Cali’s POV NAGDALA sa akin ng kalma ang pagyakap ko kay Rachel. Hindi ko naman naramdaman na tumututol siya sa ginawa ko. But I know this is somehow a way of taking advantage, kaya naman ay humiwalay na rin ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. “I’m sorry,” paghingi ko ng paumanhin sa kaniya. “Okay ra ka?” Tanong niya na bakas pa rin sa mukha ang pag-aalala. “That was just normal to me. I often have nightmares,” casual kong tugon. Napatingin ako sa oras. Madaling araw pa lang, mga 3:00 A.M. Nang tumingin ako sa gawing labas, napansin kong tumigil na ang pag-ulan. Ibig sabihin ay humupa na ang bagyo. Pero wala pa ring kuryente at tanging emergency light lang na nahanap ko kanina ang nagsilbing ilaw namin. Wala pa rin signal. “Balak ko sanang umuwi na sa amin. Hindi na ako mapakali, kail

