Rachel’s POV UMAGANG-UMAGA nasa bahay na namin si Amiel. Effort kung effort talaga. At ako naman heto, mukhang nabuhusan ng malamig na tubig at tila ba nahimasmasan sa biglaang desisyon ko. Masyado ba akong naging impulsive sa naging desisyon ko kahapon? Hindi ba masyadong mabilis yung kasalan agad? Hindi ba pwedeng ligawan muna ulit? Ano kaya ang magiging reaksiyon nina mama, nanay Lucing at buong angkan ko kapag nalaman nilang ikakasal ako bigla? Para naman kasi akong lango kagabi. Hindi ko na inisip ang mga pasyang ginawa ko, at saka nadala na rin ako ng pagka desperada ko. At sige! Selos na rinang makita ko si Cali na may kasamang babae. Pero bukod rin kasi doon ay iniisip ko rin si Calla, paano ko kaya ipapaliwanag sa kaniya ito? Ano kaya ang magiging reaction niya? magiging masa

