Chapter 46 Mabilis niyang hinila si Alyana pabalik sa kung saan sila galing para makapagtago ngunit saan sila bababa? Saan naman sila pupunta? “Alyana! Gelo! Sandali lang!” Boses iyon ni Daniel mula sa likod nila. “Alyana! Huwag mo akong piliting barilin at patayin si Gelo dito! Tumigil kayo!” “Huminto na tayo, Gelo. Baka barilin ka niya.” “Hindi. Huwag kang huminto! Hindi niya ‘yan magagawa.” “Pero Gelo...” hinila niya si Gelo. Walang magawa si Gelo kundi ang huminto. Iniharang ni Alyana ang kanyang katawan kay Gelo. Niyakap ni Gelo si Alyana mula sa kanyang likod. Kahit anong gawin niyang hawiin si Alyana para hindi ang katawan nito ang isangga ngunit hindi pumayag si Alyana na gawin iyon ng binata. “Kung babarilin mo si Gelo, barilin mo na rin ako, Daniel. Patayin mo na rin ako

