Cali’s POV “OH gosh! kuya what happened to you?” natataranta at nag-aalalang tanong ni Savanna nang pumasok ako habang nakahiga sa Gatch bed na may benda sa ulo at neck brace. Ipinuwesto ako ng mga tagatulak kapantay sa bed ni Kuya Henry. “Anong nangyari sa’yo?” tanong naman ni Kuya Henry na may pag-aalala rin. “Nakita ko na yung taong nagtangka sa’yo kuya. Hinabol ko siya pero nakatakas siya,” paliwanag ko. “Gosh!” reaksiyon naman ni Savanna. “Vanna, huwag ka munang maglalalabas ngayon. Kumuha ka ng bodyguards mo na pwede mong isama kahit saan. We are not sure if their target, if it is just kuya Henry. Pwede ka rin nilang saktan.” Savanna nodded and took her phone. “I’ll call Ate Rachel para ipaalam ang nangyari.” “No!” mariing pagpigil ko sa gagawin niya. “Why? what’s the matter?

