KAKAMPI

1535 Words

CHAPTER 67 Hindi na siya nagpumilit. Nakaramdam siya ng panghihina. Naghanap ng sandaling mauupuan. Doon ay pinagsaklob niya ang aking mga palad. Yumuko at hinayaang umagos ang luha. Isinabay niya ang pagdadasal sa pamamaalam kay Gelo. Tama nga sigurong hindi pa napapanahon. Naisip niyag siguro hindi pa ito ang tamang pagkakataon para sa kanilang dalawa ni Gelo. Pero ipinagdadasal niya lang na sana magising pa si Gelo. Sana ligtas siya sa kamatayan. Bigo siya sa pangako niyang hindi niya siya iiwan ngunit sana paggising ni Gelo, si Gelo na mismo ang magsasabing dapat si Alyana ang nasa tabi niya at hindi lang ang kanyang pamilya. Sana si Gelo na mismo ang maghahanap muli sa kanya. Isa lang ang nasa isip ni Alyana, habang nabubuhay si Daniel, hindi sila kailanman magiging masaya ni Gelo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD