CHAPTER 43 “Sir! Sir! Kayo yung nagdala doon sa babaeng may mga sugat na walang malay ano?” tanong ng guard kay Gelo na kanina pa tapos magmiryenda pero hindi pa bumabalik sa loob ng hospital. Sinadya pa siya ng security guard sa labas. Ang pagtatanong ng security guard na iyon sa kanya ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Saglit niyang pinuputol ang alaala ni Alyana. May dinala siya sa hospital na hindi niya kilala ang kailangan pala niyang asikasuhin muna. Tumayo siya. “Bakit ho?” “May tama ho kasi ng bala ang dinala ninyo rito. Gusto kayong makausap ng Doctor at may mga pulis rin hong magtatanong at mag-iimbestiga.” Kinabahan si Angelo. “Wala akong kinalaman diyan ha. Nagmalasakit lang akong dalhin yung pasyente rito kasi sa dalampasigan sa likod bahay siya nasadsad. Alangan na

