BAYAD

2268 Words

Chapter 34 Iyon ang unang pagkakataong sumakay ng bus si Gelo. Unang beses na makapunta ng Batangas at bumiyahe ng Manila. Lahat ng karanasan ay bago sa kanya. “Paki-text mo si Tito na kunin niya yung motor niya na iniwan ko sa piyer. Sabihin mo na kay Dino yung susi ng motor. Guard siya kamo ng kuhaan ng ticket.” “Sige, i-text ko na siya.” “May alam ka na ba kung saan tayo tutuloy?” tanong ni Gelo kay Alyana habang nagte-text na si Alyana.. “Wala pa.” “Kung kokontakin ko kaya si Kuya Zanjo.” “Makikituloy tayo sa kanila? Hindi ba nakakahiya?” “Habang naghahanap lang tayo ng matitirhan. Pansamantala lang sana. O baka may alam siyang paupahan na uupahan muna natin.” “May number ka o address niya?” tanong ni Alyana. Binunot ni Gelo ang papel kung saan nakasulat ang address ni Zanjo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD