CHAPTER 17 EMMANUEL POV Ang araw na iyon ay tila hindi ko makakalimutan. Hindi ko akalaing maiimbitahan ako ni Kikay sa kanyang munting tahanan, at higit sa lahat, matitikman ko ang adobong palaka. Sino ba namang mag-aakala? Sa dami ng naranasan ko sa buhay, ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-espesyal na babae. Ang bait niya, ang ganda ng ugali, at pati mukha niya... Nakaupo ako ngayon sa kubo niya habang pinapanood siyang magligpit ng pinggan. Pinipilit niyang itago ang ngiti niya, pero hindi niya ako maloloko. Alam kong proud na proud siya dahil nagustuhan ko ang luto niya. “Sir, parang ang tahimik mo yata,” bigla niyang sabi habang nakatalikod. “May iniisip ka ba?” Napangiti ako at umiling. “Wala naman. Nagpapahinga lang. Mukhang busog na busog ako sa adobong palaka mo, eh.” N

