Chapter 8
Hindi alam ni Angelo kung paano makakaapekto ang pagtanggap niya sa kalagayan nila ni Alyana na may iba pa ang dalaga bukod sa kanya at yung sa kanila ang itinatagong relasyon. Hindi ganoon kadali para kay Angelo iyon. Ang tagging iniisip na lang niya ay siya naman talaga ang mahal ni Alyana. Sila rin naman ang madalas magkasama.
Ang nangyaring iyon ang naging simula ng bawal ngunit masarap na ugnayan nilang dalawa. Para kay Gelo, lahat ay unang karanasan kahit alam niyang hindi siya ang unang karanasan ng dalaga. Mahalaga sa kanya na siya sana ang unang halik ng dalaga, unang kasama sa unang pagtatalik at unang pag-ibig ngunit hindi iyon nagging posible. Kahit sinasabi niya sa sarili niya na tanggap na niya ang sitwasyon nila ni Alyana, hindi pa rin siya mapalagay paminsan-minsan. Hindi mapakali. Hindi niya alam kung paano ko niya sasabihin kay Alyana na sana siya na lang. Na kaya niyang tustusan ang pag-aaral ni Alyana sa Manila. Na kaya niyang magtagumpay. Na kaya niyang ibigay ang buhay na gusto ni Alyana. Na yayaman din siya. Ngunit paano? Alam ni Alyana na imposible iyong mangyari lalo pa’t isang kahig at isang tuka lang naman siya at hindi rin naman siya matalino sa klase. Oo, madiskarte siya ngunit hindi siya matalino sa school. Hindi kagaya ni Alyana na lagging first honors. Siya? Sakto lang. Pasang-awa nga lang siya madalas.
Hindi pa rin kasi niya naririnig kay Alyana na makuntento siya sa kung anong buhgay lang ang kaya niyang ibigay sa binata. Hindi niya narinig na sinabi niyang pipiliin na siya at iwan na si Daniel, na mahal siya nito at kaya nitong talikuran ang lahat. Maliban na lang syempre noong nagtatalik sila. Pero malay ba niya kung seryoso siya noong sinabing siya ang pakakasalan at hindi si Daniel. Baka kasi nasabi lang niya dahil sa libog. Dahil nasa gitna sila ng kakaibang sarap at saya. Gusto niyang mag-aminan at mag-usapa sila nang masinsinan at hindi yung saka lang lumalabas ang mga pangakong iyon sa tuwing nagtatalik sila Sabi kasi ng teacher nila sa Filipino, may mga sinasabi raw ang tap na di natin talaga seryoso lalo na kapag masaya, malungkot o galit. Kaya baka lang sa sobrang saya, nasabi lang iyon ng dalaga sa kanya. Hindi na rin kasi siya sigurado kung mahal talaga siya ni Alyana, yung pagmamahal na kaya niyang bitiwan si Daniel para sa kanya. Kagaya ng kaya niyang i-give up at harapin ang lahat para sa dalaga. Ngunit nang mga sandaling iyon para sa akin na bubot pa ang katawan at pag-iisip at nag-eenjoy na lasapin ang mga bagong diskobreng kakaibang sarap ng nagbibinata ay hindi na rin muna niya binibigyang halaga ang bulong ng kanyang puso. Hindi na muna niya in-entertain ang kanyang mga balisa at takot. Basta ang tangi lang niyang alam ay masaya siya.
Malaki na ang ipinagbago ni Angelo. Lalo siyang nagging agresibo. Lalong nagiging masipag para makita ni Alyana na nagsisikap siya nang husto. Gusto rin niyang iparamdam sa alaga na hindi libog lang ang habol niya. Na porke nagawa na nila nang minsan iyon ni Alyana ay pumapayag na siya na palagian na lang nila iyon gagawin. Magaling siyang kumontrol. Gusto niyang si Alyana ang mag-aya, ang mabibitin. Gusto niyang maramdaman ng dalaga na nirerespeto niya ito. Naiintindihan kasi niya na si Alyana ang talo kung sakaling makalimot sila at mabuntis niya ito ng wala sa oras. Natatakot pa rin naman siyang makabuntis lalo pa’t high school pa lang sila. Alam niyang hindi pa talaga niya kayang panindigan si Alyana dahil wala pa nga siya sa tamang edad para maging ama at may mga kapatid pa siyang kailangang arugain at suportahan.
Sabay pa rin silang pumasok ni Alyana, sabay magmiryenda at sabay sa lahat halos ng bagay hanggang sa pag-uwi ng bahay. Kung dati nangingisda lang siya, nagba-basketball, nagtatanim ng gulay sa likod bahay, inasikaso ang mnga kapatid, ngayon may oras na rin siyang tulungan si Alyana sa mga gawaing bahay nito lalo na kapag abala ang mga magulang ng dalaga sa negosyo nila sa palengke. Ayaw niyang napapagod si Alyana nang husto at nahihirapan. Minsan kapag sinuwerte kapag nakatakas si Alyana sa bahay nila, sa kaniya rin natutulog ang dalaga na hindi alam nita Beting at Brenda. Ngunit kung nagagawan naman ng paraan at name-miss niya ang dalaga, siya ang pumupunta sa dalaga ng alas dos ng madaling araw. Minsan nga nagigising na lang siya kapag biglang yayakap ang dalaga sa kanya ng madaling araw. Sisiksik ang dalaga sa dibdib niya at ikukulong naman niya ito sa mga bisig niya hanggang muli silang igupo ng antok. Kapag si Angelo ang pumupuslit na pupunta sa kay Alyana ay siya ang yayakap nang mahigpit. Hahalikan niya ang dalaga sa labi hanggang sa matulog uli silang dalawa. Hindi lang s*x ang habol nila sa isa’t isa. Kahit walang mangyari sa kanila, kahit hindi sila magpalabas, mahalagang naipapadama nila ang kanilag tunay na pagmamahal sa’t isa. Kahit mga ilang minuto o ilang oras lang iyon dahil ayaw rin naman nilang mahuli sila ng mga magulang ng dalaga ang kanilang tagong relasyon. Hindi sila dapat magpahuli dahil lalong gugulo ang kanilang sitwasyon. Madaling araw bago pa magising ang mga magulang ni Alyanaay ginigising na niya ang dalaga o ginigising siya ni Alyana para umaalis sa kuwarto ng isa sa kanila.
Minsang suspended ang pasok nila sa hapon ay sabay silang umuwi. Niyaya niya si Alayan na gumala at huwag na munang dumiretso sa kani-kanilang mga bahay. Ang sabi niya kay Alyana ay may pupuntahan sila. Gusto niyang dalhin doon ang dalaga kasi minsan nakita niya ang ganda ng lugar na iyon nang minsang naligaw siya sa kanyang pangingisda. Alam niyang magugustuhan ni Alyana ang lugar.
Nagtaka man si Alyana ngunit hindi na siya nagtanong pa kung saan. Tiwala siya sa binata at saka alam niyang kahit saan siya dadalhin ay nasisiguro kasi niyang kaya siyang protektahan ng binata. Ilang minuto rin silang naglakad hanggang sa nakarating sila sa dalampasigan.
“Saan ba talaga tayo pupunta?” tanong ni Alyana kay Gelo.
“Doon sa islang iyon oh? Nakikita mo ba?”
“Hindi ba delikado roon? Sabi nila marami raw ahas kasi masukal ang gubat doon.”
“Sabi lang nila kasi may magandang tanawin doon na pinoprotektahan nila. Puti ang buhangin doon. Marami na ngang turista ang pumupuslit pumunta roon sa umaga eh.”
“Seryoso ka ba?” tanong ni Alyana.
“Oo. Hiniram ko ang motor ni Tiyong Edwin na kapatid ni Papa. Iyon ang gagamitin natin.”
“Kinakabahan ako...”
“Natatakot ka ba? Kasama mo ako. Saka sasakay naman tayo ng bangkang de motor hanggang doon eh.”
“Sige. Bahala ka ah. Ikaw ang mangatwiran kina Nanay at Tatay kapag pinagalitan tayo.”
“Akong bahala sa kanila. Uuwi rin naman tayong maaga,” sabi ni Gelo.
Dahil hindi sanay sa buhay dagat si Alysa ay si Gelo lang ang nagsagwan hanggang sa pwede nang paandarin ang motor. Ligtas naman silang nakadaong sa islang bihira ang pumupuntang local at turista dahil sa mga kung anu-anong kuwento na marami raw nawawala kapag pumapasok sa masukal na gubat nito. May nagsasabi kasing may maligno. Iba sinasabi ring marami ring makamandag na mga ahas. Ngunit tinanggal ni Gelo ang takot na iyon sa dibdib ni Alyana. Nakita ni Gelo na nasusugatan si Alyana sa talas ng mga dahon ng matataas na damo. Halos walang katapusang masukal na gubat na ang tinatalunton nila.
Sa pagod at init ay hindi na niya napigilan ang sariling magtanong kay Alyana. "Sa'n ba talaga tayo pupunta? Pagod na pagod na ako!"
"Gusto mo bang magpahinga na muna?”
“Pwede ba? Halos tatlumpong minuto na tayong naglalakad eh. Malayo pa ba?” Nagkamot si Alyana. Namumula na ang mga braso ni Alyana dahil sa kinakati na ito sa mga matatalas na matatangkad na damo na sumasagi sa manipis at maputi nitong kutis. Pati mukha ng dalaga namumula na rin , dahil hindi rin naman sanay na maarawan bukod sa likas niyang kaputian. Kaya nga kahit konting kamot, bumabakat iyon at namumula.
"Promise malapit na malapit na tayo. Kapag nandoon na tayo, lahat ng pagod mo, mawawala. Tiis ka na lang muna ha?" sabi ni Gelo.
"Kanina mo pa sinasabing malapit na lang eh." pagmamaktol ng dalaga.
"Halika ka. Hawakan mo ang kamay ko. Malapit na talaga tayo kaya ipikit mo lang ang mga mata mo hanggang sabihin ko sa iyong ididilat mo, deal?"
Hindi na lang sumasagot pa si Alyana nang bigla niyang inilagay ang kamay niya sa bisig ng binata. Hinawakan ni Alayana ang kamay ni Gelo na noon ay nakahawak sa bisig niya. Alam ni Gelo na pagod na pagod na si Alyana ngunit hindi na niya ito kinaringgan na umuwi na sila. Hindi ito sumusuko. Si Alyana, maganda ngunit walang arte sa katawan . Yung parang hindi niya alam na ganoon talaga siya kaganda.
Dinig na ni Axel ang paghingal ni Alyana. Ang mga malalalim na hiningang iyon ay tumatama iyon sa sa mukha niya kaya naamoy niya ang mabangong hininga ni Alyana. Tinitigan niya ang pawisan ngunit napakagandaang mukha ng dalaga. Hinaplos niya iyon.
"Di ba sabi ko sa iyo pumikit ka lang?" sabay halik niya sa labi ng dalaga.
"Eh bakit ka kasi nanghahaplos at nanghahalik?" Nakangiting sagot ni Alyana.
" Kapag ikaw di pa pumikit itutulak na kita."
"Ang dami mo kasing kaartehan. Kapag ako nadulas o kaya bumangga sa mga punungkahoy ha."
“Hindi ‘yan. Trust me. Ano? Pikit na!"
"Nakapikit na po!"
“Sandali, may panyo nga pala ako rito. Ito na lang ang ipipiring ko sa’yo.” Inilabas na ni Gelo ang kanyang panyo.
Huminga nang malalim si Alyana. Pagod man siya ngunit kailangan niyang habaan ang kanyang pasensiya.
“Kailangan pa ba talagang piringan mo ako.”
“Oo nga para surprise.”
“Sige na nga.” Huminto si Alayana. Pumikit. “Sige na. Piringan mo ako. Sasakyan kita sa trip mo.”
Piniringan na siya ng binata. Inilagay niya ang kamay niya sa braso ni Gelo. Nakaakbay siya sa sa binata.
Dahan-dahan siyang inalalayan ni Gelo na naglakad. Pinagkatiwalaan niya ang binata na hindi siya madadapa o babangga.
"Ano? Malapit na ba? Tatanggalin ko na ang piring ko?" paninigurado niya.
"Huwag muna. Aayos muna ako ng puwesto,” sabi ni Angelo.
Hawak niya ang dalawang kamay ni Gelo. Sinunod niya ang gusto ng binata na dapat nakapikit pa rin siya. Niyakap siya ni Gelo sa likod niya. Nakadantay ang baba ng binata sa balikat niya. Hinalikan siya sa puno ng tainga niya sabay sabing...
"Mahal na mahal kita, Alyana. Sana naramdaman mo iyon. Bago ka dumilat. Gusto kong pag-aralan mong mabuti kung ano ang tinitibok nito sa akin. Alam kong weird na tanggap ko kahit pa may Daniel ka pero gusto ko lang din talaga malaman mong kaya kong tiisin ang lahat kasi mahal kita. Mahal na mahal kita at ikaw lang talaga ang tinitibok nito," Kinuha ni Gelo ang kamay niya at inilagay niya sa dibdib niya. “Napag-isipan mo na ba? Napag-aralan mo na ba na sana ako lang, ako lang at wala na sanang iba pa?”
"Mas maganda sanang naghintay ka muna ng kahit ilang minuto. Ako sana ang kusang magsabi niyan sa’yo. Ako sana ang magtatanong at hindi ikaw sa akin. Kung sa kabila ng kalandian ko ay tanggap mo ako. Pero dahil atat ka, sasagutin kita. Oo, Gelo, mahal na maha kita. Hindi ko kailangan pang isipin kung ikaw lang kasi ikaw lang naman talaga ang nasa puso ko. Batid mong mahal kita noon pa.”
“Ngayon, matanong kita, paano si Daniel kung ako lang pala ay sapat na? Sasabihan mo na bang itigil na niyang kalimutan ka na niya kasi meron ka ng minamahal?"