Chapter 20

3209 Words
"Huwag kang tumulala." Sabi niya sa akin ng pasungit. "At least say something." "Anong sasabihin ko?" Hay. Lutang talaga feeling ko. Naririnig ko naman siya pero hindi ko siya ma-gets na ewan. Bakit ganito? Para akong nasa ulap. Sana naman hindi panaginip 'to dahil kung hindi, magwawala talaga ako. "I just said I like you, too." She says smoothly like it's just natural for her to say those words. Nagpakitang gilas na naman ang puso ko at kaagad na bumilis ng triple ang t***k. Hindi ba talaga ako nananaginip? Seryoso? First ever confession ko, hindi rejected? "Paki-pinch naman ako." I reply instead, "Kapag ito panaginip lang, magwawala talaga ako." She smiles like a kid. "Baliw ka talagang bata ka." "Hindi ako bata." I pout my lips childishly. "Kurutin mo na kasi ako! Baka mamaya tulog pa pala ako tapos magigising ako na gagala pa lang pala tayo. Hindi ko na kaya ulitin yung confession ko, 'no!" "Hindi ka nananaginip, East. Huwag mo akong gawing panaginip." "Seryoso?" tanong ko, "Ang hirap maniwala." She smiles while shaking her head like I'm a hopeless case. Para kasing masyadong madali ang lahat. Ewan ko, feeling ko kailangan ko ng proof na hindi 'to part lang ng imagination ko. Lucy doesn't know how much I dreamed of this. Ni hindi ko rin alam na capable ako na makaramdam ng ganito. "Gusto mo talagang malaman kung panaginip 'to o hindi?" tanong niya. Tumango naman agad ako. "Okay." Akala ko kukurutin na niya talaga ako nang hawakan niya yung braso ko. Hindi na ako halos nakapag-react nang ihiga niya ako sa kama. Bago pa ako makapagsalita ay bigla na lang niya ulit akong hinalikan. And again, naramdaman ko na naman yung softness ng lips niya. Pasimple kong nilanghap ang natural scent ni Lucy na mas lalong nakapagpabaliw sa sistema ko. Natanga ako ng ilang segundo. Si...si Lucy ba talaga 'to? Bakit ang lakas ng loob niyang halikan ako samantalang todo pigil ako sa sarili? Hindi naman sa ayoko nito, I love it pa nga, eh. Naa-amaze lang ako sa pagiging confident niya. Iba pala ang kiss, nakakasira ng katinuan. "Ouch!" Naitulak ko siya ng kagatin niya yung lower lip ko. "Bakit ka nangangagat?" "Masakit?" "Masakit? Siyempre!" Dinilaan ko yung lower lip ko. Feeling ko nagsugat yung kagat niya kahit wala akong malasahang dugo. Grabe 'tong babaeng 'to. "Bad ka!" "Akala ko ba gusto mong malaman kung panaginip 'to o hindi?" May bahid ng panunukso sa boses niya. "Ano?" Sinimangutan ko siya. "Bakit ang mean mo ngayon? Tapos ang aggressive mo pa." Sabi ko na lang. Ngayon alam ko nang totoo talaga 'to. Nagkibit siya ng balikat. "Masaya lang ako. Akala ko talaga one-sided lang nararamdaman ko." "Ibig sabihin matagal mo na akong gusto?" Nangingiti kong tanong. Parang hinahalukay yung tiyan ko na ewan. Kung kilig 'to, parang ayokong kiligin ng sobra. Nakakakiliti na hindi ko malaman, eh. Pero, aww, hindi ko ine-expect 'to. "Secret." She hushes. Hinawakan niya yung lower lip ko habang nasa ibabaw ko pa rin siya. "Sobrang sakit pa ba?" Umiling ako. Hindi ako makapagsalita. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Bakit ganoon? Bakit parang mas nahuhulog ako? Why does she have to be so sweet? Nas-speechless ako ng sobra, eh, hindi naman ako usually ganito. Humiga siya sa tabi ko. Tinitigan ko siya habang nakatulala naman siya sa kisame ng kwarto. Napatingin ako sa wall clock sa right side ng pintuan ni Lucy. Quarter to eight na pala ng gabi. Ang bilis ng oras. Sana hindi ako pagalitan pag-uwi. Patay ako kung nagkataon. Pero, teka, si West nga kapag late okay lang! Wala naman siguro akong matatanggap na sermon later. "Sobrang natatakot ako." She admits. It makes me look at her again pagkatapos kong humiga ng patagilid. Nakangiti siya pero iba ang sinasabi ng mata niya. She really do looks scared. "I'm not actually planning to confess back. Pero hindi ko kasi ine-expect na gusto mo rin ako. When you said that you like me, I just lost all the control." "Good thing ba 'yon or hindi?" I ask. "Ewan ko." She answers, "Gusto ko sanang isarili na lang yung feelings ko kasi ang alam ko straight ka and you just see me as a friend. Never did it occur to me that there is something more to friendship that will grow between us." "Ako rin, eh." I chuckle. "Noong first time kitang makita, naisip ko lang na nahanap ko na yung friend for a lifetime na gusto ko. Ang alam ko rin straight ako, pero baka sa'yo lang ako baliko, pwede ba 'yon?" Tumango siya at pumikit. "What will happen to us?" "Ano na ba tayo?" Balik kong tanong. "Friends pa rin ba? O best friend na?" "Best friend?" Natawa siya bigla na ikinakunot ng noo ko. "Hindi ko alam kung inosente ka lang ba talaga o ano." Sasagot na sana ako nang mag-vibrate yung phone na nasa bulsa ko. Kaagad ko naman iyong sinagot. "Westy!" "Baka gusto mong umuwi?" Bungad niya sa akin na ikinasimangot ko. Talaga 'tong kambal ko, hindi marunong makipag-usap ng maayos. Hindi man lang nag-hello! "Hinahanap ka na ni Ate North." "Eh, si Ate South?" "Walang pakialam sa'yo 'yon." "Ay, meanie ka!" I pout. "Uwi na." Pinatay niya ang tawag nang hindi nagpapaalam. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Bumangon ako. Malungkot akong tumingin sa kanya. "Lucy, pinapauwi na ako." Bumangon na rin siya at tumango. "Gabi na rin naman. Hatid na kita sa may sakayan." "Eh, okay." Nag-ayos na ako kasi nagulo yung buhok ko, parang binagyo na ewan, pati damit ko mukhang disoriented. Bubuksan ko na sana ang pinto niya nang hawakan niya ako sa braso. Patanong ko siyang tiningnan. "East." "Po?" Napangiti siya sa pagiging magalang ko. Siyempre, mabait talaga ako. Ang swerte niya kaya sa akin kasi cute ako. Bumitaw siya. Inilagay niya ang parehas na kamay sa likuran niya pero alam kong pinaglalaruan niya lang iyon. "Gusto ko sanang maging girlfriend ka but I don't want you to be stuck with someone like me." "B-bakit?" Bigla akong nalungkot, like some part was taken from me it stings. "Bawal ba 'yon? Tsaka gusto kong kasama ka kaya. Stuck na ako sa'yo, alam mo ba 'yon?" Bumuntong-hininga siya at niyakap ako ng mahigpit. "Ayokong mamatay, East." "Hindi ka naman mawawala, eh." Sabi ko bago siya haplusin sa likod. "Tsaka, sa technology na meron ngayon, sure akong mawawala 'yang sakit mo. Malakas ka naman, 'di ba?" "Ihahatid na kita." Binitawan niya ako. She smiles at me. "Hindi mo sinagot tanong ko." "Malakas ako, East." Binuksan na niya ang pinto at hinila ako palabas. "I just hope I can stay strong a little bit longer." -- "West." "Hindi ako si West." Kunot-noong pagco-correct ko kay Ate South na kadarating lang dito sa kusina habang ako, panay lang ang kain ng pancit canton. Nagtimpla siya ng kape bago naupo sa harap ko. Wala naman siyang kaemo-emosyon na tumitig sa akin. Mukha siyang bored na ewan. "Alam kong si East ka. West doesn't wear pink pajamas." Saad niya pagkatapos sumimsim sa mainit na inumin niya. Talaga namang pinuna pa ang suot ko. "Mukha ka lang seryoso ngayon." "Marunong akong magseryoso." I say while pouting my lips. Katulad ng kay Lucy, seryoso ako sa kanya kaya nga hanggang ngayon hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kakaisip sa huling sinabi niya. "Bakit gising ka?" "Gigising ako kung kailan ko gusto. Same sa kung kailan ko gustong matulog." Mahabang sagot niya sa akin which is bihira lang mangyari. She looks at her phone before gazing at me. "Three na, devil's hour." "Hindi naman totoo 'yon, eh." sabi ko, "Panakot lang 'yon sa mga bata." "Bakit gising ka pa?" She asks instead. Nakikuha pa siya ng pancit canton sa akin na agad ko namang pinagbigyan. Makikihigop sana ako ng kape naman niya pero tiningnan niya ako ng masama. Ngumuso ako. Bad! "Worried ka, Ate South?" Nakangiting tanong ko habang tumitingin sa blue eyes niya. Minsan naiinggit ako sa eye color niya. Ang ganda kasi, eh. Nasa family naman namin ang blue eyes pero karamihan ay nasa side ni Dad. Hindi blue ang mata ng tatay namin pero ganoon ang eye color ng grandparents namin sa kanya. "Why?" "Anong why?" "Why would I be worried?" "Kasi kapatid mo ako?" patanong kong sagot. "Hindi mo siguro ako love. Kalungkot." Nagkibit balikat siya pero halata yung pag-smirk na ginawa niya. Halatang niloloko lang ako. Ang hirap talaga niya kausap! "Ngayon lang ulit tayo nagkasama ng ganito." Sabi niya bago kumuha ulit sa plato ko. Halos siya na nga yata makakaubos, eh. "Paano kasi, puro na si Jadey kasama mo." puna ko. Tumingin lang siya sa akin pero hindi nakaligtas sa paningin ko yung pag-blush niya. Mabilis lang iyon kaya mukha akong namalik-mata plus her expressionless face pero sure ako! Sure ako sa nakita ko! "Ate South, nag-blush ka!" "Hindi ka magaling mag-joke." Parang hindi apektadong saad niya pero sure ako deep inside...hay nako, tsundere din 'to, eh! "Hindi ako nagjo-joke! Nag-blush ka!" giit ko. "Maingay ka, East." She says in a dismissing tone. Ang bilis niyang nainom yung kape niya bago magtimpla ulit. Ang adik talaga sa kape. Saka ko lang na-realize, lahat kami may kinaadikan. Si Ate South, kape na yata ang dugo. Si Ate North, mukhang halo-halo, walang kinikilalang seasons yung pagkain niya no'n. Ako naman pancit canton is life. Si West...mukhang w*****d. Hindi ko pa nababasa story niya kasi ayaw naman niyang sabihin kung anong story pati username niya. "Nag-blush ka talaga, eh." Pagpu-push ko sa usapan. Inirapan naman niya ako. "May pinagdadaanan ka yata." "Wala, ah. Baka ikaw." Tinaas-baba ko ang kilay. "Bakit ka nag-blush? May gusto ka kay Jadey, 'no? O kaya gandang-ganda ka sa kanya tapos mabait pa siya." "What is it to you if I like her?" Mataray niyang tanong. Bigla tuloy akong natigilan at napalunok. Seryoso? "She's beautiful and kind, I know. And I appreciate her presence." "Hala, seryoso ka ba sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Grabe, nakakaloka, nagbibiro lang ako pero hindi ko naman ine-expect na papatulan niya! As far as I know she's not a patola! Oh, my gosh! Baka panaginip na talaga 'to? Nakatulog ba ako nang hindi ko napapansin? "Mukha ba akong nagbibiro?" Malamig na tanong niya. Okay, hindi talaga ako nananaginip. Sagad hanggang bones coldness ng kapatid ko. "Sorry na." Nag-peace sign ako at nginitian siya na parang bata. She just stares at me but doesn't say anything. "Paano mo siya nagustuhan?" And here I thought she's straight. Kunsabagay, akala ko rin straight ako, eh. "I don't know." Humalumbaba siya at tumingin sa right side niya. "Can you keep a secret?" "Oo naman! Hindi kaya ako madaldal." I giggle. Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi siya naniniwala. I raise my right hand. "Promise, I'll keep a secret." Sungit talaga. Finally, she nods her head. "She may not know it, and I'm not planning to tell her, baka lumaki ulo no'n, eh." Natawa ako nang umirap siya bigla kaya tiningnan niya ako ng masama. "Stop laughing." "Areglado, Sis." Sabi ko ala-gangster bago kumindat at ngumisi. "Push." "Kapatid ba talaga kita?" nakukunsuming tanong niya. Tumango naman ako at nagpa-cute. May hawig kaya kami ng slight! She sighs and takes a sip from her coffee. Saglit lang iyon pero nakita ko siyang ngumiti ng maliit. "She always makes my heart beat so fast I though it'll explode anytime." Naghintay pa ako kung may sasabihin pa siya pero wala na. Kumunot ang noo ko. "Iyon na 'yon?" "What? You think I'll act like a cheesy teenager about her love interest?" masungit na tanong niya. "Teenager ka pa naman, ah?" tanong ko. Nineteen pa lang kaya siya, maka-asta akala mo twenty five. "Nakakabitin kaya yung sinabi mo!" "That's enough." pinal na sabi niya, "I like her, period. Now, zip your mouth, okay?" I zip my lips like what she said. Napatango naman siya na parang satisfied na. "Good." Tumayo na siya at hinugasan yung pinag-inuman niya. "Ate South." Tawag ko. Lumingon naman siya. "May nagugustuhan na ako." "Ah." Pinunasan niya ang kamay bago lumapit sa akin. Yumuko siya at hinalikan ako sa noo. Hindi ko maiwasang mamula dahil sa ginawa niya. Minsan lang kasi siya maging malambing. "Take care of your heart." Napatango na lang ako. Na-touch ako sa sinabi niya. Maikli lang 'yon pero iba ang impact sa akin, eh. I will take care of my heart. In order to do that, I have to take care of Lucy, too. Cheesy man sabihin pero sa tingin ko, my heart already belongs to her. "Ah, East." Pahabol niya. Nagtatakang tiningnan ko siya. "I've been longing to ask this." "Ano 'yon?" "That night..." she trails off, "you saw me with Mama." Napalunok ako. Memories from the past suddely wash over me. Anong... "I know you saw everything, when I gave her the pill, when I watch her die. You were watching, too." Nakuyom ko ang sariling kamao. Parang gustong lumabas ng kinain ko bigla. Bakit niya pinapaalala? Bakit? "Why, East? Why you didn't say anything?" "Paano mo...nalaman?" Parang ang hirap magsalita. Bigla akong nakaramdam na parang may nagmamasid sa akin kaya hindi ko mapigilang tumingin sa paligid. Wala naman sigurong nakakarinig sa amin? Wala naman... Nagkibit siya ng balikat. "Why did you remain silent? At bakit hindi mo ako pinigilan?" "M-matagal na 'yon, huwag mo nang ungkatin, Ate South." Nginitian ko siya kahit na kinakabahan. Dito naman ako magaling, eh, sa pagpapakita na okay lang ang lahat. "Pero bakit?" She pushes the question, not letting me get off the grid. "Kapag sinagot mo 'to, aalis na ako." Napapikit ako at napabuntong hininga. Yumuko ako. "I just can't. Yung ginawa mo noon, hindi ko kayang pigilan ka kasi pinagbibigyan mo lang si Mama. Alam naman natin pareho na nahihirapan na siya. I think you're so kind and has a big heart, Ate South, for doing that." I admit. I remember the last time when I talked to Jadey, noong sinabi ko na mabait si Ate South. "And I think sobrang brave mo for you to do that sa taong sobrang love mo." She crosses her arms. "You're quite...eccentric." "Bakit?" Nagtatakang tanong ko, "You helped her and I admire you for that. Oo, masakit, pero iyon din naman gusto ni Mama, 'di ba? Kasi too much na yung pain?" Sunud-sunod na tanong ko, "And I adore you more because you're still here, living, like nothing happened." Ilang segundo rin siyang nakatitig lang sa akin nang mag-angat ako ng tingin. I admit, noong nakita ko yung ginawa niya noon, nakaramdam ako ng galit. Pero naisip ko rin na hindi naman talaga gusto ni Ate yung gagawin niya, na ginagawa niya lang iyon para sa nanay namin. Gusto niya lang mapabuti si Mama. And so I remain silent and pretend that I don't know what happened. I cried for Mama, I cried for her sad ending, and yet deep inside, I'm happy because I know she finally found her peace in the afterlife. And also, I have this regret. If only I can do something that might save her, siguro ayos pa ang lahat. Siguro hindi na kailangang gawin iyon ni Ate at hindi ko na rin kailangang makita pa ang lahat. Tuluyan nang umalis si Ate South habang naiwan naman akong mag-isa. Naisip ko, siguro parehas lang kami ng sitwasyon ng kapatid ko. We're both dealing with the same memories but with different demons inside. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Hay! Tama nang pag-iisip masyado, nakaka-stress lang. Baka kapag nakita ako ni Lucy, mag-alala pa iyon. Lucy... Napaisip ako. Kaya ko kayang gawin iyon kay Lucy? Kaya ko bang hayaan lang siya na mawala para hindi na siya mahirapan? Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam iyon ng hapdi. "Hindi ko kaya," bulong ko sa sarili. Ang tapang talaga ni Ate. Hindi ako kasintapang niya. Ayoko mawala si Lucy. Gagaling siya kahit anong mangyari, I'm sure. Nakaramdam na ako ng sakit ng ulo dahil sa puyat kaya nag-decide akong bumalik na sa kwarto. Naabutan ko yung kambal kong tulog na tulog pa rin. Napangiti na lang ako at niyakap siya mula sa likod. Kailangan ko lang itulog 'to. Bukas magiging okay na ako. Kapag nakita ko na si Lucy bukas, mas magiging okay ako. -- "Good morning." Napatigil ako sa pagdaldal kay Lucy at napatingin kay Via na sa akin lang nakatingin habang nakangiti. May dala siyang tray ng pagkain. "Good morning." I greet back. Napansin ko naman na parang nailang si Lucy dahil sinimulan na niyang paglaruan ang sariling darili. Wala sa sariling hinawakan ko ang kamay niya to make her feel at ease. I notice Via's eyes, para siyang nainis pero hindi ko sure. "Okay lang makiupo?" She asks. I look at Lucy, tumango agad siya kaya sinenyasan ko na si Via na umupo. "Thanks!" Inilagay niya ang pagkain sa table namin bago ilagay yung tray na gamit niya sa vacant na lamesa. Kaharap namin siyang dalawa ni Lucy. Para akong naiilang na hindi. Naalala ko kasi yung ginawa niyang pag-amin sa akin pero may part sa loob ko na gustong mag-thank you sa kanya kasi if it's not for her baka hanggang ngayon hindi ko pa rin nare-realize yung feelings ko para kay Lucy. Pero naisip ko rin na baka maging insult iyon sa part niya. Nagsimula na siyang kumain. Tapos na kasi kami ni Lucy kaya tuloy ang awkward ng feeling. Yung fingers ko naman na ngayon ang sinimulang laruin nitong katabi ko. Kahit papaano napapangiti ako kasi ang cutie niya. Hay, kung pwede lang siyang iuwi, matagal ko nang ginawa. "Okay ka lang?" Mahinang tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Hinigpitan ko na lang yung pagkakahawak sa kamay niya. "Am I making you uncomfortable, East?" Via asks. Pansin ko lang na kanina niya pa hindi binibigyan ng pansin si Lucy. Ganoon ba talaga kapag ka-love rival? Kailangan ko na bang sabihin kay Lucy yung tungkol sa feelings ni Via? Naguguluhan na naman ako! Simple at normal na love life lang naman ang hinihiling ko pero bakit ganito, ang complicated? Wait, nasaan ang love life? Love life ba 'to? "East?" She calls that pulls me back to reality. "H-ha? Okay lang ako." Tumawa ako habang nagpipigil na mapangiwi. Ayoko maging rude na hindi nga ako komportable, pero ganoon kasi ang pinaparamdam na binibigay niya. Pakiramdam ko nasa maliit na kwarto lang kami na walang bintana o pinto. "Good." "Ano, nasaan yung mga friends mo?" Tanong ko na lang para naman hindi maging nakakailang yung katahimikan sa pagitan naming tatlo. Baka mamaya maaning na ako, eh. "Iniwan ko muna," simpleng sagot niya, "at isa pa, I want to be with you." Napaubo si Lucy bigla na ikinatingin namin. Nag-aalalang tiningnan ko siya but she motions me na okay lang siya. Bigla kong napagtanto na baka ganoon ang reaction niya kasi dahil sa sinabi ni Via. "Okay lang naman, 'di ba, Gamboa?" Nagkatitigan silang dalawa. Ewan ko kung anong meron pero, feeling ko hindi ako dapat sumingit. "Bakit sa akin mo tinatanong?" balik tanong ni Lucy, "Si East dapat ang tinatanong mo." Via shrugs her shoulder. Natapos na siyang kumain at umalis nang hindi man lang nagpapaalam. Hindi ko maiwasang maguluhan. Anong klaseng conversation 'yon? _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD