chapter 3

1039 Words
. . Nasa bahay ako ngayon at inaayos ang ilang gamit na nadadalhijn ko pabalik ng ospital. Buti nalang at dumating si tiya madel ang kapatid ni nanay galing ilocos, siya muna ang nag babantay kay nanay sa ospital ngayon dahil kelangan ko din mag hanap ng perang ipang babayad sa ospital. Habang nag sasalansan ako ng damit sa isang maliit na bag ay nakarinig ako ng katok sa pinto kaya iniwan ko muna saglit ang mga damit na inaayos at tumungo sa pinto para pag buksan ang sino mang kumakatok. tao po !!! Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si ate jona. oh ate ? napadaan ka po ? tanong ko sabay bigay ng daan upang maka pasok siya sa loob ng bahay. Nabalitaan ko ang nangyari sa iyong inay, ito oh, maliit lang yan pang dagdag gastusin. inabot niya sakin ang limang libong piso. maliit man ay malaking tulong nadin ito dahil sobrang laki ng bill ni inay sa ospital. Maraming maraming salamat po ate jona, sobrang laking tulong napo ito sa amin. naaiiyak akong napayakap sakanya. walang anuman ganda. Pero kung kelangan mo talaga ng malaking halaga subukan mo lumapit kay tiya baka kahit papaano ay may maibigay siya saiyo. pano ako'y mauuna na ha. hitnatid ko siya sa pinto0 at pinanuod ang dahan dahan niyang pag layo sa aming bahay. Dumiretso ako sa isang company na pinag OJT-han ko upang. i-follow up yung pinasa kong resume kung na approved naba. hi, Good afternoon ma'am, tanong ko pang po sana iyong inapplyan kong secretary kung na approved napo. Tanong ko ng naka ngiti sa may receptionist. Check ko lang po wait, ano nga po pala ang name nila ? sinabi ko ang buong pangalan ko at ilang minuto lamang ay humarap na siyang muli sa akin ng may pag aalangan na ngiti. Miss astrid approved napo pwede napo kayong mag start sa monday, goodluck po. Parang may kakaibansa ngiti at tingin niya sa akin ng sinabi niya iyon ngunit binalewala ko nalang, i need the work at medyo malaki ang sahod sa company na ito kaya alam kong kakayanin ko. Lumabas ako ng building at naglakad lakad, i need another work iyong part time lang dahil kahit malaki ang sahod sa company na papasukan ko ay kukulangin padin iyon. Habang nag lalakad lakad ay nakaramdam ako ng gutom lalo na ng malanghap ko ang amoy ng sari saring street food na naka hilera sa dinadaanan ko. Sinilip ko ang dalang wallet at tinignan kung magkano pa ang laman, meron nalang ako isang libo bukod iyong binigay ni ate jona na five thousand. nilaan ko na iyon sa gamot na kakailanganin ni inay. Bumili ako ng sampung pisong fishball at limang pisong palamig para mapunan ang nararamdamang gutom. matapos kong kumain ay naglakad lakad akong muli at nadaanan ko ang isang club na pag mamay ari ng tiyahin ni ate jona. may naka paskil doon na wanted waitress kaya agad akong pumasok upang makapag tanong. Isang tisay na babae ang nasa lubong kong papalabas ng club maganda at matangkad siya at merong makapal na make up habang nguminguya ata ng bubble gum. Anong atin miss ? tanong niya sa akin ng tumapat na ako sakanya. ah.. eh, nakita ko kasi sa labas na kelangan nyo daw ng waitress, gusto ko sanang mag apply. tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. tapos ay pina ikot. sure ka ? waitress ang aapplyan mo? ayaw mo mag table ? malaki kita dun. sunod sunod ang ginawa kong pag iling hindi, hindi waitress lang gusto ko part time ko sa gabi dahil may regular work naman ako. bahagyang tumaas ang kaniyang kilay at saka pinasunod ako sa loob. Dahil maaga pa ay bukas ang lahat ng puting ilaw. kitang kita ko ang itsura ng buong club. May ilang taong nag lilinis pa ng mga kalat pa ata kagabi. medyo malaki rin siya at may stage sa gitna na sa tingin ko ay may sumasayaw sa gabi. dumiretso kami sa isang hall way na may pinto sa pinaka dulo. Kumatok iyong babaeng maputi ng tatlong beses bago binuksan ang naka saradomg pinto. Bumungad sa amin ang medyo may edad ng Bakla, ang tiyo ni ate jona. Madam chi ang tawag sakanya sa amin. Naka upo siya sa isang swivel chair at ng makita ako ay bigla siyang tumayo at may malaking ngiti sakanyang labi. Astrid !!! nag mamadali siyang lumapit sakin at tumigil sa aking harapan. anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito Ganda. Akala ko ba ay ayaw mo ng offer ko sayo ? Mag a-apply po sana akong waitress madam chi, kelangan ko kase ng part time na sasahod araw araw dahil kinsenas ang sahod sa company na papasukan ko. nahihiyang tugon ko sakanya. Matagal na niya kase akong inaalok na mag trabaho sakanya na maging escort. Sabi niya ay malaki daw ang kita doon. Isasama lang daw ako kung saan gusto ng vip niya ang ilang gabi ko at kikita na ako ng six digits o higit pa. Pero kahit gaano kalaki ang kita doon ay hindi ko masisikmura ang gagawin sa akin kung sakali man. Kaya pilit ko siyang tinatanggihan sa tuwing inaalok niya ako noon. Nako iha, sigurado kaba na waitress lang ang gusto mo ? maliit lang ang sahod ng waitress. naiiling siya habang naka tingin sa akin. yan din ang tanong ko sakanya madam. pwede siyang tumable mas malaki ang sahod doon. ani naman ng babaeng maputi na hindi ko padin alam ang pangalan. hayaan na natin, sige at pwede kanang mag umpisa mamaya. alas syete ang bukas ng club astrid dapat ay before seven ay nandito kana ha. sige po madam, maraming salamat po. bumalik na siya sa kaniyang lamesa at kinuhang muli ang papel na kanina ay binitawan niya. Habang naglalakad kami palabas ay sinabi na sa akin ng babaeng maputi ang mga dapat at hindi ko dapat gawin sa trabaho. Nalaman ko na din na ang kaniyang pangalan ay cherry. May uniform daw ang mga waitress dito, iba iba kada gabi. Nang matapos akong i-orient ni cherry ay dumiretso na ako sa ospital upang kamustahin ang kalagayan ni inay at ipaalam kay tiya na may trabaho na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD