Cali’s POV. “HAWAKAN niyong mabuti. Itali niyo.” Iyon lamang ang tangi kong naririnig mula sa mga taong kasama ko ngayon. My eyes was closed and I can’t barely open it. Ngunit nananatiling gising ang diwa ko. Unti-unti ko nang nararamdaman ang sakit mula sa sugat na natamo ko sa pagkabangga ko. Hindi ko kilala ang kung sinumang mga taong nakahawak sa akin ngayon. Ni hindi ko man lang maaninag ang mga mukha nila. “Gago, dapat pala hinarang natin,” narinig kong sabi ng isang lalaki. “Bobo! Ayaw mo no’n? Hindi na tayo mapapagod na gulpihin ‘to. Tingnan mo nakakaawa na yung itsura.” Nagkatawanan silang dalawa. Naramdaman kong inilabas nila ako sa sasakyan ko at hinihila patungo sa kung saan. Am I being kidn*pped? Sinubukan kong buksan ang mga mata ko ngunit umiikot na talaga ang paning

