Rachel’s POV Hindi ako makapaniwalang nagising ako katabi sa iisang kama si Cali. Tanging kumot lamang ang balot sa aming mga katawan. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ito o ikakokonsensiya. Kahit sinabi niyang hiwalay na sila ni Athena ay hindi pa rin tama na umeksena ako sa pagitan nilang dalawa. Anong kagagahan na naman ang ginawa mo Rachel? Pinukpok ko pa ang ulo ko sa sobrang inis ko sa sarili ko. Bago pa siya magising ay agad akong bumangon at nagbihis. Umalis ako ng hotel na iyon at siniguro kong walang makakapansin sa akin. Nakauwi naman ako sa Condo ko nang matiwasay pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Lasing ako kagabi at hindi makapag-isip ng tama, pero naaalala ko ang lahat ng nangyari. Sariwa sa isip ko kung paanong dumampi ang mga labi niya sa labi ko. Ku

