" Ikaw Laarni!" Sasabog na ang puso ko sayo sa sobrang kaba." sabi ni Ehm nang makakababa na ng taxi si Lani.
Nagaantay sa loob ng subdivision sila Ehm at Angge malapit sa guard house.
"Nandyan na ba sila papa?" pagaalalang tanong ni Lani.
"Wala pa naman pero baka any time dadating na din yun." sabi ni Angge.
Naglalakad na sila pauwi ng mapatili ang mga ito ng may bumusina sa likuran nila.
"Ginagabi ata kayo?" sabi ni Esme ng ibaba nito ang salamin ng sasakyan sa gawi ng driver side.
"Saan ba kayo galing? Sumabay na kayo kung pauwi na kayo." sabi ni Luna ang ina ni Lani
"Pupunta palang kaming clubhouse, mama. May pasayaw kasi doon." kanda utal na sabi ni Lani.
"O sige, wag na kayong magpaabot pa ng hating gabi ha?" sabi ni Luna bago umalis ang sasakyan ng mga ito.
"Bakit hindi pa tayo sumabay sa kanila. Ang layo pa tuloy ng lalakarin natin pauwi." sabi ni Ehm
Humarap sa mga kaibigan si Lani bago hiningahan ang mga ito. Nagsi takipan nan ng ilong ang dalawa.
"Bruha ka! Bakit amoy chico yang bibig mo." sabi ni Angge "Buti nalang hindi na nagpumilit ang mama mo na isabay tayo kundi malilintikan tayo."
"Hehe.. kaya nga e. Buti nalang ang galing ko magdahilan." sabi ni Lani
"Bakit ka uminom aber? Sa tana ng buhay mo hindi ka pa naman nakakatikim ng alak." sabi ni Ehm.
"Isa lang naman, pero bakit ganun parang umiikot ang mundo ko? Hahaha.."
Inakay siya ng mga kaibigan sa isang bench malapit sa park ng clubhouse at doon pinaupo muna ito. Ikinuha naman siya ni Angge ng mineral water sa bendo machine na nasa loob ng clubhouse saka iniabot sa kaibigan.
Masaya ang puso niya kahit masakit ang ulo nya. Napahawak pa siya sa labi nya at nakangiting inalala ang nangyari sa resort. Hanggang sa mga oras na iyon ay nararamdaman nya pa din ang kuryenteng dumaloy sa katawan niya ng magdikit ang mga labi nila ni Warren.
"Sa mental na kaya natin dalhin to?" sabi ni Angge ng makitang ngumingiting magisa si Lani.
"Tara wag na nating iuwi." biro ding sabi ni Ehm
"Masaya lang ako.. "
"Oo na masaya ka na po. Pero kamuntik na tayo kanina." sabi ni Angge
"At bakit ka naman masaya?" sabi ni Ehm
"Basta.. hehe tara na uwi na tayo." sabi ni Lani saka naglakad at iniwan ang mga kaibigan.
Hinabol naman siya ng mga ito at kinukulit sa dahilan ng pagngiti ngiti niya. Ngunit ayaw niya muna ikwento iyon sa mga kaibigan. Gusto niya muna sarilinin ang masayang pangyayaring iyon.
Maagang sinundo ni Warren ang nobya dahil balak niyang isama ito sa kaarawan ng kapatid niyang si Maverick.
Sa zambales iyon gaganapin sa isla de Barbaridad na pagaari ng abuelong si Señor Thomas. Ipinangalan niya ang isla sa pangalan ng kanilang mamita na si Barbara.
Malaki ang isla sa lawak na iyon ay animo isa nang lungsod. Nabili iyon ng mga ninuno pa ng mga Montecarlo noong panahon pa ng mga mananakop na español. Bilang nagiisang anak na taga pagmana ang ama ni señor Thomas Montecarlo ay dito iniwan ang isla. Nagiisang anak lang din ang señor kaya sakanya din naipamana ang isla. Nang mag-ritiro ito sa pagnenegosyo at iwanan na sa mga anak ang mga kumpanyag naitayo niya ay nagfocus siya sa pagaalaga ng isla katulong ang mga matatandang magsasaka na naroon na din sa lugar. Naging modernisado ang lugar sa paglipas ng panahon. Ngunit hindi pa din maalis doon ang ganda at linis ng kalikas. Sa hacienda de Barbaridad ay nagpatayo ang señor ng apat na malalaking bahay na malapit sa kanilang mansyon. Ibinigay iyon ng señor sa apat na anak na lalaki ng makapag asawa na ang mga ito.
Kaya naman ng magkaroon ng mga apo ay inorganisa naman nya ang pagpapagawa ng subdivision sa isang parte ng isla para sa mga apo. Mayroon ding malawak na sakahan at koprahan ang isla. Binahagian din ng señor ang mga matatagal nang katiwala ng isla ng maliliit na lupang sakahan. Mayroon din malawak na kwadra para sa mga alagang kabayo. Nag bi-breed sila ng mga mamahaling stallion na nagmula pa ang lahi sa iba't ibang bansa. Bawat isa sa mga apo ay may sarisarili ring high breed stallion. Dahil sa hobby nilang pangangabayo ay nagtayo rin ang señor ng racing track para sa mga ito na kalaunan ay pinagdadausan din ng ibat ibang kompitisyon sa pangangabayo.
"Wow ang ganda naman ng isla ninyo." sabi ng nobya habang nakatanaw sa bintana ng helicopter.
Ipinasundo sila ng ama sa choper para madali nang makarating ng isla.
Pagkalapag ng helicopter sa helipad ay agad na silang tumakbo patungo sa sasakyan na nagaabang para sa kanila patungo sa bahay ng mga magulang kung saan gaganapin ang kaarawan ng kapatid. Kinuha niya ang inabot ng katiwa na susi ng sasakyan at si Warren na ang nag maneho.
"Narito na ang pinaka gwapo ninyong anak." bungad ni Warren ng makarating sila sa bahay ng mangulang. Kasunod nya ang nobya.
"Aba at ang aga mo ah." sabi ni Camea ang ina ni Warren. "Ow.. sino ang magandang binibining kasama mo anak?" sabi pa nito ng makita na hindi nagiisa ang anak.
"Mama this is Lala my girlfriend." sabi ni Warren "Lala meet my beautiful mom Camea Montecarlo."
"Nice meeting you hija." sabi ni Camea
"Nice meeting you din po." sabi ni Lala
Pag dating ng ama at mga kapatid ay ipinakilala din niya ang nobya sa mga ito. Nagdatingan na din ang iba pa nilang mga kamaganak sa side ng mama niya at pati sa side ng mga Montecarlo.
Nasa sala si Lala kasama ang ibang mga tiyuhin at tiyahin ni Warren. Naroon din ang mga magulang nito. Hindi naman siya iniwan ni Warren ngunit nasasakal siya sa ganong crowd. Maya maya pa ay dumating ang abuelo at abuela ni Warren. Nagbigay galang ang mga ito sa dalawang matanda.
"Mamita, señor.. Si Lala Guzman po girlfriend ko." sabi ni Warren
"Hello po." pakikipag kamay ni Lala sa mga bagong dating.
"Hi hija." sabi ni Barbara
"Nice to meet you hija." sabi ng señor bago naupo sa gitnang upuan. "Are you related to Guzman Cement?"
"Opo, eldest daughter po ako ni Esme Guzman."
"Aba napaka buting negosyante ng papa mo. Hinahangaan ko ang dedikasyon at pagiging matapat nya."
"Maraming salamat po."
"Natatandaan mo pa ba noong isinama ka ng papa mo dito noong pitong taong gulang ka palang?" sabi ng señor
Nagtataka naman si Lala dahil sa pagkakatanda niya ay ngayon lang siya nakarating sa lugar na iyon.
"Hindi mo na siguro natatandaan hija. Isinama ka dito ng ama mo bilang regalo sa kaarawan mo dahil gusto mo kamo na makakita ng unicorn." natatawa pang sabi ng señor
"Aba oo nga naalala ko nga iyon. Iyak ka pa ng iyak noon dahil hinahanapan mo ng pakpak ang kabayo namin." sabi ni Barbara
"N-ngayon palang po ako nakarating sa lugar ninyo." sabi ni Lala
"Naku mama, papa baka ang tinutukoy ninyo ay iyong bunsong anak ni Esme." sabi ni Arthuro tiyuhin ni Warren "Kasosyo ko kasi papa mo sa isa kong firm na itinatayo noong mga panahon na iyon. Kaya ng malaman niya na may mga kabayo kaming bini breed ay nirequest ng papa mo na maisama ang bunso mong kapatid dito bilang regalo sa kaarawan nya."
"Ah ganun po ba."
"Pasensya ka na hija akala ko ay ikaw iyon. Kamusta na pala ang kapatid mo?" sabi ng señor
"Wala po iyon. Okay naman po siya ngayon. Gagraduate na po siya ng junior high." pilit na ngiti na sabi ni Lala
"Aba sabihin mo sa kanya minsan pasyalan naman nya kami. Nasisiguro kong napakagandang dalaga din ng kapatid mo. Kagaya mo." sabi ni Barbara
"Mamita nasisiguro ko din sayo na mas magandang hindi hamak si Lala." sabi ni Warren
"Aba'y oo naman."
"Pagpasensyahan mo na ang mama at papa. Noon kasing dinala ng papa mo dito ang kapatid mo ay giliw na giliw sila dahil wala naman kasi silang anak o apong babae." sabi ni Camea ng mapansing nailang si Lala.
"Okay lang po." pilit na ngiting sabi ni Lala.
Nagusap usap pa ang mga ito doon pero hindi na nya masyadong maintindihan ang pinaguusapan ng mga ito. Dahil ang atensyon niya ay nasa kaibigang katext. Binulungan ni Lala si Warren na samahan muna siya sa labas.
Nagpaalam ang mga ito sa matatandang naroon saka sila lumabas ng bahay.
"Gusto mo bang kumain na?" sabi ni Warren.
"Ayoko. Gusto ko nang umuwi." sabi ni Lala
"Pero halos kararating palang natin?" sabi ni Warren "Naiinip ka ba? Merong video games at kiddie party sa likod baka gu-"
"Ayoko okay? Nasasakal ako sa lugar na to." pagmamataray na sabi ni Lala
"Pero akala ko nagustuhan mo ang lugar."
"Kanina yes pero ngayon gusto ko nang umuwi. Kaya ihatid mo na ako!"
"Babe.. please.." sabi ni Warren na hinawakan ang kamay ng nobya. "Ngayon lang tayo nagkasama ng mahaba habang oras."
"Gusto ko na ngang umuwi!" tumaas na boses nang sabi ni Lala
"Ano bang problema?"
"Problema? Gusto mong malaman yung totoo?" sabi ni Lala "Ayoko sa pamilya mo at lalong ayoko sayo!"
"What?" biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Warren "What do mean?" Maayos at maganda ang pakikitungo ng pamilya niya kay Lala kaya naman nagulat siya sa sinabi nito.
Tumawa pa ng pagak si Lala.
"Alin ang hindi mo maintindihan sa salitang ayoko na?" sabi ni Lala
"Lahat! Dahil gusto kong malaman kung bakit mo nasabi yan." asar na sabi ni Warren.
"Simple lang dahil ayoko sa pamilya mong plastic."
"Anong pinagsasasabi mo?" pagtitimpi nang sabi ni Warren. Kung lalaki ang nagsabi sa kanya ng masama tungkol sa pamilya niya ay baka nasapak na niya ito.
"Wag mo na itanggi na ginagamit lang naman ng angkan nyong nuknukan ng yaman ang maliliit na negosyanteng kagaya ng sa papa ko para mas lalo pang umasenso." pagmamataas na sabi ni Lala
"Wag kang gumawa ng kwento para sirain ang imahe ng pamilya ko. Para lang masunod yang gusto mo."
"Kaya nga iuwi mo na ako."
Hindi na kumibo si Warren at galit na pumasok sa loob para kunin ang susi ng sasakyan. Sinabihan din ang papa niya na ipahanda ang helicopter dahil ihahatid nya na ang nobya sa maynila.
"May problema ba hijo?" nagaalalang tanong ni Danilo
"Masama daw ang pakiramdam niya kaya gusto na nyang umuwi papa." sabi ni Warren na mahahalata sa mukha ng binata ang galit.
"Ipapahatid ko nalang kayo baka mapano pa kayo sa daan." sabi ni Danilo
"Kaya ko na papa." sabi ni Warren saka lumabas ng bahay at pinaandar ang sasakyan.
Wala silang kibuan ng nobya habang binabagtas ang daan patungo sa choper. Kahit nang makalapag ng maynila ang sinasakyan nilang helicopter.
Pababa na sila ng building na pagmamayari rin ng mga Montecarlo.
"Huwag mo na akong ihatid. Kaya kong umuwing magisa."
"Ihahatid kita dahil iyon ang sabi ko sa papa mo." blankong sabi ni Warren.
"Tauhan ka ba ng papa ko para maging sunod sunuran sa lahat ng sinasabi nya?"
Ikinagulat niya ang pag mamaldita ng dalaga. Hindi na siya nagpumilit pa. Nang makasakay sa taxi ang dalaga ay tinawagan ni Warren si Esme para ipaalam na nakauwi na si Lala at hindi na nya naihatid dahil sa pagmamatigas nito.
Asar na asar naman si Lala habang nakasakay sa taxi. Hindi siya sa bahay nila nagpahatid kundi sa bahay ng kaibigang si Estela. May paparty ito ng gabing iyon.
"Aba maaga ka yata?" sabi ni Estela "Buti nakatakas ka sa boyfriend mo?"
"Ex! ex-boyfriend for you information."
"Haha ang bilis naman."
"Ayaw pa nga akong paalisin e. Pero makakatagal naman sana ako. Kaso sinira nila mood ko nung mapagkamalan ba namang ako si Lani."
"Bakit naman napasok ang kapatid mo sa usapan." takang tanong ni Estela
"Noong nalaman nila na anak ako ni Esme." sabi ni Lala "Alam mo naman kung gano ang asar ko sa mga taong ikukumpara ako sa kapatid ko. Puro nalang si Lani." paliwanag niya sa kaibigan ng makapasok na sila sa loob.
"Mabait naman yung kapatid mo ah. May pagkasutil nga lang."
"Exactly my point kahit sutil sya marami paring naaaliw sa kanya." sabi ni Lala "Akala ko pa naman ay masosolo ko ang atensyon ng pamilya nya. Isipin mo naunahan na pala ako ng magaling kong kapatid pagdating sa atensyon." sabi ni Lala "Kaya sa bwisit ko talaga kanina kung ano ano nalang sinabi kong panglalait sa pamilya niya para makaalis ako sa lugar na yun."
"Hmm nagmaldita ka nanaman no ?"
"Nasaktan ako kaya sinaktan ko din sya."
"Hindi naman alam ni Warren yun, bakit dinamay mo naman yung tao."
"Basta ayokong ako ang nasa harapan nila peto kung sino sino ang hinahanap nila. Mapapasaya ko sana ang papa dahil sa lahat ng naging boy friend ko kay Warren lang siya naging kampante."
"Sayang ang gwapo pa naman ng jowa mo."
"Alam mo naman na si Mark lang ang gwapo sa paningin ko."
"Pero diba kahit naman noong kayo pa palagi nalang ding dahilan ng pagtatalo nyo si La -"
"Wag mo nang ituloy yang sasabihin mo. Ayokong marinig yan." sabi ni Lala.
"Okay.. okay.. sya nga pala maiba ako, sure ka na bang ready ka nang makita si Mark?"
"Alam mo kung gaano ako kasabik na makita sya. Isa pa iyon sa dahilan kung bakit nagmamadali akong makarating dito."
"Hindi ko kasi binanggit na nandito ka. Baka umalis yun agad."
"Let's see kung maiiwasan nya pa ang gandang to."
Naging busy na si Lani ng mga nagdaang linggo. Kailangan na niyang matapos ang kayang mga paper work dahil parating na ang pagtatapos ng klase at sa susunod na linggo at graduation na nila.
Bumaba sya ng marinig ang sasakyan ng mga magulang. Napansin din niyang madilim na sa labas.
"Hi pa, ma.." masayang bati ni Lani sa mga magulang.
"Hello darling." sabi ni Luna
Nagmano at binigyan ng halik sa pisngi ang mga ito.
"Nasaan pala ang ate mo?" blangkong sabi ng kanyang papa.
"Nasa kwarto lang po niya." sabi ni Yaya Lisa.
Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng muling paghihigpit nila sa ate Lala niya. Basta ang alam niya pag uwi niya ng bahay galing kila Ehm noong nakaraang linggo ay narinig niyang may nagtatalo sa loob ng study room ng ama.
Nakikiramdam si Lani at naupo sa sala habang na ririnig ang palitan ng sigawan sa loob ng study room ng papa niya. Tahimik siyang nakikinig ng biglang pabalagbag na bumukas ang pinto at lumabas ang ate Lala niya na umiiyak.
Tinignan pa siya ng masama ng kapatid bago nagtuloytuloy paakyat sa kwarto nito. Nakasunod naman ang kanilang ama na galit na galit habang pinipigilan ng ina.
"Ano ba! Tama na sabi!" sabi ni Lulu
"Pagsabihan mo iyang anak mo! Lumalaki masyado ang sungay!" galit na sabi ni Esme. "Umakyat ka sa kwarto mo!" sabi pa ng ama ng makita siya sa sala.
Kinabukasan habang pagbaba siya ng hagdan at narinig niyang naguusap sila Yaya Lisa at Manang Lyn.
"Ang dinig ko manang ay nakipag kita sa boyfriend pero hindi na umuwi kinagabihan. Kinabukasan na daw nakauwi." sabi ni Yaya Lisa
"Ikaw nga Lisa ay itikom iyang bibig mo." sabi bi Manang Lyn
Kaya naman ang nasa isip niya ay kasalanan ng nobyo ng kanyang kapatid kaya pinaghihigpitan nanaman ang kanyang ate Lala.
Mula noon ay naghome study na si Lala. Si Yaya Lisa niya ang naatasang maghatid ng mga workbooks nito sa school. Graduating na din ang ate nya pero tumanggi na ang mga magulang niya na pasampahin ang kapatid sa stage.
Hindi nya alam ang totoong dahilan pero nalulungkot siya para sa kapatid.
"Wala namang ibang pupuntahan ang anak mo kung hindi sa kwarto lang naman. Kaya pwede ba Esme kumalma ka." sabi ni Luna "Tawagin mo na si Lala, yaya Lisa. Para sabay sabay nang maghapunan."
Pababa na ang kapatid at halatang matamlay. Maaaninagan din dito ang pagkabawas ng timbang.
Nasa gym ng school nila sina Warren kasama ng iba nitong team.
"Alam nyo bang nakabalik na dito si Mark pagkatapos niyang makipaglaban sa thailand?" sabi ni Joel
"Oh ano naman ngayon? Pati ba naman team ng taekwondo ngayon pinapakialaman mo na?" sabi ni Aries
"Ano ka ba diba nga kateam nya yung pinsan ko. Kaya may nalaman lang ako na kwento." sabi ni Joel "At alam mo ba kung ano pa ang nalaman ko?"
"Ano?" sabi ni Aries
"Na ex boyfriend pala ni Mark si Lala!"
Bigla namang ibinaba ni Warren ang maliit na damble na hawak.
"Alam mo din ba na wala akong pakialam?" seryosong sabi ni Warren saka sumampa sa treadmill at inumpisahang tumakbo.
Bahagya namang binatukan ni Aries si Joel.
"Ano ba yan batok naman ng batok to." reklamo ni Joel
"Puro ka kasi chismis." sabi pa ni Aries
"Hindi naman kasi chismis yun. Totoo yun, nagkita pa nga daw noong nakaraang linggo sila Mark at Lala doon sa party ng kaibigan nilang si Estela." patuloy pa ni Joel "Diba kagagaling nyo lang ng zambales nun?"
"Matuto ka nga pumreno." sabi ni Aries
"Pagod na pagod na yang bibig mo. Bigyan mo nalang ako ng 50 push ups."
"Ito naman, hindi naman ako nagsisinungaling. Totoo naman yun lahat."
"100." sabi pa ni Warren
Hinila ni Aries si Joel.
"Magpush up ka na baka mag 500 pa yan malumpo ka na."
Walang nagawang inumpisahan na ni Joel ang sinabi ni Warren. Captain ito ng team nila kaya hindi siya makapalag. At kilala din nito ng kaibigan, hindi nya babawiin ang parusa.
Maagang nagtungo sila Lani at kaibigang Ehm at Angge para sa entrance exam nila sa Bren international school for senior high level.
Umaasa siyang makikita si Warren sa school. Pero ang sabi ng kakilala niya doon ay nagtetraining daw sa gym kaya hindi pupwede abalahin.
Gusto niyang makita ang lalaki pero nahihiya siya at hindi niya alam ang sasabihin. Matapos kasi ng halik na namagitan sa kanila ay hindi na sila muli nagkita pa.
Matapos ang exam ay nag-aya ang mga kaibigan sa kantina habang inaantay ang resulta.
Pagkatapos makakuha ng kakainin ay naghanap na sila ng maaaring pwestuhan. Dahil breaktime ng mga estudyante doon ay halos mapuno na ang lugar.
"Lani!" sigaw ng isang lalaki at kinawayan pa sila.
Hinanap ni Lani ang tumawag. Nahagip ng mata niya si Warren. Sa pagaakala niyang ito ang tumawag sa kanya ay masaya siyang tinungo ang lugar nito. Pero ang nasa likurang table pala nila Warren ang tumawag sa kanya. Ang dating nobyo ng ate niya si Mark kasama ang iba nitong kaibigan. Doon din sa Brent nagaaral si Mark ng college.
Bahagya siyang nadismaya ng ito pala ang tumawag sa kanya. Pero napalis don ang pagkadismaya niya dahil matagal na din simula ng magkita sila nito. Kadalasan ay sa chat o text nalang sila nagkakakwentuhan. Pinaurong ni Mark ang mga kaibigan para makaupo silang tatlo. Sa tabi ni Mark siya pinaupo. Nasa harap naman niya sina Ehm at Angge.
"Nandito ka na pala? Kaylan ka pa nakabalik?" sabi ni Lani kay Mark. Masaya siya dahil nakita niya si Warren kahit likod lang nito.
"Last week lang. Kamusta ka naman?." sabi ni Mark
"Okay naman pretty pa din."
"Oo naman. Ano palang masamang hangin naman ang nagdala sayo dito?"
"Nagtake kami ng entrance exam. Dito na din kasi ako magaaral this coming school year."
"Aba magandang balita yan. Madalas na kitang makikita dito." sabi ni Mark
"Oo kaya magbaon ka palagi ng mahabang mahabang pasensya kasi kukulitin kita ng kukulitin hanggang magsawa ka." natatawang sabi ni Lani
"Anytime doll. Basta ikaw." sabi ni Mark na hinawakan siya sa ulo at bahagyang ginulo ang buhok niya.
Tumayo naman si Warren para ibalik ang tray ng pinagkainan sa istante na nasa dulong bahagi ng canteen sa likuran lang nila Lani.
Naglalakad na pabalik sa gym sila Warren at mga kaibigan nito para magpalit ng uniform.
"Diba iyun yung chik na tili ng tili sayo noon?" sabi ni Aries kay Warren.
"Ah oo nga natatandaan ko na sya sabi ko na nga ba parang pamilyar. taekwondo fan na ba sya ngayon?" sabi ni Joel.
"Nandoon siya kanina bakit hindi nyo tinanong." asar na sabi ni Warren.
""Ang sungit mo naman bigla sir." birong sabi ni Aries.
Naiinis siya sa babae hindi man lang siya binati nito. Gusto nya sana makausap si Lani matapos ng namagitang halik sa kanila. Pero kapag tinutungo niya ito sa school nito ay sinasabi ng kakilala niya na nakaalis na agad. Kaya naisip niya na iniiwasan siya ng dalaga.
Mas nainis pa nga siya na hindi makausap si Lani keysa sa noong makipag break sa kanya si Lala.
Bahagya pang nahiya si Lani dahil nakita ni Warren ang ginawa ni Mark sa kanya. Dahil ayaw ni Lani na isipin ni Warren na para pa din siyang bata.
"Ano ba yan ginagawa mo nanaman akong bata." reklamo ni Lani
"Bakit? Doll pa din kita kahit damulag ka na."
"Isa!" inis na sabi ni Lani
"Oo na oo na.." tatawa tawang sabi ni Mark
Sinamahan sila ni Mark at ng dalawa pa nitong kaibigan sa building ng senior high para antayin ilabas ng faculty ang result ng exam nila.
Maraming tao ang nasa hall way na naghihintay.
"Sana makapasa." sabi ni Ehm
"Oo nga e.." sabi ni Lani at Angge
"Makakapasa kayo nyan." sabi ni Mark. "Itreat ko kayo makapasa man kayo o hindi." sabi pa niya saka inakbayan si Lani.
"Sige! Sabi mo yan ha.." masayang sabi ni Lani. Natuwa din ang mga kaibigan niya.
Nagulat si Lani ng dumaan sa pagitan nila ni Mark si Warren. Dahilan para matangal ni Mark ang kamay sa balikat ni Lani.
"Wag nga kayong humarang harang sa hallway." sabi ni Warren
""S-sorry." sabi ni Lani
"Sandali, ang bastos mo naman yata?" sabi ni Mark
"Bakit masama ba kayong pagsabihan? Wala nang madaanan oh." sabi ni Warren. "Saka teka paalala ko lang sayo bawal kayong mga college student dito sa building ng mga senior high. Dahil sa gulong ginawa ng department nyo dito."
"S-sandali lang.." awat ni Lani sa dalawa. "Sorry kung nakaabala kami, sinamahan lang nila kami malaman yung resulta ng exam."
"Bakit hindi ka ba marunong magbasa?" asar na sabi ni Warren. Kahit sa totoo lang ay gusto niyang balian ng buto si Mark nang makita ang mga braso nito na nakaakbay kay Lani.
"H-hindi naman sa ga-" hindi na naituloy ni Lani ang sasabihin dahil bigla nagsalita si Mark.
"Aba at napaka pilosopo mong bata ka ah." susugurin na sana ni Mark si Warren ng lumabas ang isang teacher sa faculty room.
"Oh anong kaguluhan nanaman to?" sabi ng teacher
Walang kumibo sa mga ito.
"Kayong tatlo anong ginagawa nyo dito? Hindi dito ang college building bakit kayo naparito?" mataray na sabi ng guro.
"Sinamahan ko lang maam yung mga kaibigan ko." depensa ni Mark.
"Hindi na kailangan ng guardian ng mga iyan kaya lumakad na kayo. Bumalik na kayo sa mga klase nyo." sermon pa ng guro
Saka naman umalis ang grupo ni Mark.
"Kayong tatlo ano pang ginagawa nyo dito? Naguupisa na ang klase nyo." mataray na tanong ng guro kila Warren.
"Aakyat na po." sabi ng mga ito saka pumanik sa hagdanan.
Pinapasok naman silang mga nakapasa sa STEM para sa orientation at sa pagfill up ng enrollment form.
Naglalakad papuntang parking lot si Warren ng harangin siya ni Mark.
"Puwede ka bang makausap Montecarlo?"
Hindi kumibo si Warren pero humarap siya sa lalake.
"Bakit ipinahiya mo ako sa harap ng kaibigan ko?"
"Ilugar mo kasi ang sarili mo. Hindi yung pakalat kalat ka."
"Ang tabil talaga ng bunganga mo."
"Wala akong planong makipagtalo sayo kaya umalis ka dyan sa dadaanan ko." sabi ni Warren saka nilampasan ito. At tinungo ang sasakyan.
"Ah alam ko na. Kaya mainit ang dugo mo sakin." sabi ni Mark "Dahil ba mas pinili pa rin ako ni Lala?" sabi pa niya saka humarap kay Warren.
Nahinto naman sa pagbubukas ng pinto ng sasakyan si Warren bago tumawa ng pagak.
"Nababaliw ka na." sabi ni Warren
"Pero wag kang magalala wala akong balak na balikan siya."
"At sa tingin mo interesado akong malaman sa kung anong relasyon nyong dalawa? Tapos na kami kaya wala akong pakialam sa kung ano man ang relasyon nyo." sabi ni Warren saka sumakay at pinaharurot ang sasakyan.
Pagpasok sa loob ng parking lot ng bahay nila sa manila ay naabutan niya ang ina na nagdidilig ng mga halaman sa hardin nito na pinacostumize pa.
"Kamusta ang school?" sabi ni Camea na hinalikan pa ang anak sa pisngi.
"Ok naman mama." nakangiting sabi ni Warren. Sinalubong naman siya ng nakakabata nitong kapatid na si Maverick.
"Hi kuya. Buti your here already." sabi ni Maverick ng makalapit ang pitong taong gulang na kapatid.
"Hmmm.. Hulaan ko.. Inaway ka nanaman ni Kuya Jameson no?."
"Uhm uhm.." tango ng kapatid.
"Halika samahan mo ako lagot siya sa akin." sabi ni Warren saka kinarga ang batang kapatid.
Masaya namang sumampa sa balikat niya ang kapatid.
"Oh wag kayong maingay ha? Natutulog pa si Charles." sabi ni Camea na ang tinutukoy ay ang tatlong taong gulang na bunsong kapatid ni Warren.
"No probs mom." sabi ni Warren saka tumakbo paakyat sa kwarto ni Jameson. Walang humpay naman ang tawa ni Maverick. Pagkatok sa pinto ni Jameson ay dahandahan niyang binuksan saka sila binulaga nito na nagaantay sa likod ng pinto.
Hagalpak naman ang tawa ni Maverick. Sinitsitan naman sila ng ina at sinenyasan na wag magingay. Kaya naghagikgikan na pumasok nalang sila sa loob ng kwarto ni Jameson at hinayaang maglaro si Maverick ng cars nito. Habang siya naman ay nahiga sa kama ng kapatid.
Kadalasan ay nakakatulog siya sa kwarto ng kapatid dahil kagaya ng kwarto niya ay malinis at maliwanag palage ang kwarto nito.
"Anong problema?" sabi ni Jameson
Kilala siya ng kapatid kapag may problema siya dahil kapag gusto niya ng kausap ay dito siya tumutungo.
"Naalala mo ba yung nakwento ko sayo na babae sa resort?." sabi ni Warren na bumangon paupo sa kama.
"Yung tinakbuhan ka?" Tatawa tawang sabi ni Jameson
"Mang asar ka pa."
"Oh dali ano?"
"Doon na sya sa Bren magaaral."
"Oh edi maganda hindi ka na magaantay sa labas ng school nila. Anong problema don?"
"Si Mark."
"The ex of the ex? Anong koneksyon?"
"Well mukhang pinoparmahan nya si Lani."
"So may name na si ms. resort?"
"Makaalis na nga." iritang sabi ni Warren.
"Okay okay magseseryoso na." sabi ni Jameson "Pano mo nasabing pinopormahan niya?"
"Kanina kasi sa school laging nakabakod."
"Baka naman protective friend lang.. Kapatid o kamaganak."
Hindi nakakibo si Warren sa sinabi ng kapatid. May punto ito. Baka nagselos lang siya sa nakitang closeness ng dalawa.
"Selos?" tanong ni Warren sa sarili. Ipinaling nya ang naisip sa posibilidad na nagseselos siya. Dahil hindi nya pa maadmit sa sarili kung ano ba ang nararamdaman niya sa dalaga.
Naputol sa pagiisip si Warren ng kumatok sa bukas na pinto ang pinsang si Cain.
"Anong meron? Mukhang nalugi ka ng sampung beses ah." sabi ni Cain ng pumasok sa loob ng kwarto.
Nagsunuran na din na pumasok ang iba pang pinsan na si Hunter, Jose at Jace.
"Tara basketball?" sabi ni Jose saka ibinato kay Warren ang bola. Agad naman iyon nasalo ng binata. Kinarga naman ni Hunter ang pinsan na nasa sahig saka sabay sabay na silang lumabas ng kwarto.
Naglalaro na sila sa court ng clubhouse nila ng dumating sila Matteo at Joaquin.
"May pameeting ba ang señor?" sabi ni Matteo habang naglalakad palapit sa mga pinsan.
Huminto ang mga ito ng makalapit sila.
"Meron daw sa bahay." hingal na sabi ni Jace pinsan ni Warren na kakambal ni Jose.
"Mukhang malaki magiging problema mo Warren." sabi ni Jameson
Nilingon naman siya ng kapatid.
"Diba may pinupormahan ka? Pano kung habang nasa training tayo nasulot na sayo?" sabi pa ni Jameson habang nag shoshoting silang dala at nakaupo naman sa bench ang mga pinsan.
"Kanina pinalakas mo loob ko. Ngayon pakakabahin mo ba ako?"
"Kinakabahan ka na ba?" tatawa tawa pang sabi ni Jameson "Tapatin mo nga ako tol. Ano ba nararamdaman mo sa Lani na yon?"
"Ewan ko, basta ang alam ko nagagalit ako kapag may ibang umaaligid sa kanya."
"Meaning?"
Nagkibit balikat lang si Warren.
"Nagseselos ka?" tanong ni Jameson
"Yes? Maybe not? Hindi ko alam."
"Bakit? Dahil ba may feelings ka pa din kay Lala?"
"Hindi ko na nga sya naiisip."
"Then admit it bro, you like Lani."
"Sa tingin mo?"
Tumango lang ang kapatid saka tumira ng tres at naishoot. Naghiyawan naman ang mga pinsan.
"See? Pati bola sumasang ayon."
Sabay sabay na silang nagtungo sa bahay nila Jace. Sa Green Meadows nakatira sila Jace at Jose kaya naman sa van ng señor sila sumakay. Nang malaman kasi ng señor na magkakasama sila ay ipinasundo nalang ang mga ito sa company driver nila.
Pagdating nila ay nandoon na ang señor pati ang abuela.
Payakap na tinakbo ng mga ito ang kanilang mamita. Patakbo rin naman na umiwas ito.
"Magsi ligo nga kayo. Matutuyuan kayo ng pawis nyan." sabi ni Barbara
Nagakyatan para maligo ang ilan sa kanilang magpipinsan. Naiwan naman sina Joaquin at Matteo na hindi naman naglaro ng basketball.
Nasa receiving area silang walo kausap ang señor. Pinaguusapan ng mga ito ang tungkol sa nalalapit nilang traning sa military sa zambales ng dalawang buwan. Mandato iyon ng señor kada bakasyon nila sa eskwelahan. Pinangungunahan iyon ng mga biteranong marine corps ng gobyerno na ngayon ay mga nagretiro na. Isa pa lamang itong basic military training. Dahil nasa 18 palang ang karamihan sakanila kaya naman hindi pa sila tunuturuan sa paghawak ng baril. Maliban kila Hunter, Joaquin, at Cain na mga nasa bente anyos na. May alam na ang mga ito sa pagaasemble ng baril.