Chapter 60 “Sir, pakibilisan pa ho. Wala nang malay si Gelo! Please sir.” Humahagulgol na pakiusap ni Alyana. “Malapit na tayo. Papasok na tayo sa hospital.” Ninenerbiyos na sagot ng kanilang guro. Naramdaman ni Alyana ang paghinto ng sasakyan. Binuksan ni Sinong ang pinto at bumaba siya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa loob ng hospital para sabihing may emergency. Hindi na rin nagsayang ng oras ang mga tiga hospital. Binuhat nila si Gelo at dahan-dahang inilipat sa emergency stretcher. Hindi makahinga sa iyak si Alyana nang makita niyang parang hindi na humihingang si Gelo. Sumunod si Alyana. Hinawakan niya ang kamay ng noon ay wala nang kahit anong bakas ng lakas na si Gelo. Walang laman ang utak niya noon kundi yung takot na baka wala na ang kanyang pinakamamahal. Sobrang lakas

