SIF 9
ASTIN’s pov
Bigla ko na lang siyang nayakap. Yung pakiramdam kasi na may mga bagay siyang biglang naalala tungkol sa akin.
Lagi kong nirereklamo sa kanya noon na madali akong katihin kaya hindi ako madalas nagshoshorts. Madali kasing magsugat ang balat ko.
Nagulat rin siya sa ginawa ko pero somehow I felt her hand on my back. nakasubsob lang nag ulo ko sa kanya.
“are you okay?”bigla akong bumalik sa kamalayan ko.
I pulled my way back.”ah sorry….”punas ko sa luha kong.
“why are you crying?did I say something wrong?”
“uh…wala…natuwa lang ako…”
“huh? Saan?”
Umiling lang ako.”yaan mo na…”
Tumalikod ako at akmang hahakbang na papunta sa counter nang hawakan niya ulit ang kaliwang braso ko.”astin….”
“yap?”
“pwedeng huwag ka na ulit iiyak?”she seriously said.
Ngumiti ako at tinanguan siya. then her expression became more calm.binitawan na rin niya ang kamay ko. binili ko yung gray shoes.
“uwi na tayo?”tanong niya. kadami na pala niyang bitbit puro gamit ko yun e.
“ahy sorry…amin na yang dalawa…”kinukuha ko yung dalwang bag pero ayaw niyang ibigay.
“huwag na..magaan naman e…”
“ok…uwi na tayo….”
Mag-aalas kwatro na rin pala. E gusto ko pa siya makasam. Gusto ko mabawi yung dalawang taong malayo kami sa isa’t-isa. Kung makapagsalita naman ako e prang alam ni rann tong nararamdaman ko sa kanya. tsk tsk.
Papalabas na kami ng mall.
“may dala kang sasakyan?”tanong niya.
Umiling ako.”commute lang ako. poor pa e…”ngiti ko dito.
“ah I see….”
“amin na yang gamit ko….magtatryk na lang ako papuntang terminal…”
“ayoko nga.”irap niya.”ihahatid na lang kita…”
Sinundan ko na lang siya sa parking lot. Di na mareach tong si rann may sarili ng wheels. “yaman natin ah…”biro ko sa kanya.
“kay tito hajime yan…binigay lang sa akin.”pinagbuksan niya ako ng pinto.”hop in miss.”
“thank you takeo….”then inilagay niya sa likuran ang mga pinamili namin.
Bago niya inistart ang engine ay bumaling muna siya sa akin.”are really comfortable calling me takeo?”
Umiling ako.”pero kung yung gusto mong itawag ko sayo okey lang…”
She nodded.”ok... takeo na lang….”
Nalungkot lang ako dun. Sana Rann na lang. “lam mo ba yung address ko?”
Umiling siya.”panu ba papunta dun? Hindi ba sila allergic sa BI?”
“hindi… ok na… “
“ok na?as in dati ayaw nila?”
“uh….uhm…ayaw… pero ok na..graduate na ako e…”I casually answered.”kahit ilang bi pa ang maging kaibigan ko kailangan nilang tanggapin..”
“astig mo naman…”
“yeah…”tipid kong sagot sa kanya.
“you have bi friends? can I meet them?”
“ayoko…”
“bakit? Madaya ka naman….”
“e sa ayoko nga…”simangot ko sa kanya.
Dadagdagan ko pa ba ang mga karibal ko sa kanya? kung noon nga crush na nila tong si rann ngayon pa kayang mas nadagdagan ang s*x appeal niya? :3. Ayoko nga…
After 12345678 minutes ay nakarating na rin kami sa tapat ng bahay namin.“dito na ba yun?”
“yeap…”
Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto.”pwedeng pumasok? I wanna meet your parents..baka kilala rin nila ako?”
“sige….”
Ok lang naman kay mama. Ok na. napaliwanagan ko na siya noon pa. miss na rin daw niya tong amnesia girl ko e.
“ate rann!!!”sigaw ni ivvo na kararating lang galing sa paggala with his barkada.
(?__?) –rann
“ah takeo..siya si ivvo…kapatid ko…”saka ako bumaling kay ivvo.”hindi niya tayo naalala…”
Tumango-tango lang siya.”ahy… ganun…”inilahad niya ang kanay kamay niya kay takeo.”ako si ivvo…ang gwapong kapatid ni ate eva Justine…uhm…and ikaw yung…”
Bigla kong tinakpan ang bibig niya.”sorry…madaldal lang talaga siya.”
“im takeo jhi…”
Gulat rin si mama pagpasok namin ng bahay. Hindi siya makapaniwala na kaharap niya si Rann. hindi ko pa kasi naikukwento na bumalik na siya.
“kailan ka pa bumalik?”
“a month ago po…”
“mas gumanda ka ngayon ha…”puri ni mama sa kanya.
Napahawak naman ito sa batok niya.”thank you po…”
“ahy mama mas maganda yung pinsan niya..si Sachiko…”sabat ko naman.
“hey….sino bang mas una mong kaibigan?ako o siya?”simangot ni rann.
“uuuuyyyyyyyy….away na naman sila…”singit na naman ni ivvo mula sa kusina na may dalang cake.”ate takeo gusto mo?”
“anong flavor?”
“chocolate…”tugon ni ivvo sa kanya.
“e sorry… diba strawberry ang gusto mo?”nag-aalangan akong bumaling kay Rann.
“diba may binili akong strawberries? Tingnan mo sa ref…”said mom.”punta muna ako kay tita annie mo. Kayo na muna bahala dito ha?”bilin ni mama sa akin.
Hayan. Naglighten up na naman ang mga mata ni Rann.I JUST REALLY DON’T WANNA CALL HER TAKEO.>___> kakainis ka rann.
“can you wait? Susubukan kong magluto..”
Naupo siya sa may dining table at nagpangalumbaba.”oo…sige na??”
Nakakaconscious naman tong pinapanood niya ako. pero mas nakakainis yung panay ang tunog ng phone niya.
“sagutin mo na kaya yang tawag na yan?” naiirita kong baling sa kanya.
“hayaan mo…just…”
“JUST ONE OF THE WOMEN YOU MET AT THE BAR…”irap ko sa kanya sabay talikod.
Urrrghhhh,,, ilang beses ko na bang narinig yun sa kanya? hay naku lang noh. its hard to deal with my amnesia girl na anglakas ng s*x appeal ang araw-araw dumarami ang karibal ko sa kanya.
After 123456789 minutes ay natapos na rin. nakisabay na rin sina mama sa amin.
“takeo,,, magbaon ka ng diatabc ha?”natatawang bilin ni mama sa kanya.
“grabe ka naman ma…”simangot ko dito.
“parang mapapadalas ang kain ko dito tita ah..”said Rann. nakailang ulit kaya siyang kuha ng kanin. Taggutom lang Rann?
“gusto mo ng juice?”alok ko sa kanya.
Umiling ito.”ayoko…”
Si ivvo naman ang pinagligpit ni mama. Nagpapahangin naman ulit kami sa labas nakasandal sa kotse niya.
“hindi ka pa ba uuwi? Alas-nuwebe na oh…”pukaw ko sa kanya. pano kasi abala sa kakalaro sa cp niya.
“tinataboy mo naman na ako.”tugon niya pero focus pa rin sa cp.
“e kasi nga..late na...”
Ibinulsa niya ang cp niya at humarap sa akin pero nakasandal pa rin siya.”angsaya ko…ewan ko kung bakit..parang kumpleto ako pag kasama ko ang family mo…kayo…”
Hindi ako makaimik sa mga sinabi niya. malamang lang rann no? tanggap na kasi tayo ni mama. Ikaw lang tong ayaw magpahanap noon.
“dapat pala dito na ako nagpabili ng bahay e…”dagdag pa nito.
“adik mo…”hampas ko sa balikat niya.
But she caught my hand.”if ever nasaktan kita noon at hindi ko maalala sorry ha?”
Hinaplos ko ang kaliwang pisngi niya.”sinabi ko nang ako yung naging masama sayo diba?”
Ginagap niya ang kamay ko at napapikit siya.”bakit ganito astin? bakit parang anggaan ng pakiramdam ko na kasama ka?”
“kaya parang ayaw mo nang umuwi?”
She nodded.
Pinisil ko ang pisngi niya.”huwag mo nang masyadong isipin huh?” iginiya ko siya sa tapat ng driver;s seat.”umuwi ka muna… kita na lang tayo sa makalawa…”
“ayoko…”simangot niya.”bukas na lang…”
“busy nga ako diba?”
“tssss… sino bang mas ma-appeal? Ako o si Sachiko?”
“you really wanna know?”paghahamon ko sa kanya.
“pssh…never mind…”sumakay na rin siya ng kotse and open the window.”ingat ka dun…”she seriously said.
“oo na… iingatan ako nun…”pang-aasar ko dito.
“tsss…”saka niya pinaharurot ang kotse niya. nangingiti na lang ako hanggat maglaho na siya sa kalsada. Wala na nga siya para pa rin akong tangang nakatanaw sa kawalan.
Naabutan ako ni mama sa gaanong sitwasyon.”so bumalik nga siya…”bungad ni mama.
I nodded.”pero hindi niya ako maalala…”
“sinabi nga ni ivvo…”
“mama… I still love her….”
“hindi mo naman maitatago yun e…saka parang nakikita ko kay Rann na may mga gumugulo sa isip niya…”
“sana maalala niya na ako..”I sighed.
“walang magagawa ang paghihintay mo… gumawa ka ng paraan…wala ka pa bang nahahandle na ganyang paseyente dati?”
Umiling ako.
“kaya mo yan…”pi-nat ako ni mama sa balikat.”habang hindi pa tapos ang usapan niyo ng papa mo subukan mong maalala ka niya.”
Hays…ang walang kamatayang kasunduan namin ni papa. RANN? DAPAT MAALALA MO NA AKO BAGO PA SIYA BUMALIK NG PILIPINAS OR ELSE LAGOT NA. TULUYAN NA TAYONG MAGKAKAHIWALAY.