CHAPTER 174 Kainaman, naisara na ni Alyana ang pintuan at bago pa man nagpaputok si Daniel ay naitulak na niya ag pinto at mabilis na rin niya itong naikandado. Ganoon pa man, tumagos pa rin naman ang bala at tinamaan si Alyana. Nanginginig na siya lalo na nang naramdaman na niya ang pagdaloy ng dugo. Inapuhap niya ang kanyang tainga. Ramdam niya kasi na iyon ang tinamaan. Mukhang hindi siya inasinta ni Daniel. Natamaan lang siya o nahagip dahil sa gumalaw siya. Ngunit mali pa ring nagpaputo siya. Ppaano kung sa ulo siya tinamaan? Konti na lang kasi talaga tatamaan na siya sa ulo eh. “Alyana! Alayan ano ba!” kinatok niya ang pinto ngunit walang balak si Akyana na pagbuksan siya. “Tang-ina! Alyana! Buksan mo ito! Hindi ako titigil hangga’t hindi kita makuha ngayong gabing ito! Buk

