Rachel’s POV
Nang matapos akong maglabas ng hinanakit ay si Mr. Alonzo naman ang nagbahagi ng kwento niya.
“My mom passed away when I was Eight, She had a sudden death. Sudden in a sense na saka ko lang nalaman na may sakit siya, the day she collapse and died on the spot.” Lumamlam ang mukha niya bago itinuloy ang pagkukwento. “It’s just sad kasi wala ako sa tabi niya noong nag collapse siya. Since then, kinuha na ako ng Daddy ko at pinatira sa mansiyon niya, dahil wala nang mag-aalaga sa akin,” panimulang kwento niya. Nabakas ko ang lungkot sa mga mata niga nanag banggitin niya ang kanyang ina. Napaka traumatic ng naging experience niya noong bata pa siya.
Kung ako iyon, hindi ko kakayanin.
Napakahirap mawalan ng magulang. Lalo na kapag nasaksihan mo mismo ang mga huling sandali ng kanilang paghinga.
“My Dad has two sons before he had me. He had 2 from his first wife, and me, his illegitimate son from my mom. Then when he took me, he had his third wife and has one child who happens to be a girl.”
Napangiti siya sa part na binabanggit nuya ang kanyang bunsong kapatid.
“Actually, yung sister ko lang ang kasundo ko sa lahat ng kapatid ko.”
Ngayon naman, sumeryoso siya. “Yung dalawang kuya ko, ayaw nila sa’kin kabit hanggang ngayon.”
“As in ayaw? Paano mo naman nasabing ayaw nila sa’yo?” pag-uusyoso ko naman.
“They want me dead.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“De, Joke lang!” sabay bawi niya at tumawa nang malakas.
“Eh, nabuang na sad,” sabi ko na ang kahulugan ay nababaliw na naman niya.
“Panay sabi ka ng nabuang, ano ba ibig sabihin nun?” kunot-noong tanong niya.
“Ah, wala yun. Ang ibig sabihin no’n, masayahin ka,” palusot ko na lamang.
“Ah, iyon ba meaning no’n? Bakit parang hindi?”
“Ayun nga ang meaning no’n!” giit ko naman.
Umalingawngaw sa tahimik na islang iyon ang halakhak naming dalawa. Kung saan-saan na nakarating ang kwentuhan namin, gaya ng sinu-sinong artista na ba ang naging client ko, hanggang sa politicians at pagtaas ng presyo ng bilihin. Kulang na lang ay pag-usapan namin kung umuutot ba ang ibon?
Hindi na namin namalayan na malapit nang lamunin ng dilim ang kalangitan. Namangha na lang kami sa napakagandang view ng sunset.
“Malapit na gumabi, wala pa ring dumadating na rescue,” sabi ko na may tono ng pag-aalala.
“Mahahanap din nila tayo. Magtiwala ka lang,” pagpapanatag uli niya sa akin.
“Sana nga, kasi kapag wala na tayong makain dito. No choice ako kundi kainin ka.”
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa sinabi ko.
Piskut uy. Ngayon ko lang na realize na ang sagwa pala ng joke ko.
“Cannibalism ba!” awkward kong paliwanang.
Nagpipigil naman siya ng tawa.
“Anong nakakatawa?”
Kaya nga ako introvert sa ibang tao. Minsan, mas gusto kong manahimik na lang kaysa magkamali.
Feeling ko, kapag dumaldal ako. Walang mabuting sasabihin itong bibig ko.
Nagkatawanan na naman kami.
Tuluyan na ngang dumilin. Nagpasiga ng bonfire si Mr. Alonzo gamit ang mga kahoy na napulot niya doon sa malapit sa kagubatan. Ito ang nagsilbing liwanang namin. Mabuti nga at may makakain pa kami dahil sanlaman ng survival bag ni Mr. Alonzo. Kaya lang ay hanggang ngayong gabi na lang ang supply, kailangan na naming ma rescue bukas na bukas din dahil wala na kaming kakainin.
Palamig nang palamig ang hangin. Napansin kong hinihimas ni Mr. Alonzo ang sariling braso, sa tingin ko ay nilalamig na rin siya.
“Pwede naman siguro tayong mag-share ng jacket,” pag-ooffer ko sa kanya bilang sa kanya naman talaga ang jacket na ‘to.”
“Ayos lang ako,” tugon niya.
“Huwag na maarte,” tugon ko naman.
Never ko inakala na makikipag-usap ako ng kaswal sa client ko na isang CEO ng malaking kumpanya.
Kalaunan ay umusog na siya palapit sa akin at nakipag share sa jacket. Nakabalabal iyon sa magkabilang balikat namin.
Sabay kaming napatingala sa langit at namangha ako sa nakita ko.
Napakaraming bituin. At napakaganda rin ng buwan. The skies looks magical and celestial. Hindi ko na namamalayang napapapikit ako. Parang dinadala ako nito sa kalaliman ng pagtulog. Napasandal ako sa malawak na balikat ng taong nasa tabi ko.
*******
NAKAKASILAW na sinag ng araw ang naging dahilan ng pagmulat ng mga mata ko. Umaga na pala?
Ang huling alaala ko ay nakatulog ako sa balikat ni Mr. Alonzo.
At nasa pampang kami no’n bakit narito na ako sa itaas na bahagi?
Shocks! Ibig sabihin ba niyon ay binuhat ako ni Mr. Alonzo?
Rachel! Nakakahiya ka! Humiga ka na nga sa balikat, nagoabuhat ka pa? Iba din talaga!
Bumangon ako at hinagilap si Mr. Alonzo. Kahit naman sinabi niyang tawagin ko siyang Cali ay hindi ko pa rin iyon magawa dahil nasanay akong Mr. Alonzo ang tawag ko sa kanya.
Nasumpungan ko siyang nagtatampisaw sa tubig-dagat.
Kumaway siya sa akin nang makitang nakatayo na ako. Lumakad ako patungo sa kanya.
“Good morning,” bati niya nang makalapit ako.
“Good morning. Wala pa ring recue?” bungad na tanong ko sa kanya.
Umiling-iling siya.
I started to shrug my shoulders out of hopelessness.
“Baka naman naghihintay lang tayo sa wala,” pinanghihinaan ng loob king sabi.
Tiningnan ko yung airplane na naroon pa rin kung saan kami nag land kahapon.
“Hindi ba maaayos yung plane?” tanong ko uli.
“Kapag naayos ba sasakay kapa?” taning niya na ikinatameme ko naman.
“Huwag mo nang isipin. Hindi ko rin naman mapapa andar.” umahon siya sa dagat at nagpaalam. “Maghahanap muna ako ng makakain natin doon sa gubat.
“Ha? Hindi ba delikado?”
“Don’t worry. I can manage.”
Nagsimula na siyang lumakad papunta sa gubat. “Teka lang!” sigaw ko. Napatigil siya at humarap muli sa akin.
“Pwede ba akong sumama?”
Tumango si Cali at sumunod na ako sa kanya.
Naroon na kami sa gubat, masukal at mahirap ang daan. May mga oras na nadadapa ako habang si Cali naman ay sanay na sanay na. Kumuha lamang siga ng patpat para depensa kung sakali mang may makakasalubong kaming ahas.
“Ilag!”
Nagulat ako, nang biglang naramdaman ko ang pagsalubong ng dalawang braso ni Mr. Alonzo sa akin. Niyakap niha ako nang mahigpit at inilayo sa kung anumang nais bumagsak sa harapan ko.
Iyon pala ay nabaling sanga galing sa isang malaking puno.
Saglit nanghari ang katahimikan sa paligid. Tanging ang pagtibok ng puso ko at puso niya ang tangin naririnig ko. Naramdaman kong unti-unting bumibigat si Mr. Alonzo, halos bumigay ako dahil nakasandal na siya sa akin.
“Mr. Alonzo?” tawag ko sa kanya ngunit hindi siya sumasagot.
“Cali?” umikot ako nang bahagya para tingnan ang mukha niya. At doon ko lamang napagtanto na wala siyang malay. Tuluyan na kaming bumagsak na dalawa sa lupa. Pinilit kong umalis sa pagkakadagan niya sa akin. Inihiga ko siya sa braso ko. “Cali, gumising ka. Cali?” tawag ko sa kanya habang tinatapik ang pisngi niya.
Halos maiyak na ako dahil wala pa rin siyang malay. May sugat pa sa noo niya.
“Tulong!”
Isang tunog ng pagsipol ang narinig ko.
Marahil ay ito na nga ang rescue na hinihintay ko. Hinayaan ko munang nakahiga sa lupa si Cali. Tumakbo ako pabalik sa pampang para tingnan kung mayroon ngang rescue na dumating.
At nasumpungan ko nga roon ang mga rescuers kasama si Ms. Athena, ang fiancee ni Cali. Agad akong tumakbo palapit sa kanila at nang makarating ako ay agad akong humingi ng tulong.
“Please tulungan niyo kami. Si Mr. Alonzo nawalan ng mala!” nanginginig at natataranta ako habang sinasabi ko iyon. Agad tumakbo ang ibang rescuers kasama si Ms. Athena, ako naman ay sinuotan ng jacket ng ilang rescuers at dinala sa speedboat na sinakyan nila. Hanggang sa pag-upo ko ay hindi pa rin maalis ang nakapako kong mga mata sa gawi ng gubat kung nasaan si Cali.
Kasama ng mga luha sa mga mata ko, hinihuling ko ay sana maging maayos ka Cali Alonzo.