Rachel’s POV SOBRANG bilis ng pangyayari. Hindi pa nga nakakaahon yung mga basher ko sa pagka cancel ng kasal ko kay Amiel ay may wedding news na naman ako. Nasa Manila ulit si Cali dahil inaasikaso niya ang mga kapatid niyang nasa kulungan. Noong isang araw daw kasi ay pinagtangkaan ang buhay ng isa sa mga kapatid niya, sinaksak daw ito. Baka nga raw pinagdiskitahan sa loob ng mga kapwa preso. Matatandaang ipinakulong niya ang dalawang kapatid dahil sa pagtatangka nitong kidnapin at patayin siya. Hays, ang hirap kapah kadugo mo ang gumawa sa iyo ng ganoon. Sana ay maging okay na ang lahat sa kanilang magkakapatid, lalo na at sabi ni Cali, may kutob siya na hindi sila ang totoong may sala sa pagtatangka at pangingidnap sa kaniya noon. Pero hindi pa raw siya sigurado dahil maaaring sang

