Barilin mo kami ng maraming nakakasaksi at tignan natin kung sinong makukulong. Tignan natin kung saan ka pupulutin!” pasigaw na sagot ni Gelo. Kahit kinakabahan siya, hindi niya iyon ipinahalata. Hindi niya dapat ipahalatang takot siya. Gusto niyang magkaroon si Alyana ng tiwala sa kanya. Natigilan ang tauhan ni Daniel. Umiling. Tinignan niya ang mga taong nakatingin sa kanya sa paligid. Ang iba’y kinukunan pa siya ng video. Ibinaba niya ang kanyang baril. “Hindi ninyo kami matatakot. Hindi ako kailanman matatakot sa inyo! Hindi ninyo kami madadaan sa ganyan.” “Alyana, please. Magkaroon ka ng isang salita do’n kay Daniel na pinangakuan mo,” sabi ni Berting. Ilang dipa na lang ang layo nito sa kanila. Humarang din ang isang tanod sa dadaanan nila. Mabil

