Enigma 1

1390 Words
Credits to the FACTSAPP for the source of information in the quiz bee part of the story. Sleep well "Question number 5,for the difficult category," Ma'am Myta said. " Chalk's up and you have 30 seconds to write you answer, when the bell rings stop writting and show your answer. Question number 5: The QWERTY keyboard was made to slow you down from typing . If you want to type faster, you can try the ______ Keyboard." she read the question twice and I smiled as I write down my answer. " Stop writting and raise your flascards." sabi ni ma'am Myta nang tumunog ang bell na tanda na tapos na ang binigay na oras sa mga kalahok para mag sulat. " The correct answer is Dvorak, only contestant number 7 got it right." kabado parin ako dahil alam kong pantay ang puntos namin ng contestant number 3. " We have a tie, contestant number 3 and 7 please come here at the front, to break the tie." naglakad kaming dalawa dala ang flashcard at chalk. " Please sit. Now, you have 30 seconds to think and write your answer, are you ready?" Ma'am Myta asked us. " Yes,Ma'am." we both responded. "The question is : You breathe on average about how many times a year times a year?" ramdam ko ang saya sa aking dibdib dahil isa ito sa mga nakabisado ko. " Show your answer." when I saw contestant number 3 answer, I knew I will win. " The correct answer is...8,409,600." I knew it! " Congratulations contestant number 7, you're the first placer for General Quiz bee 2016." I accoutred a smile of victory. I'm sure Mama and Papa will be proud of me. I've memorized all of my reviewers. Naglakakad lang ako dahil walking distance lang naman ang bahay namin papuntang school. Nasilayan ko na naman ang pamilyar na kahoy sa dinadanan ko. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako, dahil minsan hindi ko makita ang kahoy na ito. Pero imposible naman sigurong mangyari iyon. Tinanaw ko ang napakagandang asul na kalangitan. I'm always inlove with anything that's color blue. Most of my things are blue. If I see a jewelries with the color blue associated in it, I will buy it impulsively. Hinaplos ko ang kwintas na binigay ni mama. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na lamang ito mapalitan ng ibang kwintas. Sinabi rin kasi ni mama na kahit ano daw ang mangyari ay huwag na huwa ko itong huhubarin. Siguro, dahil mahal ito. Hindi ko alam ang kadahilanan ni mama dahil hindi naman niya sinabi sa akin. Habang naglalakad ay unti-unti na akong nakakaramdan ng kaba sa aking dibdib, nitong mga nakaraang buwan ay palagi kong nararamdanan na may sumusunod sa akin. Hindi ko ito sinasabi kina mama dahil sa t'wing titignan ko kung may nakasunod ba sa akin ay walang akong makita. Ayaw ko naring mag-alala sina mama at papa sa akin kay mas minamabuti ko nalamang na huwag sabihin. Bawat pagsapit ng alas-sais ng gabi ay naninindig ang mga balahibo ko. Alam kong may hindi tama, alam kong may mali nitong mga nakaraang buwan. Parang pinapagalaw ng hangin ang bawat halaman at bumabati ang mga ito sa akin. Siguro, nababaliw na ata ako. Nang matanaw ko ang kulay kahel na gate namin ay mas minadali ko ang paglalakad. Nang makarating ako ay gumaan ang aking pakiramdam para bang nalampasan ko na ang araw na ito. " Oh, anak, nandito kana pala." yumapak ako ang humalik sa pisngi ni Papa, I missed him, he spent his two weeks in Japan for his work. Habang naghahanda naman si Mama ng pagkain. Pumunta narin ako sa kaniya upang humalik. "Baby, you're here, tikman mo itong niluto kong cupcake para sa iyo," sabi ni mama. " Ang sarap, Ma! " agad ngumiti si Mama. Magaling kasi talaga mag luto si Mama. Binuksan ko ang aking bag at dali-dali kinuha ang medal at ang aking certificate. " Ma, Pa, nanalo ako sa contest kanina" pinakita ko sa kanila ang aking gantimpala ko sa patimpalak na iyon." mababakas ang saya sa kanilang mukha. " Anak, you always make us proud." sabi ni papa "We're beyond blessed to have a daughther like you, kung sana lang ay buhay pa ang iyong kuya ay kasing galing mo rin siya." nalulungkot na sabi ni mama, namatay raw kasi si kuya sa car accident. Bata pa kasi nung mangyari iyon kaya hindi ko na matandaan. " Bihis lang muna ako, Ma, Pa. " dumiretso na ako sa aking kwarto. Sinirado ko na ang bawat bintana ko. Simula nang maramdaman kong may sumusunod sa akin ay sinisugurado ko na naka lock ang bintana ko. Hindi ko alam, pero parang palaging may naka silip sa akin. Gabi-gabi i-isang lugar lang ang napapanaginipan ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin. Kinabukasan, maraming bumati sa akin dahil nanalo ko kahapon. Nang dumating ang aming teacher ay tumahimik rin ang lahat. "Goodmorning, class" bati ni Ma'am. "Goodmorning, Ma'am" sagot namin. " Now, what do you notice when you sneeze?" Ma'am Okelani asked. I raised my hand, "It is impossible to sneeze with your eyes open." I answered. "Very good, Azurine. Nice observation as always." she smiled and I smiled back. " Who among you here knows how many bones a child's body has?". Ma'am Okelani, asked again. Afina raised her hand," At birth, a child’s body is made up of around 300 bones. But an adult has just 206." she answered. " Very good, Afina" Ma'am Okelani complimented her. "How strong our bones are?" Ma'am asked again. " Bones are about 5 times stronger than steel." nagkasabay kami sa pagsagot ni Afina. " Ma'am, I answered it first" Afina said. Ayaw magpatalo. " Sabay lang, Afina." sagot ng kaklase kong si Amrin. Nagkaka-initan ang dalawang ito palagi. " I'm not talking to you." sagot naman ni Afina, inirapan pa niya si Amrin. "I don't care, pabida ka kasi eh" pabalang na sabi ni Amrin. " Ikaw nga walang masagot diyan, mag aral ka muna nang mabuti para naman may maipagmamayabang ka." tumataas na ang boses ni Afina. " That's enough!" wika ni Ma'am Okelani. Nagpatuloy pa sa pagdidiscuss si Ma'am. Nang matapos ang klase ay dumiretso ako sa library, dito ako pumupunta t'wing may natitira pa akong oras. Nagbabasa lang nang saglit. Ito na ang nakasanayan ko. Kumuha ako ng libro na gusto kong basahin. Gusto kong kunin ang nasa itaas, dahil may kung ano sa loob ko ang nag sasabi na kunin ko iyon. Ilang beses kong sinubukan, ngunit ayaw talaga. Kumuha ang upuan at sinubukan ulit ngunit natumba lamang ako. Nasabit pa ang aking kwintas sa kilid ng lamesa. Kinuha ko ito ang nilagay sa aking bulsa. Ang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko ay ma o-ospital ako. Habang iniinda ang sakit na nararamdaman ay kinuha ko ang aking mga gamit at umuwi. Hindi ko namalayan ang oras na mag a-alas singko na pala. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na kaba sa aking dibdib. Mas binilisan ko ang mag paglalakad. Ang puno na palagi kong nakikita rito ay wala na. Mas tumindi ang kaba at takot ko. Naiiyak na ako, tinakbo ko ang natitirang distanya papunta ng aming bahay. "Anak, hindi pa sinabi kong wag kang magpapa gabi, hindi ka talaga nakikinig" pagalit na sabi ni Mama. "Sorry po, Ma". sabi ko habang hingal na hingal pa. " Ba't pawis na pawis ka?" tanong niya. " Ma, guni-guni ko lang ba iyon? Para ka kasing minsan ang puno diyan sa daan minsan nandiyan, minsan nawawala." nanginginig kong kwento kay mama, mababakas mo ang gulat sa mukha ni Mama. "Anak, huwag ka nang maglakad simula bukas, ihahatid kita." sabi ni mama "Okay po, bihis lang po ako, paalam ko kay Mama. Nang matapos kong maligo ay pinatuyo ko ang aking buhok. Nakakapanibago, hindi naman ako dinadalaw ng antok ng ganitong oras. Tinignan ko ang relo at 6:00 palang ng gabi. Matutulog na muna ako, gigisingin naman siguro ako ni Mama rito mamaya. Nais kong imulat ang aking mga mata; igalaw ang aking katawan. Naririning ko ang mga hikbi ng aking ina, naisin ko mang pahiran ang luha sa kaniyang mga mata ay hindi ko magawa. Isang bulong ang aking narinig. 'THE DAYS OF YOUR ENIGMATIC DREAM STARTS NOW! SLEEP WEll...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD