Chandra
Pabalik na ako ngayon ng aking silid. Parang lutang lang ako habang nag lalakad. Ang mga Chandraleenes ay abala rin sa kani-kanilang ginagawa.
Nakahiga ako ngayon sa aking kama,umiiyak. Muling iniisip kung kamusta ang pamilyang naiwan ko.
Baka akala ng aking ina at ama ay patay na ako,ngunit nay pag-asa parin sa aking puso. Alam kong natutulog lang ako, humihinga parin. To whom am I lying ? Sinong tao ang mag-iisip na natulog lang ako ng ilang taon.
Ilang sandali, may kumatok sa aking pintuan. I wiped my tears and opened the door. Bumungad sa akin ang Bluesette.
" Dinner, Az" nangiting sabi ni Neelu.
"Sige" sinarado ko na ang aking pintuan.
Gaya ng dati, ginamit namin ang Chandra ni Fizureh. Nakarating kami sa Neeblaja. Ganon parin ang pwesto namin. Magkaharap si Neelu at Aika; kaharap ko naman si Jalaneel. Nasa gitna naman si Fizureh.
Ibang babaeng Chandraneelen ang nag bigay ng pagpipilili-an ng makakain. Ganon parin ang pinili ng bawat isa.
Kapansin-pansin ang bawat titig ng kababaehang Chandraneleens kay Jalaneel at Neelu. Hindi rin kasi ma-itatangi ang kagwapuhan ng dalawa.
Mula nang dumating ako rito ay napapansin ko na ang mga paraan ng mga pag titig ng mga babaeng Chandraneleens sa kanila.
Ilang sandali, may limang lalaki ang pumunta sa harap ng aming lamesa.
"Uhmm... Ako nga pala si Doli," nahihiya niyang pagpapakilala sa akin. Tinutulak-tulak pa ito ng kaniyang mga kasamahan. Namamawis na ang kaniyang noo, at makikita na pulang-pula na ang kaniyang mukha.
"Ano ngayon kung Doli pangalan mo?" nagulat ako maging ang lalaki sa sinabi ni Jalaneel. Kumakain parin si Jalaneel na parang wala lang.
"Magpapakilala sana ako sa kasama niyo." nahihiyang tugon nito.
" Anong makukuha niya kung magiging magkakilala kayu?" malamig na tanong ni Jalaneel kay Doli.
"Ano rin ang pakialam mo kung magiging magkakilala kami?" sagot ni Doli kay Jalaneel.
"Siguro naman gusto mo pang mabuhay? Kayo, dalhin niyo yang kaibigan niyo sa labas." walang paalinglangag dinala nila ang kaibigan sa labas.
"Ba't mo naman ginawa iyon? Nakaki pag kaibigan lang naman ang tao." naiinis kong wika kay Jalaneel.
"Ganiyan ka ka manhid? Tss. " naiinis niyang sagot.
" Walang masama sa pakikipag kaibigan." inis ko ring sagot sa kaniya
"Sa pagkakaibigan wala, yung sumobra sa pagkakaibigan, mayroon." walang ganang sagot ni Jalaneel. Hindi ko rin talaga siya maintindihan.
"Kumain na nga tayo." sabi naman ni Aika.
"Kumakain naman tayo, ah." panunukso ni Neelu kay Aika. Hindi nalang ito pinatulan ni Aika.
Tahimik lang kaming tatlo sa pagkain, samantalang patuloy sa pag a-asaran sina Neelu at Aika.
Nang matapos kaming kumain ay tumayo na kaming lahat upang makapag handang mag laho. Nang humawak na ang lahat kay Fizureh, inilayo ni Jalaneel ang aking kamay upang hindi makahawak kay Fizureh. Naiwan kami rito sa Neeblaja, habang ang tatlo ay naka-uwi na.
"Why did you do it?" pagalit na tanong ko kay Jalaneel.
"Why not?" sagot niya,wala ka talagang may makukuhang magandang sagit sa kaniya.
"Let's go, let's walk." nagulat sa kaniyang sinabi.
"Bakit ako sasama sa iyo?" pagalit na tanong ko sa kaniya.
"Bakit hindi?" tanong niya rin pabalik sa akin. Wala talagang kwentang kausap.
"Kayang kong maglakad ng mag isa." mataray kong sagot sa kaniya.
"Hindi ko sinabing, hindi mo kaya" sagot na mas nagpa inis sa akin.
"Let's go, I have something to tell you. "
ikinagulat ko iyon, tumayo agad ako at sumunod sa kaniya.
"Ano ang sasabihin mo sa akin?"tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami.
Bigla siyang huminto, kaya napahinto rin ako. Binalingan niya ako.
"I told not to walk behind me, come here, beside me." hindi ako nakagalaw nang hilahin niya ang kamay ko para magkasabay kami sa paglalakad.
"Ang punong nakikita mo sa daan ay ang puno ng Ossaiwa. Ang punong iyon ay bumubukas lamang ng isang beses sa dalawang dekada sa inyo. " panimula niya, halos hindi ako makapaglakad ng maayos dahil sa mga nalalaman ko.
"Kung ganon, totoo na minsan ay nawawala ito? O baka guni-guni ko lang iyon" tanong ko sa kaniya.
"Nawawala iyon kapag may pag may pumapasok, nang mawala ang puno ng araw na pauwi ka, nakapasok na si Ma'am Myta." dagdag niya, nanatili parin akong nakikinig sa bawat salita ma kaniyang sinasabi.
"Every half decade, may dalawang tao ang ang madidisgrasya sa punong iyon. Ang iyong ina at ang anak ni Ma'am Myta ang nakatadhanang madidisgrasya. Ako na ang naatasang magligtas sa kanila. " nakabuka lang ang aking bibig habang siya nag kukwento, hindi parin makapaniwala sa naririnig.
"Bilang kabayaran ng pagliligtas, ikaw at si Ma'am Myta ang kukunin ng Chandraneel. May limang taon sila upang maghanda sa pagsapit ng araw na kukunin kayo. " sabi ni Jalaneel.
"Pinag-aralan ng mabuti ni Ma'am Myta ang mga bagay na kaniyang ituturo sa amin." dagdag ni Jalaneel.
"Nasisigurado ko na hindi kapa ipinapalibing ng iyong ina, alam niyang natutulog kalang. " unti-unting pumapatak ang mga luha sa aking mga mata.
"Bakit ako ang naging kabayaran ni Mama?" nangingig kong tanong.
"Bakit hindi ikaw?" tinignan ko siya ng masama.
"May mga katanungan ka na hindi ko kayang sagutin." sagot ni Jalaneel.
Humarap sa akin si Jalaneel. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking mga pisngi. Dahan- dahan niyang pinunasan ang mga luha ko.
" You can cry as long as you're with me. Just don't, if I'm not around, I won't be able to wipe your tears. I won't be able to make you happy. I won't be able to make you smile." he said,nanlalambot ang tuhod ko.
"Why are you doing this?" I asked.
Hindi niya sinagot. Nagpatuliy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa room ko.
"Goodbye," he said and left me.
Sinirado ko na ang pintuan at nagbihis. Hindi na kayang absorbahin ng utak ko ang aking mga nalalaman.
Humiga na ako, hindi parin makatulog sahil sa pag-iisip, hanggang tuluyan na akong dinalaw ng antok.
Kinabukasan, matamlay akong nagbihis para sa pagpasok sa paaralan. Nang ako'y tapos na, umalis na ako at naabutan ko sa baba ang Bluesette. Magkasabay kaming naglakad papuntang paaralan..
Pagpasok namin nga gate ay ay natanaw na namin si Ma'am Myta.
"Sit down" wika ni Ma'am Myta.
"As you can see, there are three different doors"itinuro niya ang iba't ibang pintuan.
"The first one, Fizureh, that's your Nabhas. You can practice your skills ine teleportation. " Inilahad niya kay Fizureh ang pintuan na kaniyang papasukan.
" The second one, Aika and Neelu, that's your Nabhas. Make sure to improve your Chandras, exchange ideas. " itinuro ni Ma'am Myta kay Neelu at Aika ang pangalawang pintuan.
"Lastly, the last Nabha, will be Jalaneel and Azurine room. I hope you can discover you Chandra today Azurine. Help her Jalaneel." itinuro sa amin ni Ma'am Myta ang pinaka huling pintuan.
" You have 6 hours, time starts now." nang sinabi iyon ni Ma'am Myta at nalakad at pumasok na ang bawat miyembro ng Bluesette sa kani-kanilang Nabhas.
Kinakabahan at natatakot man ay pumasok ako, kasama si Jalaneel.
Binuksan niya ang pinto at humarap sa akin bago tuluyang pumasok.
Nangilabot ako sa salitang binitawan ni Jalaneel.
"We will enter the Nabhas not knowing your Chandra, I'll promise that we will leave this Nabhas discovering your own Chanda. Mark my words."
Nabhas is room po. Ang mga katagang aking ginamit sa istoryang ito ay likha lamang. Maraming salamat sa suporta. Please leave a comment if what do you thing ang Chandra ni Azurine.
Godbless and Ilovey'all.